Kabanata 4

8 1 0
                                    

Anak ng Principal.



"Malice..." tawag ko.

Nakahukipkip siya sa bench sa likod ng canteen. May kung ano siyang binabasa sa phone niya. I can't keep my words. I need to tell her.

"Uhm?" nag-angat siya ng tingin sakin.

Lumunok ako.

"Pinapasok ako sa Special Section." tugon ko. Dahan-dahan.

Biglang kumunot ang noo niya. Napatigil siya sa pagtingin ng phone niya at deritso ang mata sakin.

"What? Stop with the jokes, Lorie." aniya. Natatawa.

Umiling-iling na lang ako.

"N-no. I-I'm not joking here, Malice. T-totoong —"

"The fudge, Lorie!"

Nagulat ako sa pagtayo niya bigla, kasabay nun ang paghambalos niya ng kaniyang bag sa bench.

I bit my lower lip. I do understand if she'll get angry. I know she really likes to be part of them, I don't! Alam kong gusto niya doon.

Lumapit ako sa kaniya.

"I-It's not me, Malice. Ang principal na mismo nagsabi. Hindi ko n-naman alam na mangyayari 'to eh. Hindi ko gusto —"

"Ay wow? Talaga? Hindi mo gusto? Tell me, Lorie. Kinausap ba ng magulang mo ang principal para ipasok ka? Ha!" bintang niya sakin.

Pinadausdos niya ang palad sa kaniyang buhok na sobrang haba. Not unlike me, she has long and straight hair. Hindi naman gaanong maikli sakin, pero masasabi kong ang layo ng agwat sakin.


"H-hindi nga ako, diba? I told you, I don't like that section! I hate them! It just like....punishment." napatigalgal ako sa anong sasabihin para lang mapaniwala ko siya.

Umiling-iling siya. Namutla na ako sa anong sasabihin niya.

"I don't think so, Lorie. Natanggap ka tapos ako? Anong mangyayari sakin? Ha? Ang unfair mo!"

Tinulak niya ako dahilan kung bakit natalisod ako at natumba. Agad siyang lumayo.

Buti nalang at yung pwetan ko lang ang natamaan sa lupa. But still hurts. I bit my lower lip. I didn't think this would be worsen. Akala ko ay simpleng hindi pagsang-ayon lang matatanggap ko sa kaniya. She was disappointed. Alam ko.

Bumalik ako sa klase. Hindi upang makinig, kundi para mawala saglit ang bumabagabag sa isipan ko. I hate thinking too much. At alam ko, kagagawan ko rin naman to. Sana ay hindi ako natulog upang hindi ganito ang magiging kalalabasan. Pero huli na.


Natapos ang klase. Walang pumasok sa isip ko kundi ang galit na mata ni Malice. I really value our friendship. Siya iyong dumadamay sakin kapag nagagrounded ako sa bahay. I help her also kapag nag-aaway ang parents niya, until naghiwalay nga sila.


"Oy Lorie, ang swerte mo!"

Nilingon ko si Jem. Yung one of the honor students samin noon paman. Nakakunot ang noo ko. What?

Binalewala ko siya tsaka nagtungo sa canteen. Alone. I texted Malice kanina, pero wala siyang reply. Hindi ko pwedeng i-text si Alberto dahil feeling ko madadamay lang siya at mag-aalala sa away namin ni Malice.

Nang maka-order, lumantak agad ako. But while eating, narinig ko ang bulong-bulungan. Gossips.

"Yung si Lorie Diegos? Sa Abad Santos?"

Wahid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon