Dedicated to:binibining_inna
Hi baby dany,thank you for the support.Keep Safe always and love yah😘Supposedly this dedication should be in the prologue yet I forgot to put your name.You know what,I'm so thankful we became friends and one day I'll be able to hug you etc.Always remember we are sister not by blood but spiritually and virtually.When you need someone to talk,just message me.Lucky to have you.💜
Chapter Two
[Altresan Cousins]
"O sya...sige na't pagbibigyan na kita." Ang kulit talaga.
Agad itong lumapit at kumapit sa aking siko."Talaga..." Malambing nitong wika.
Pagkalipas ng ilang minuto tapos na akong kunan ni Citra ng larawan.Iba-ibang pose ang tinuro niya sa'kin.Binibiro pa nga akong stiff daw ako,tinawanan ko na lang.
Pero sa lahat ng kuha niya isa lang ang pinaka-nagustuhan ko.Naka-upo ako sa gilid ng sementong paso,nakatuko ang kanang kamay sa gilid ng binti...sa kaliwang kamay hawak ang pinitas na rosas na binudburan ng tissue ang mga tinik nito,at sadyang inilapat sa dibdib. Bahagyang nakatagilid ang mukha ko't malungkot na nakatingin sa mga rosas.
Nasa gilid kami ngayon ng daan na nakapagitnaan ng mga sadyang itinanim na pine trees.Ang harapan nito ay mga rosas din na nakatanim sa mahabang sementong paso.At sa bandang hulihang linya ng pine ay may isang gemilina.Kita na rin mula rito ang gusali na hanggang pitong palapag na kulay abo,ganun rin ang sa kabila.
Rinig ko na rin ang ingay ng mga estudyante.
Sa gilid ko ay si Citra na nakahalukipkip at pinatid balik ang paa sa mga tuyong hulog dahon ng pine.
Nilingon ko si Citra na nasa aking tabi na pala...nakangiti at nasa likod ang mga kamay.
"May napili ka na?" Tanong nito.
Tumango ako.
"Ito...ikaw na bahala n'yan" Sabay pakita sa larawan.
Citra excitedly took the phone from me.
"Ngayon mo ba ito i-upload?" She ask,looking at her phone,showed the picture I choose.
"Saka na." Tanging sagot ko."Tara na nga."
Nauna akong maglakad papasok sa pinakabungad,nakasunod naman si Citra.
Sinabihan pa akong magtali na muna ng buhok para hindi raw masyadong mainit...kaya tumigil kami saglit at saka nagpatuloy.
"In fairness ang laki ng CoAS at ang ganda.Naexcite tuloy akong mamasyal." Sinabayan pa ng palakpak ni Citra at manghang kumuha na naman ng mga larawan.
"Sana ma-full storage ka." Bulong ko.
Napalingon ito sa'kin.
"May sinabi ka Riscya?"
"Wala." I lied in convincing look.
Sino ba ang hindi pupuri?
Nasa pinakabungad kami ngayon ng CoAS,ang plaza.Nakapagitnaan ito ng school building.Malaki nga ito,bawat gusali ay hanggang pitong palapag at 'tig limang kwarto.
Ganun kalaki at kalawak.
Sa harapan ng bawat gusali ay may tanim na puting rosas na nakapaloob sa sementong paso,na bumagay sa kulay abong pintura ng gusali.Sa pinakagitna ay sementong hagdanan,tantiya ko'y may limang baitang.
BINABASA MO ANG
Trails Of Broken Yesterday
Dla nastolatkówYori is living in her present with her thoughts way back the trails of broken yesterday. What happen? Why can't she forget?