Kabanata 2

2 0 0
                                    

Naglalakad akong papasok sa aking trabaho at bigla kong naisip na ang mga pulubi sa kalye ay yung nagtest ng swab test at rapid test ay negative samantalang kung sino pa ang opisyal sa gobyerno at mayayamang tao ay sila pa ang nahawaan ng sakit na COVID19. Siguro kaya hindi din naapektuhan ang mga pulubi ay wala ding lumalapit sa kanila. Samantalang ang mga mayaman ay marami silang nakakasalamuha. Kaya mapalad kahit papaano ang mga mahirap pero sa realidad, ang mahirap ngayon ay nagugutom at naghihirap at ang mayaman ang may pagkain at nakakasurvive sa buhay dahil marami silang pera. "Nakakasama ng loob kasi kapag gumawa ka ng mabuti ay marami ang nagagalit sayo pero paano kung baliktarin natin. Kung gumawa naman tayo ng masama para kahit papaano ay maging masaya naman sila sayo?" Ito ang isip na napapansin lang ang maliit na problema o negatibong napadaan sa isip pero kung tutuusin ay marami biyaya ang binigay sa atin ang panginoong Diyos. Sadyang napansin lang natin ang maliit na negatibo at hindi ang magagandang kaloob ng Diyos. " Nakakasama ng loob tuturuan mo ako eh hindi morin naman ginagawa ang sinasabi mo" ito naman ang mga taong galit sa mapagimbabaw. Si panginoong HesuKrsito ang Diyos na bumatikos sa mga taong hipokrito sa panahon niya. Kaya ganun talaga sa bawat panahon bilang lang ang matuwid at mabuti. "Taga marangya at matalinong eskwela ka galing tapos ganyan lang ang maririnig ko sayo, nakakawalang gana kasi "expect" ko pa naman na matalino ang mapapakinggan ko ngayon, nagtatanong lang ako tapos gusto mong palabasin na naninira ako, nakakasama ng loob" madalas narealized kong hindi rin sa taas ng pinagaralan mo nakabatay kung matalino o magaling ka sa buhay o klase. Mas matalino pa rin ang mga taong marunong umunawa at magpasensya. Mas matalino pa rin ang mga taong handang dumamay sa sugatan niyang kaibigan. Nakasasama ng loob kasi masakit talaga ang magexpect. Masakit talaga ang maghangad lalo na kung hindi natin maabot ang hinagangad natin. Masakit sa atin ang itama tayo sa ating pagkakamali. Nakasasama ng loob lalo na kung pride at ego ang papaganahin natin. Hindi sa lahat ng may pinagaralan handang umunawa sa kanyang kapwa tao. " walang kwenta ang iyong pinagaralan kung hindi ka marunong umunawa" " Educating the mind wihout educating the heart is no education at all" kaya ako mas lalo kong inuunawa ng mabuti ang bawat sinasabi ng iba , kung bakit sila ganyan, bakit ba nila nagagawa yun. Mas lalo kong gagamitin ang aking pangunawa at pagpapasensya at mas lalo ko pang papalaguin ang aking pagibig sa pangunawa at pagmamahal sa pagkatuto. Salamat sa Diyos at araw araw akong natututo. Mas marami pa akong matututunan dahil bata pa ako. Madalas hindi natin masasabi ngayon kung mayaman o mahirap siya. Walang siyang pinagaralan o siya isang edukadong tao dahil darating ang paghahatol ng Diyos na hindi natin alam kundi ang dapat nating gawin ay sundin ang kanyang utos at salita. Pangunawa, karunungan at pananampalataya ang tanging naging pundasyon upang magpatuloy sa buhay.

Aral o MulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon