iii. lucky me [part 1: "dish washer"]

241 14 3
                                    

Boring. Wala naman kasi yung Prof. namin, 2 hrs. pa naman siya. Yung iba nagsi-alisan na sa room at yung iba naman may kanya-kanyang ginagawa. At ako? Eto, loner. Ano bang problema ng mga tao sakin? Am I not approachable? Nung High School ako, marami akong kaibigan ah. Anong nangyari at ganito ako ngayon?

“Tao po.”

Tama ba yung narinig ko? May nagta-“tao po”? Bangag nun ah.

“Tao poooo.”

At dahil pati ang mga kaklase ko ay nawe-weirduhan na din, tinignan nila kung sino yung nasa labas.

Nagulat sila, yung mga girls na nagsilabasan para makita kung sino yung nasa nasa labas.

“Andyan ba si Faith?”

Teka… pangalan ko yung narinig ko ah. Sino yun?

Sumenyas naman yung babae sakin na lumapit ako, try niya kaya akong tawagin eh noh? Pinaninindigan talaga nilang wag akong kausapin. Tss. -___-

Bored naman akong lumapit sa may pintuan at nakita ang isang weirdo. Si V lang pala yun, kaya pala may nalalaman pang ‘tao po, tao po’.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Nakita ko kasing mukhang walang nagka-klase dito kaya naisipan kong kidnapin ka. Hehe” Ayan na naman ang maala-budoy niyang tawa. I mean, para siyang si Budoy na may pagka-Mr. Bean na hindi ko maintindihan. Alien. -___-

“Sira ulo. Papasok na ako.”

“Uyyy. Teka, teka, tekaaaa. Ipapakilala sana kita sa mga kaibigan ko eh.”

Hawak-hawak na naman niya ang braso. Bakit ba ang hilig niyang hawak ‘tong braso ko? Tsk.

“Pakielam ko ba sa mga kaibigan mo, ha? Babalik na ako sa loob. Bahala ka dyan.”

“Waaaaah. Nagmamakaawa ako sayo, sumama ka na sakin. JEBAAAAAL?” (Jebal? – Please?)

Bigla naman akong nailang sa ginagawa niya, lumuhod pa kasi ang mokong at parang nagda-drama na ewan.

“Hoy! Tumayo ka nga dyan baka akalain nilang baliw din ako noh? Tayo!”

At hinila ko naman siya para makatayo siya, hindi min lang talaga mahiya.

“So ano? Tara na?”

Bigla namang nagbago ang aura ng mukha niya, biglang sumaya. Ay naku, bipolar ba ‘to? Bakit ba pumayag akong maging kaibigan ‘to? Haish.

Walang anu-ano’y hinila na niya ako papunta sa mga punong malapit sa field. May dalawang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno, naghaharutan. Uhhhh. Bakla ba sila? Parang may something eh.

Lumapit naman kaming dalawa ni V sa kanila, eto ang mga kaibigan niya? Mga bakla?!

“Hope-ia! Chim-chim! Oh eto, eto yung sinasabi ko sa inyo.”

Teka, ansabe ni V? Ano yung mga pangalan nila? Hopia? Chi… chi? Ano? At tyka kung maka- “ETO” ah. Ano ko? Bagay? -____-

Tumayo naman yung lalaking mahaba ang baba. Eh sa mahaba naman talaga. Tss. Tinignan niya ako head-to-toe, “Uyyy. Siya na kayaaaaaa?”

HUH?

Tumayo na rin naman yung isang pandak. Well… hindi naman siya totally pandak, he’s just smaller compared to the two. “Tingin niyo siya na ang magiging solusyon para bumalik ang dating TAYO?”

He's Dark And WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon