Kabanata 1

12 1 0
                                    

Tumakas din.



"Hindi nasakop ni Magellan ang lugar na'yon. Sa kadahilanang umulan kaya kailangan niya munang sumilong para di mabasa..."

Nasakop ang buong klase ng tawa at hagikhikan dahil sa jokes at istorya ni sir Jameson. Professor namin sa Araling Panlipunan.

Weeks after sa registration ng Special Section, namili at nagpaskil na ng initial students that were qualified sa naturang section. Hindi magkamayaw si Malice. Hindi niya matanggap. Ako na walang pake sa section nayon, tumatawa lang.

"Naku, si Malice! Parang pagong!"

Hinila ko siya. Nasa likod kami ng canteen. Sumisipsip ng juice na kinuha namin sa mga bata sa elementary. Wala kasi magulang nila kaya napagdiskitahan ni Malice. And yes, matagal na siyang demonyita.

"Ay wow! Sorry madam ah? Sorry kasi nag-abala akong kunin itong sapatos mo na naiwan sa hallway? Sorry madam." nagpeace sign pa siya.

Humalakhak ako.

"So ano na? Saan tayo? Napagod ako kakatakbo..." ani ko.

Eh leche kasi yong SSG officers nayon! Pasado alas dos na pero nagbabantay pa rin sa buong campus. Hindi ata nakakaramdam ng pagod eh sila hetong inuuto ng school. Mga hunghang.

"Ayaw ni Alberto sumama ngayon kasi sila naka-assign maglinis ng guard house." si Malice, checking her phone.

Napag-isip isip ko. Total mahaba pa ang oras namin, maybe we can just roam around! Sa kabilang building!

"Aha! Sa 3rd building tayo!" medyo lumakas ang boses ko, kaya natakpan ko agad.

Kumunto agad noo niya. "What? Eh nandon ang room ng Special Students!"

"Eh? So? Takot kaba?" I asked. Trying her audacity.

Napailing-iling agad si Malice. "Well not! It's just....nandon ang supervisor! Remember?"

Tinapon ko sa kaniya ang wrapper ng juice.

"Gaga. Alam ko. Kaya nga doon tayo dapat magtungo. Very challenging!" na-eexcite na ako!

"Gaga ka rin! Haha! Baka kapag mahuli tayo ma-very challenging karin ng principal!" nagpipigil siya ng tawa.

"Well, wala naman akong pake. I've been on that situation. And trust me, that's all fun!" masayang tugon ko.

Actually, hindi siya fun. Pero nakaka-excite! Alam niyo yon? Masayang makita nai-stress mukha ng mga teachers namin! The best talaga, if not the best.

Hindi na nakapalag si Malice. Nagpunta kami don. While we're walking, may iilang nakatingin samin. Parang sa isip nila, mga kriminal kami na dapat iwasan. I don't get them. Masyado ba akong maganda para ma-intimidate sila? Or, napapangetan sila kay Malice? The latter one will do.

Sa layo layo ng building, pinagpawisan kami. Bumili muna kami ng mineral water para bawas uhaw. I wonder if hindi napapagod dating students ng Special Section? Ilang meters talaga lalakarin I swear. I hate it!

"Nandiyan sila Lorie. Yung initial students na nakapasok sa Special Section..." bulong lamang ni Malice.

I see. Nasa sampo lamang sila. If not mistaken. Baka kasi may lumabas at dagdag sa kanila. Hindi ko na kasi inusisa ang list of students nong nakapaskil last week, who are they?


"Lorie! Si Kiro Shiga! Ayun siya!"

Tumili pa siya sa kilig. Baliw.

Sumilip ako nang malapit pa. I saw him. Sikat kasi siya. He's one of the famous varsity player sa soccer. Ang hindi ko magets, anong meron sa kaniya? Well, famous, oo. Gwapo? Oo. Mayaman? Obviously. Pero di siya nakakalahati samin. I swear. Hindi ako mayabang ah? Totoo yon.


Wahid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon