vii. you're my [part 1: "him"]

158 9 0
                                    

 He's Dark And Wild || © DoubleADR [2015]

      [  n e g a t i v i t y   ||  p o s i t i v i t y  ]

           [  l i m i t e d  ||  l i m i t l e s s  ]

___-_-_-________-_-_-________-_-_-___

One week passed after those scenarios at school. Haaaay. Bakit ganito ang college life ko? Ang akala ko mag-aaral lang ako, this is not what I’m expecting from that school. That “Campus’ B*tch” thing was cleared out quickly DAW. Sabi kasi ni V eh wala na yung pangalan ko dun and other stuffs that included me, hindi nga lang niya alam kung bakit tinanggal. Buti naman at naisipan ng mga malalanding babae na yun na tanggalin ako sa website nila. Ako pa talaga ang tinawag nilang ganun ah, eh sila kaya, ano kayang tawag sa kanila? Tss. Mga judgemental freaks, hindi muna tignan ang mga sarili bago humusga ng ibang tao.

Haaaaay. You know what? Stop thinking about all those negative things, Faith. Just enjoy the fresh air and beautiful scenery. Ang astig lang, uso pa pala ang parks ngayon. Haha. Masyado na kasi namang tutok ang tao sa mall, theme parks at other places na matao. Pero kung alam lang nila kung gaano kasarap sa feeling na nasa peaceful kang lugar, mas mafe-feel mo yung totoong “Good vibes” sa mga ganitong lugar.

Yung preskong hangin, mga ibon na lumilipad, leaves falling down from trees, the sound of flowing water from the river… ang sarap siguro talagang tumira sa probinsya noh? Ganito yung mararanasan mo, no pollution, no traffic, no rush hour… just relaxation and freedom. I want this feeling, sana ganito na lang araw-araw.

Sayang ang lugar na ‘to kung ide-develop pa, it’s better if it stays undeveloped. Kasi darating yung araw na magiging matao na ang park na ‘to and people will ruin it little by little.

“You’re my chocolate, my sweetest chocolate. I really wanna have you~”

Tama ba yung naririnig ko? May kumakanta ng “You’re My” ni Taeyang? Waaaah. Favorite song ko yun!^^ Sino kaya yung kumakanta? Ang sweet ng boses niya, in fairness.

Napansin ko namang may mga babae na nagtatakbuhan, sinundan ko ng tingin yung mga babae hanggang sa makita ko sa di kalayuan yung kumpulan ng mga tao.

“Anong meron?”

Napatayo naman ako, sumakay ako agad sa bike ko para puntahan yun, may mini concert ata. Shempre titignan ko na rin noh? Lalo na’t favourite song ko yung kinakanta, I need to see who’s singing.

“Excuse me, ano pong meron?” tanong ko dun sa isang babae.

“Mini concert ni Jin Oppa! Yieeeeee!”

Hindi naman excited masyado noh? Jin? Sino naman yun? Sikat ba siya? Ba’t di ko siya kilala?

Tumikda ako para naman kahit konti makita ko yung Jin, bakit naman kasi 5’2 lang ‘tong height ko?

“Nayege gidae shil suga ige gibun joheun haenbogeul neukkilsu ige~”

Hindi ko lang alam pero nung nakita ko yung mukha niya… bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Bakit ako kinakabahan? Crap. Ang gwapo niya kahit medyo malayo, walang halong biro ah? Ang gwapo talaga. Ganito lang naman ako kapag… nakikita ko si Lee Min Ho sa posters o kaya naman sa mga teleserye niya. Ultimate crush ko kaya siya! Di kaya crush ko na rin ‘tong si Jin? Hindi naman siguro masama kung may 2nd Ultimate crush ako, diba?

“You're my ice cream, my sweetest ice cream, I really wanna have you~”

He ended the song with a sweet smile on his face. Hihi. Ewan! Kinikilig ako, bakit ba kasi yung kanta yun pa ang naisipan niyang kantahin? Kinikilig tuloy ako sa kanya ngayon.

 Todo sigaw lahat ng mga tao kaya naman sumigaw na rin ako, I think I’m a fan na rin. Nakaka-in love naman kasi siya masyado.

“Alam niyo? That song has a special place in my heart…”

Sumigaw ulit lahat ng mga tao. Talaga? Importante sa kanya yung kantang yun?

“…it’s a song I always sing to my girlfriend.”

“Waaaaaaaah!”

“JIN OPPA! SANA AKO NA LANG GELPREN MO!”

“ANG SWERTE NAMAN NUNG GULL!”

“SINO SIYAAAAAAAA?!”

 

Ouch. May girlfriend na pala siya pero hindi naman nakakapagtaka, ang gwapo-gwapo naman niya at tyka talented pa. Mas magtataka ako kung wala pa siyang nagiging girlfriend. May ibig sabihin na yun, bakla siya. Haha. Joke. XD

Nagpatuloy na lang ulit siya sa pagkanta, he sang “Little Things” ng 1D, “Amnesia” ng 5SOS, “Eyes, Nose, Lips” ni Taeyang at marami pang ibang magagandang kanta. Grabe… ang gwapo-gwapo niya habang kumakanta. Feeling ko hinaharana niya ako, pasensya na ah? Feelingera ako, pagbigyan niyo na ako. Minsan lang akong maging ganito kaya, please? Just let me be. Haha.

Natapos ang mini concert niya na may autograph signing at pa-picture na rin. Kahit gusto ko mang makapagpa-picture min lang sa kanya, hindi ko magawa. Grabe ang siksikan at tulakan, ilang beses na nga natapakan ‘tong paa ko eh. Grabe lang, artista ba siya? Ang dami niyang fan girls at sa tingin ko isa na ako dun.

**~**

Hindi pa rin ako maka-get over kay Jin, nasa isip ko parin yung hitsura niya at tyka yung boses niya. Ang sarap siguro sa feeling na boyfriend mo siya noh? Feel na feel ko yung pagmamahal niya dun sa babae. Nung sinabi niyang lagi niyang kinakanta sa girlfriend niya yung “You’re My”, pananalita pa lang niya ramdam na ramdam kong totoo yun. Gusto ko tuloy ako na lang yung babae. Haha. Ay naku. Kelan pa ako naging ganito kalantut?

Sayang lang nga talaga kasi hindi ako nakapagpapicture sa kanya o kaya autograph min lang, souvenir lang sana. Baka kasi hindi ko na siya makita. Waaaah. Ang tanga ko! Dapat nakipagsisikan na rin ako, ang sakit naman kasi ng paa ko. Bwisit yung mga babaeng naka-high heels! Karamihan kaya eh naka-high heels ang nakatapak sakin.

Ang tagal naman nung order ko, milk shake lang tyka cupcake yun ah. Gutom na gutom na kaya ako. Buti na lang at may nakita akong malapit na Maala-Starbucks ang menu dito perong walang kape. Hahaha. I’m not really making any sense now, am I? Oh well, it’s called “iHasCupCake”, ang cute-cute dito, parang kulay pink ang mundo. Everything is pink! Pink isn’t my favourite color but I can actually see it as a nice color as I enter in here. Ang maganda pa, mas mura dito kesa sa Starbucks. Haha.

“Hello, Ma’am. Here’s your order.^^”

Wow. Ang cute nung babaeng waitress, mukha siyang Lolita doll. Gusto kong kurutin ang cheeks niya sabay silid dito sa bag ko. Waaaah. Ang cute-cute niyaaaa. Pasensya naman, first time ko kasing makakita ng sobrang cute na waitress.

“Thank youuu. Ang cute-cute mo naman.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko, gusto ko talagang sabihin sa kanya yun. Cute naman talaga eh. May girl crush na tuloy ako. Haha. Ang dami ko nang nagiging crush ngayon ah.

“Hihi. Thank you, Ma’am. Enjoy you’re milk shake and classic chocolate cupcake. ^^”

“I will. Thank you ulit.”

Wow. Mukhang masarap, may cherry pa isa ibabaw nung cupcake. Ang cute! I should take a picture-

“Ahm, Miss? Pwedeng maki-share ng table?”

O____O

S-si Jin…

___-_-_-________-_-_-________-_-_-___

S/N: I’m sorry kung may pa-bitin effect pa ako ah? I think sakit ko na yung nagpapabitin. Haha. Ang pangit nung term. XD

GOD BLESS.

DoubleADR~

He's Dark And WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon