JOHN WYCLIFFE AT JOHN HUSS

3 1 0
                                    

John Wycliffe at Jan Huss: Ang Pagbubukang-liwayway ng Repormasyon

isang sinulid;

Bago ko ito simulan, nais ko sanang maglahad ng talambuhay ng dalawang taong naghangad ng pagbabago bago pa dumating si Luther.

-simula-

Sino si John Wycliffe?

Siya ang kinokonsiderang nangungunang pilosopo at theologian ng Oxford.

Siya ay isinilang noong 1330, sa isang bukirin na 200 milya ang layo sa London.

Siya ay nakapag-aral sa Unibersidad ng Oxford ngunit dahil sa paglobo ng Black Death(isang sakit na lumalaganap sa Europa) ay hindi niya nakuha ang doktorado hanggang 1372.

Naging rektor siya ng parokya ng Lutterworth, ngunit pagkalipas ng isang taon ay nadismaya dahil hindi siya pinagkalooban ng posisyon sa Lincoln o kaya't pagiging obispo ng Worcester.

Nagdemanda ang Roma ng pinansyal na tulong mula sa Inglatera, na isang bansa na nagpupursiging magkamit ng salapi upang mapigilan ang tangkang pag-atake ng mga Pranses. Pinayuhan ni Wycliffe ang kanyang local na panginoon na si John of Gaunt na sabihan ang Parliament na huwag nang tumalima. Iginiit niya na napakayaman na ng Simbahan at tinawag ni Kristo ang kanyang mga alagad para sa kahirapan, hindi para sa kayamanan.

Ang mga opinyon na yun ang nagdala sa kanya sa kaguluhan, at dinala siya sa London upang sagutin ang mga paratang ng heresiya.

Tatlong buwan na ang nakalipas, nag-isyu ng limang bulls(church edicts) si Papa Gregorio XI laban kay Wycliffe, kung saan si Wycliffe ay inakusahan ng 18 bilang at tinaguriang "master of errors"

Sa isang pandinig sa harapan ng arsobispo sa palasyo ng Lambeth, sinabi ni Wycliffe, "Handa akong ipagtanggol ang aking konbiksyon hanggang sa kamatayan. Sinunod ko ang mga sagradong kasulatan at mga banal na doktor"

Sinabi niya pa na ang papa at ang Simbahan ay pumapangalawa sa awtoridad sa kasulatan.

Siya ay isinailalim sa house arrest at naiwan para magturo sa parokya ng Lutterworth.

Pinag-aralan niyang mabuti ang mga Kasulatan at nagsulat laban sa mga katuruan ng Simbahan.

Hinamon niya ang indulhensya at nagsabing HINDI RAW ITINURO NI KRISTO NI NG MGA APOSTOLES ANG PANGUNGUMPISAL.

Naniniwala siyang dapat may Bibliya sa bawat tahanan ang mga Kristiyano, sinimulan niyang isalin ang Bibliya sa wikang Ingles sa tulong ng kanyang kaibigan na si John Purvey.

Mapait na kinontra yun ng Simbahan at nanindigan si Wycliffe na dapat mabasa ng sinumang tao ang Bibliya sa kanilang sariling lingguwahe.

Namatay si Wycliffe bago pa matapos ang pagsasalin at ang kanyang kaibigan na si John Purvey ang responsable sa pagpapalimbag ngayon ng Wycliffe Bible. Ang kanyang mga tagasunod na "Lollards" ay pinag-uusig ng Simbahan hanggang sa pagdating ng English Reformation....

Hinukay pa raw ng mga awtoridad ang kanyang mga buto at sinunog saka ikinalat sa ilog.

So ayan, dito naman tayo kay Jan Huss/John Huss

Isinilang si Huss noong 1369 sa isang mahirap na magulang sa "Goosetown" na Husinec sa timog ng Czech Republic. Pinaiksi niya ang kanyang pangalan sa "Huss"(goose) na tinawanan naman niya at ng kanyang mga kaibigan at nagpapaalala sa isang "goose"/gansa na sinunog dahil sa di pagsunod sa Papa.

Para makaraos sa kahirapan ay nagsanay siya sa pagpapari.

Nakakuha siya ng Batsilyer, pagka-master at sa wakas ay doktorado. Inordina siya noong 1401 at naging mangangaral sa kapilya ng Prague's Bethlehem. Nagbago siya at nadiskubre ang Kasulatan.

Ang mga sinulat ni Wycliffe ay nakapagpukaw ng interes niya upang mag-aral pa ng kasulatan. At nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanilang Unibersidad ng Prague.

Nagkaroon ng politikal na laban at itinuring na heretiko ng mga Aleman sina Wycliffe at ang mga tagasunod nito.

Ang sitwasyon ay pinalala pa ng pulitika sa Europa, at dalawang papa ang naglalaban para pamunuan ang Kristiyanismo.

Sa halip ay inihalal si Alejandro V bilang tunay na papa at siya ay "sinuhulan" umano para kampihan ang mga awtoridad ng Simbahang Bohemian laban kay Huss, na siyang nagpapatuloy na nagkikritiko sa kanila.

Si Huss ay pinagbawalang mangaral at dineklarang eskomulgado ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pangangaral sa kapilya.

Ang sumunod na papa pagkatapos ni Alejandro V ay nag-awtorisa na magbenta ng indulhensya para makakuha ng pondo laban sa kanyang karibal.

Si Huss ay ineskandalo at ang papa ay mas pinili ang sariling interes.

Nawalan ng suporta ng hari si Huss at muling nagbanta na ieeskomulgado siya.

At isang interdict ang inilagay sa lungsod ng Prague, bawal magkaroon ng Communion ni ilibing sa sementeryo ng Katoliko.

Para mailigtas ang syudad ay umalis siya doon at nagpunta sa countryside. Sa dalawang taon ay gumawa sya ng mga treatises.

Iginigiit niya sa kanyang mga sulat na si Kristo lang ang ulo ng Simbahan at ang pagiging ignorante at sakim sa salapi ng Papa ay maraming kamalian.. at para magrebelde laban sa maling papa ay sundin si Kristo.

Noong Nobyembre 1414, nang naka-ayos ang Konseho ng Constance, inimbitahan ng Emperador Sigismund na pumunta si Huss at magpaliwanag ng kanyang mga doktrina. Nang dumating siya roon, siya ay inaresto at ginapos.

Hindi man lang siya binigyan ng bukas na pandinig upang siya'y makapagpaliwanag. Ngunit marami ang nakikiusap sa kanya na siya'y mag-recant na o itanggi na ang kanyang mga paniniwala.

Noong Hulyo 6, 1415, siya ay dinala sa katedral at nakasuot ng damit pang-pari.

Tumanggi siyang magrecant nang nakagapos na sa isang poste upang sunugin, at siya'y nanalangin, "Panginoong Jesus, para sa iyo ito na buong pasensya akong nagtitiis sa malagim na kamatayang ito. Nananalangin ako sayo na mahabag ka sa aking mga kaaway"

Narinig siyang nagsasalita ng mga Psalmo habang nilalamon ng apoy.

Kinuha ng kanyang mga executioners ang kanyang mga abo at itinapon ito sa ilog upang mabura sa alaala ng marami ang tungkol sa heretikong ito, ngunit kinolekta ng mga Czech ang kanyang mga abo na natitira upang may magunita pa.

Marami ang nagalit sa pagkamatay ni Huss at nagkaroon ng mga coalition ng Hussites na siyang gumamit ng dahas at ayaw magpasailalim sa Simbahan ni sa Emperador ng Banal na Imperyong Romano.

-wakas-

Pinagkunan: https://www.christianitytoday.com/history/people/moversandshakers/john-wycliffe.html

https://www.christianitytoday.com/history/people/martyrs/john-huss.html

John Wycliffe
christianitytoday.com

Ps: isinalin ko nalang po sa Tagalog para madaling maintindihan.

THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon