Chapter 12 - Worst Case Scenario

6.1K 134 5
                                    

Hi there everyone. This chapter is a bit intense and hopefully makapasa sa panlasa ninyo.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

GARRETT’S POV

“I think that would be all, Dr. Gonzales?” tanong ko sa isa sa mga doctor na kasali sa meeting tungkol sa isang patient na kailangan nang team of surgeons to perform a very advance procedure.

“Iyon na siguro, Garrett. We’ll see you on Monday fellows and God bless us all.” iyon na at nagsilabasan na ang mga doctor sa conference room.

“Mylene, meron pa ba akong dapat asikasuhin bago umuwi?” tanong ko kay Mylene habang palabas na rin kami sa room.

“Wala na, Garrett. Buti nalang hindi tayo tinanghali. You wanna grab some lunch?” anyaya nito.

“Pass na muna ako, Mylene, kailangan ko nang umuwi sa bahay. Sila lang kasi ni Reila at Mika doon. She might be cracking under pressure na.” tinapos ko muna ang lahat nang mga patient records bago ako umuwi.

“Okay, sige. Send my hi to Reila and my kisses to baby Mika.” tuluyan na rin akong umalis sa clinic at madaling nagdrive.

Can’t wait to come home and see my girls. Alam kong medyo naging assumero ako lately sa mga treatment ko kay Harper, but what I am showing to her is really what I felt for her. Napamahal na rin sa akin masyado si Mika. Dumaan muna ako sa KFC para magdala nang pananghalian. I am sure magugustuhan ito ni Harper. Tuloy-tuloy akong pumasok sa village and then I saw the Alcantara’s house gate slightly open. At sa hindi ko maintindihan, biglang may kabang namuo sa dibdib ko. Dali-dali akong pumasok sa bahay but the scene shock me that it took me 10 seconds to react. Nakita kong nakabulagta si Harper sa may paanan nang bahay. Medyo may dugo yung noo nito.

“Hey, Harper, love, gising.” tinapik ko na ang mukha nito, hindi pa rin kumikibo. “Please, love, wake up! Harper! Anong nangyari sa iyo?” medyo lumakas na yung boses ko. Narinig kong umiiyak na si Mika. Teka, saan ba yung batang yun? Inaamin ko I used to be very calm when it comes to emergency  pero this time hindi ko talaga alam kung ano ang uunahin.

“Ughhh…” nagising si Reila sa mga kamay ko at bumangon ito.

“What happened, Harper? Okay ka lang? How did you end up here? Teka, kunin ko muna si Mika, sit still, and when I mean sit still means hindi ka gagalaw sa kinauupuan mo ngayon jan.” tinakbo ko na papuntang kwarto at nakita kong iyak nang iyak si Mika at malapit nang mahulog sa kama. Kinarga ko na ito at binalikan si Harper. She’s leaning on the wall with her head on her hand. “Stay still, Harper. I’ll be there.” kinuha ko ang diaper bag with all Mika’s things and her bottles. Inilagay ko si Mika sa baby carrier at dinala sa sasakyan. Buckled her up at madaling binalikan si Harper. Medyo nanghihina ito, I didn’t wait for her permission and pick her up. HIndi naman ito pumalag, I put the seatbelt on her at pumasok na rin ako sa on my side of the car. I drove the car like a maniac buti nalang wala masyadong traffic and within 10 minutes narating namin ang ER. I called the people and I let them take Harper on a stretcher at kinuha ko na rin si Mika.

“What happened, sir?” tanong nang isang nurse.

“I don’t exactly know. I came home and saw her lying sa may paanan nang bahay and the way I see it, she hit her head.” buti nalang I still remained calm kasi umiiyak na rin si Mika. “Can you please take care of her? I have to take care of the baby for now. Please.” tumango nalang ito at lumabas muna ako and change Mika’s diapers. Pinadede ko na rin ito at nakatulog na rin. We went back to the ER bed. And check on Harper, nakatulog na ito. What happened to you, Harper?

Instant Daddy and Mommy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon