Nakaupo ako ngayon at tila pinagmamasdan ang kalangitan. Napakaganda talaga ang likha ng panginoong Diyos Hesukristo. Ang ganda lahat ng kanyang nilikhang tanawin. Malalasap mo ang hangin at tila makahihinga ka ng ginhawa. Salamat sa lumikha ng buong kalawakan. Maraming salamat dahil pinagkalooban mo kami ng pangunawa. Madalas may darating sa buhay natin nasusubukin tayo. Lalo na kapag lalapitan ka ng mga bruha o grasya. Mananatiling challenge lahat ng darating sa buhay natin. " kaginhawaan lang ba ang tatanggapin natin sa Diyos at hindi ang kahirapan" sabi ni Job sa bibliya. Siguro binigyan tayo ng isip at puso ng Diyos upang makapagisip ng mabuti at magmahal at umibig. " kaliwanagan o kadiliman" mas mabuting piliin natin ang maliwanagan at matuto sa kamaliaan ng iba upang hindi natin magawa. Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kalayaan sa paglili o choice. Kaya ano ba ang gusto mong mangyari sa iyong buhay. "Its your choice not mine" piliin natin ang maging mabuti at tama palagi. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Mabilis lang ang oras at panahon. Makakakita ka sa mundo ng mapanghusgang isip at walang ibang ginawa kundi mamuna. Manliliit ng kanyang kapwa at wala mang malasakit sa iba " Anak, magaral ka ng mabuti para hindi ka matulad sa mga basurerong naglalakad sa kalye " " Anak, magaral kang mabuti para mabigyan mo ng magandang kinabukasan lahat ng pulubi at mahihirap sa kalye" Diba mas mabuting hikayatin ng isang magulang na magaral ng mabuti ang kanyang anak upang mabigyan ng maganda kinabukasan ang iba. Hindi yung papangaralan mo ang iyong anak na hindi maging katulad ng mga pulubi sa kalye. Mamili ka dahil magkaiba ang scenario sa dalawang pangungusap. Kung ano ang iyong talento ay baka yun din ang makapagkakakitaan mo. Kung ano iyong pinagaralan ay yun pa ang maghahatid sa iyo sa kaginhawaan. " ginagaya gaya pero di naman makaya kaya " huwag mong gagayahin ang iba dahil may iba iba tayong talentong pinagkaloob ng Diyos. Sa maliit na halaga pwede ka nilang husgahan. Kaya hindi morin masabi mga tao ngayon. Kaya mas pinapalalim at pinapalawak ko nalang ang aking pangunawa. Mahirap sa panahon ngayon dahil pandemya. Kailangan kong magbanat ng buto. Marahil hindi naman ako lumaki sa marangyang pamilya. Naisip kong mahirap ang buhay at kailangan kong magbanat ng buto. Marami naring pagsubok pero ayos lang natuto naman. Hindi tayo magkakatulad kaya may kanya kanya tayong talento. Naisip kong maraming pakitang tao o sadyang totoo talaga. Hindi ko masabi bagkus napapansin ko lang. Marami kang pagsubok na kahaharapin ngunit kakayanin. Huwag ka sanang mawalan ng pagasa. Nakakapagod at kailangang magpahinga tapos laban ulit. Patuloy lang. Sadyang darating ka sa point na panghihinaan ka ng loob pero kailangan mong lumaban ng lumaban. Sa buhay hindi mahalaga kung nadapa ka bagkus kung paano ka bumangon muli. Patuloy lang hanggang maabot natin ang ating mga pangarap. Huwag na huwag kang susuko. Lagi mong tatandaan na kasama mo ang Diyos at gagabayan ka nya. Huwag ka sanang panghinaan ng loob.

BINABASA MO ANG
Aral o Mulat
PoetryThe background of the story cover is not mine. This story talks about how powerful the knowledge and motivation is. I hope you would like the chapter of every story.