Kabanata 1

4 0 0
                                    

Marami sa atin gustong maabot ang ating minimithi sa buhay. Gusto nating maabot ang ating mga pangarap sa buhay. Makapagaral sa magagandang eskwelahan. Makapaglakbay sa iba't ibang lugar at marami pang iba ngunit ilan ba sa atin ang mulat sa katotohanan, ilan ba sa atin ang alam ang tunay na tama at mali, ang salitang "may pangunawa at may karunungan" ay meron nga ba tayo at nagagawa ba natin yun? Alam natin ang salitang yun ngunit nagagawa ba natin yun? Ang salitang "pangunawa at pakikiramay" nalang. Alam natin ang salitang iyon ngunit lubusan ba nating nauunawaan o naiintindihan. Sa bawat panahon na lumilipas ay makalilimutan rin natin ang ating pinagaralan ngunit may natutunan ba tayo sa ating pinagaralan. Nagmarka ba sa ating isip ang mga natutunan natin sa ating skwelahan. Lumilipas lang ang lahat lahat ngunit ang naging aral at leksyon na natutunan ko nung nagaaral ako ay kung paano rumespeto sa nakatatanda at sa ibang tao. Natutunan kong mabilis lang ang ating oras kaya kailangan nating sulitin ang meron tayo ngayon. Pahalagahan ang may halaga. Ang pamilya , kapatid at mga tunay na kaibigan. Lumipas lang ang panahon ngunit sana may natutunan tayo sa paglipas ng panahon. Aanhin ang ating pinagaralan kung wala naman tayong kaibigan. Aanhin natin ang ating talino kung magisa lang tayo sa ating buhay. Aanhin natin ang lahat ng yaman sa mundo kung wala na ang ating tunay na kayamanan. Ang kayamanang buhay na kaloob ng Diyos. Masaya at malungkot ang buhay at totoo yun. Ayos lang kung kalungkutan ang nararanasan natin ngayon sabi nga ng isang Doctor " It's ok not to be okay" ayos lang kung nakararanas ka ng kalungkutan, masusulusyunan mo din lahat ng iyong problema at lahat lahat ng suliranin mo sa buhay. Magtiwala kalang sa Diyos at manalangin sa kanya. Huwag kang panghihinaan ng loob. Lahat ng ginagawa natin ngayon ay mayroong halaga sa pagdating ng panahon at aanihin natin lahat ng iyon. Gamitin mo sana ang iyong karunungan at pangunawa sa mabuti at tamang paraan. Huwag kang titigil sa kagagawa ng kabutihan kahit nahihirapan kana. Darating din ang biyaya sa lahat ng mabuting ginagawa mo. Huwag magmamadali ni mangamba. Laging mayroong pagasa para sa'yo. Karamihan ngayon ay nakararanas tayo ng pagod at negatibo ngunit hindi ito ang dahilan para magpaapekto. Manatiling magpakatatag. May unawa at karunungan tayo upang iangat natin ang bawat isa. Mas mabuting may pakikiramay tayo sa bawat isa. Huwag manghihingi ng kapalit basta patuloy kalang sa mabubuti mong ginagawa. Huwag mong gagamitin ang iyong nakaraan bilang isang pagkakamali bagkus isang inspirasyon upang magpatuloy hanggang dulo. Sama sama tayong lahat. Walang iwanan. Mulat at may pangunawa nawa palaguin pa natin lalo. Lalo nating palawakin at palalimin ang ating pangunawa. Naisip kong sa panahon ng pandemya, hindi dapat basta basta at dapat nating magdoble ingat. Mahirap sa panahon ngayon pero kakayanin natin dahil kasama natin ang panginoong Diyos. Makakaya natin ang lahat ng pagsubok. Hindi tayo susuko. Hangga't may buhay may pagasa. Mananatiling matatag at maasahan sa panahon ng sakuna.

Aral o MulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon