Chapter 2

38 25 15
                                    

*Ace*

KINABUKASAN

Habang naglalakad papasok sa school hindi  ko maiwasang isipin yung kinabukasan ko totoong wala akong plano sa college  .. oo nga't nag-aaral ako pero parang ginagawa ko lang to dahil iyon ang nakaugalian na. 

Pagtungtong mo sa edad na sais (6) dapat mag aral na at makapagtapos kalaunan, hindi ko minsan kinakikitaan ng interes ang pumasok kung hindi lang dahil sa nanay kong nagkakanda kuba sa pagtatrabaho ay hindi ako mag aaral. Mas mabuting makatulong agad dahil hindi naman lahat ay matutunan sa paaralan dahil mas mainam na makita ang reyalidad upang matutunan mo ang kahalagahan ng buhay at kung paano mo gagastusin ang pinaghirapan mong pera sa maghapong trabaho dagdag na lang ang kaalaman mo sa pag aaral.

Para akong robot na ginagawa ang mga dapat at kailangang gawin para mabuhay at sumunod sa dapat sundin walang laya, walang sariling pagpipilian kundi ang sumunod sa agos ng buhay dahil iyon ang nakauglian at ang lumihis ay iba kung ituring. Kung kaya't sa paglaki ko hindi ko maiwasan na gumamit ng maskara para lang matanggap sa lipunang kinabibilangan ko. Tinatago sa ilalim ng masaya at magiliw na maskara.

Marami ang bawal at hindi dapat gawin kailangan maayos kang makikitungo sa bawat isa kung gusto mong maging maayos ang pakikitungo sayo. Subalit, naisip ba nila na kahit magturingan sila ng maayos ay hindi maipagkakait na mayroon sa loob nila na labag ito sa kanilang kalooban dahil wala silang choice kundi ang makisama dahil yun ang nararapat sa tingin ng iba.

Pero kahit ganon ang laman ng aking isip  hindi ko pinapabayaan ang pag aaral ko at kung ano ako ngayon ay talagang pinaghuhusayan ko kahit wala roon ang interes ko.

Sandaling naagaw ng magandang babae ang aking atensyon marahil wala ito sa sarili habang naglalakad.

Lakad takbo ang aking ginawa sapagkat malapit ng magkulay pula ang stop light kung saan dapat matitigil sa paglalakad ang mga tao dahil mga sasakyan ang syang daragsa.

SANDALI YUNG BABAE !!!! -palahaw ko dahil hindi pa rin ito natitinag at patuloy na naglalakad.

Kung kaya't ginawa ko ang lahat para maabutan ito at maitulak, yun nga lang ako ang sumalpok ... takteng buhay to nadamay pa wala na nga kaming pera eh .. yun ang unang pumasok sa isip ko matapos kong tumilapon sa lakas ng impact .

WOI TULUNGAN NIO YUNG BATA !!! rinig kong sabi ng manong sa tabe.

Naku yung bata - sabi pa ng iilan

Habang namimilipit ako sa tagiliran dahil sa sakit ay pinilit kong  buksan ang aking mata doon ko nakita ang iba't ibang klase ng tao may ilan na nag aalala talaga sayo pero lamang ang nakikiusyoso sa nangyare meron pa ngang nagvivideo parang tanga walang kablog blog sa nangyare. Hayyssst

Ayus ka lang ?? Sandali tumawag na kami ng ambulansya wag ka munang gumalaw- ani ng babae na tinulungan ko.

King ina asan na ba yun ang sakit ng tagiliran ko. Patay ako kay nanay neto sa isip ko nakikinita ko na ang problemadong mukha ni nanay subalit hanggang don na lang yun dahil bago ako mawalan ng ulirat muli kong nakita ang pamilyar na postura  na minsang nagligtas sa akin.

*Acire*

The only way for me to accept you is for you to have an purpose. Just go .. be the asset of this organization we don't need nothing less from you.

Every now and then I repeatedly hear this words from someone I cherish the most but couldn't see how hard I tried to be the one she expected me to be. The endless expectectation and pressure from someone you look up to.

Amor Vincit OmniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon