Kabanata 3

2 1 0
                                        

Like it or not.


Tulala ako sa kinauupuan ko. Hindi ko maatim ang sinabi niya. Pati ang nakasulat sa folder. Hindi ko magets! At ayokong magets yon!


"Next week, ililipat ka na." ngumisi siya.

Damn! Ano ba ang inaakala niya? Na pwede niyang gawin ang gusto niya sakin? That he can tame me? No! Ang kapal kapal naman niya! I don't even know his name! Who is he? Argh! Kainis! Sino ba siya sa inaakala niya?


Napailing-iling ako. "N-no. You don't understand, Mr. —"

"It's Wahid." putol niya sakin.

Napasinghap ako nang wala sa oras. Kanina lang, siya itong stress na stress sakin. What happened now? I can even see him grinning!

Pinaglalaruan niya ang kaniyang ballpen. Doon ako nakapirmeng tumitig. Siya pala si Wahid. Yong naririnig kong inaabangan ng iba sa Special Section. Wait, kung inaabangan siya, ibigsabihin isa rin siya sa student ng section na 'yon?


"Okay, Wahid. Hindi mo naiintindihan. Hindi ako natulog kanina, actually I'm really listening that's why pumikit ako —"

Humalakhak siya. "Damn, stop making an obvious lie. Ganyan kaba magsinungaling? Masyadong halata." bara niya.

Nagtiim-bagang ako sa sinabi niya. I told you, hindi ako magaling sa pagsisinungaling. And now? He caught me lying.

"P-pero, hindi lang naman ako ang muntik na makatulog kanina ah? Marami kami!" I said.

"So, sinasabi mong natulog ka nga? Hmm?" ngumisi siya nang nakaloloko.

I gasped. "Oo na. Inaamin ko. Pero, marami kami! Why should just be me?"

Inayos niya ang folder na nagkahiwa-hiwalay dahil sa ginawa ko. Nagulat ako, kaya nabitawan ko. Pinulot niya yon tsaka inisa-isang nilagay sa envelope.

Bumalik ang tingin niya sakin.

"That's your consequence. Face it." he firmly said.

Parang sure na sure siya sa sinasabi niya. Hindi ko magets! Bakit ako lang pinatawag niya? Marami rin naman nakatulog kanina ah? Shuta. Favoritism!

Kumunot noo ko. Sabay busangot.

"Consequence what? Ang pagtulog sa klase? Kailangan ba humantong sa ganito —"

"Yup. Principal's order. May reklamo ka?" putol niya sakin.

"Oo! Shuta. Eh pano yung kasamahan ko? Ako lang ba malalagay sa sitwasyong to?" nakatayo na ako.

Nagulat ako nang tumayo rin siya.

"Akala mo hindi ko yan naisip noon pa man?" aniya, patanong. Parang ang babaw ng sinabi ko kanina.

"Unfortunately, mas umibabaw ang parusa sayo. You aren't sober-minded. Your words are out of respect. Do you think, this school will tolerate that such bad habit, Lorie Claudes Diegos?"

I'm shocked. Hindi dahil sa ibang sinabi niya kundi dahil alam niya ang buong pangalan ko! Oh damn, of course he would know! Nasa list ng barumbado eh!


I whirled my eyes. "Pati ba naman yon, papakailaman pa? That's my own attitude —"

"Then it's better to take you place to them. I think you'd change yourself once you —"

Umiling-iling ako.

"The heck, I don't! At kahit kailan, ayoko!" napasigaw na ako.

Nanginig ang buong sistema ko. Hindi dahil sa offer niya, kundi dahil sa paraan kung pa'no niya ako utusan. Hindi niya ako alagad at lalong hindi ako nagpapautos kahit kanino! Not until you're my parents!


Wahid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon