WAG PAHALATA

0 0 0
                                    

‡WAG PAHALATA‡

"Bes, ano nga yung sagot sa 'it is involves only the separation, combination, or rearrangement of atoms; it does not result in their creation or destruction?' di ko kasi natandaan eh."

"Chemical reaction Aries. Nakita kita kanina na nangongopya kay Shaira? Buti na lang at di ka nahuli ni Sir." Sabi ko.

Naglalakad kami papuntang Canteen.

"Ano ka ba Bes, di ka na nasanay sa'kin. Kung ikaw pa nga yung katabi ko tiyak nangopya rin ako sayo noh."

"Uy Aries, punta tayong Gym." Pag-aaya ni Jane na biglang sumulpot sa harap namin.

"Ah eh Bes... Okay lang ba na ikaw muna mag-isang pumunta sa Kantena ngayon? Kasi magti-training sila crush ngayon sa Gym. Gusto ko siyang makitang pawisan." pagpapaalam ni Aries sa'kin habang nagpapakyut.

"Tsk. Sanay naman na akong mag-isa kaya okay lang. Tyaka nga, lagi mo namang nakikitang pawisan yung crush mong gatas ah. Di ka ba nagsasawa Bes?"

"Hinding-hindi!" Sigaw niya sa harap ng mukha ko, inambaan ko naman. "Eto naman. Gusto ko lang magpapansin, kita mo naman 'tong suot ko." Sabi niya habang pagalaw niyang hinaharap ang balikat at pinapakita ang...Ano ngang tawag dito? Off-shoulder ba yun?

"Tsk. Mapapansin ka talaga niyan. Tignan mo nga yang pants mo...punit-punit."

"Hay nako Bes, ganyan na ganyan umasta si Mama ko. Eto na yung mga uso ngayon kaya wag kang kj. Oh siya, alis na kami." Paalam niya habang kumakaway.

Naglakad na sila paalis. Kinawayan ko naman pabal---

"Apir!" Sabi nung lalaking napadaan sa harapan ko. Pinagtama niya yung palad niya sa nakataas kong kamay.

Langya naman oh. Baliw ba yun? Tsk.

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya napagpasyahan kong bumalik na lang sa Classroom. Dalawang hakbang pa lang ang natatahak ko nang may humarang sa'kin.

Shyyyt!

"Ah kuya, ibaba niyo ho yan." Patungkol sa patalim na nakaamba  sa harap ko.

Masyado siyang seryoso habang tutok na tutok sa akin.

Pfft. Gusto kong matawa.

"Wag mo kong utusan. Akin na niyang bag mo."

Sabog si kuya. Wala namang siyang makukuhang ginto sa bag ko, puro mga papel lang naman ang laman nito.

dO_Ob

Wah duh fuh!

"Ah kuya, huminahon ho kayo. Ibigay niyo sa'kin niyang dal—" 

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa lalaking biglang humarang sa harapan ko.

Shyyyt. Siya yung kanina ah.

"Wag kang makialam dito Kean. Alis!" sabi ni Kuya habang ginigiwang ang hawak niyang patalim sa lalaki.

Namalayan ko nalang umabante siya palapit at mabilis na hinawi ang nakaambang kamay ni kuya na hawak-hawak ang patalim at sinapak niya ito.

Tuminggiwang si Kuya sa lupa.

"Problema mo Kean?" inis na tonong tanong ni Kuya nang makatayo habang pinupunasan ang nagdudugong labi nito.

"HOY HOY. Namputsa naman oh! Bakit mo sinapak?" singhal ko kay Kean, tabingi naman itong napatingin sa'kin. "Kuya, o-okay ka lang ba?" baling ko naman kay Kuya habang nagpipigil tumawa.

Pfft...

"Huh? Bakit ko sinapak? Malamang baka matamaan ako niyang hawak niya."

"At bakit ka naman lumapit eh alam mo namang may patalim?"

"Hah! Isang salamat lang ang inaasahan kong isambit mo at hindi ang pangunguwesyon mo sa pagtulong ko."

"NYAHAHAHAHAHAHAAHA!" di ko na napigilan matawa. Napahawak ako sa tiyan ko. Shyyyt. Laptrip talaga.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko Rica?"

Uy, kilala niya ko?

"Ah, e-excuse me lang ano..." Pumagitna naman si Jane habang tumatawa. "Kasi Kean, nagsho-shoot kami for requirement sa RWS. Di mo ba nakita na may nagvi-video roon?" Tinuro nya si Lestie na nakasimangot habang hawak-hawak ang DSLR camera niya.

"Babalik na naman tayo nito sa simula. Pinalampas ko lang yung paghigh-five mo kanina eh." Inis na sabi niya.

Gutom na yan for sure. Kailangan na kasing matapos nito ngayon para mamaya mag-eedit na lang siya.

Sumulpot naman ang kateammate ni Kean.

"Ayyy, pasensya na guys. May pagkaabnormal kasi tong kaibigan namin na toh. Ah geh Rica alis na kami. Kami na ang humihingi ng paumanhin." Hinila niya si Kean paalis na napahimas nalang sa batok niya. Napahiya pa nga.

'Nyahahahahaha'

Tinignan ko naman si Kuya nang mapang-asar. HAHAHA. Umiwas naman siya ng tingin nang mapasulyap sa'kin. Hiyang-hiya si Kuya.

"Pffft." pagpipigil tawa ni Aries.

"A-Ayos ka lang ba kuya Yve?" Tanong ko habang nakangisi pa rin.

Namumula na yung mukha niya.

"Tsk. Tigilan mo 'ko Rica. Ikaw may kasalanan niyo eh." Bulyaw niya sa'kin at itinuro pa ang bahaging natamaan.

"Oh tyaka lang naman, ba't ako? Ako ba sumapak?"

"Hindi, pero ikaw qng dahilan kung bakit ako nasapak ng Kean na yun."

"Eh?" taka akong napatingin sa kanya.

"Aynga pala nakalimutan ko...wala ka palang pake sa mga taong nakapaligid sayo." Sarkastikong sabi niya. "Pansinko kasing laging sumusulyap yung kulapo na yun sayo pagdumadaan ka sa Canteen, sa Corridor, at sa pathway habang mag-isang nakaupo sa bench. At minsan ko pa nga yung nahuling kinukuhanan ka niya ng litrato. May tama ata yun sayo eh." Duro niya pa sa'kin.

"Eh ba't mo alam lahat yan?" Nakapamaywang na tanong ko sa kanya.

"Tsk. Lagi tayong magkasamang nali-late sa klase tuwing umaga. Tsaka diba lagi rin akong nakatambay sa pathway tuwing uwian? Minsan napapatingin ako sa mga soccer players sa open field at nahuli ko si Kean na ninanakawan ka ng litrato."

Soccer player ba yung kupal na yun? Parang Boxingirist nga eh. Nyahahaha.

"Wala akong pake. Geh na, tuloy na natin 'tong shooting na toh at nagugutom na ako."

"Hala Rica, crush ka ng crus—"

Tinakpan ko ang bibig ni Aries.

"Shut up your packening mouth. Tara na." Nagsimula na kami.

Kupal na toh. Ang ganda ko naman kung ganun.

NYAHAHAHA!

__iifyves —_—
🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧
Fictitious work of mine.

ONE-SHOT STORIES ng DRÌXWhere stories live. Discover now