PASENSIYA NAMAN

0 0 0
                                    

PASENSIYA NAMAN‡

I went to school at late time in the morning. As usual late na naman ang sitwasyon natin nito. As I immediately park my ca— ah Este Motorbike may muntikan na akong mabanggang XRM honda motor, buti nalang at MUNTIK lang aba't patay ako nito pagnagkataon.

"Hoy Miss, Ba't ka nang-aagaw ng pwesto? Eh ako dapat jan ah!" bulyaw niya

"So? Eh sa ako ang nauna anong magagawa mo?" Pagtataray ko, makaalis na nga rito at baka mal—ahhh LANGYA late na pala talaga ako.

"HOYYY!"

"Hoy ka rin! Ba't ka ba sumisigaw kuya eh dalawang dipa lang pagitan natin, at tsaka di naman po ako bingi."

"Aba't gago ka ah. Nang-iinis ka b—"

"Gago ka rin! Geh bye!" sabay patalikod na kumaway sa kanya.

Tumakbo ako papuntang building 11 3rd floor. Grabe nakakapagod talagang umakyat, bakit ba kasi sa ikatatlong palapag pa yung classroom namin. Tataba talaga tong buto't-balat kong katawan.

'Homayghad!!!' nasabi ko sa isip ko nang makarating ako sa classroom.

May halima—ah este teacher namin sa Basic-Cal nasa harapan ng chalkboard  habang nagsusulat ng mga numerong may letra. Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa upuan ko at nilagay sa harapan ng upuan ang bag ko.

"At dahil 30 minutes ka na namang late Miss Curtiz, answer this given problem here in front now. Faster!"

Patay tayo jan! Pumunta na ako sa harapan at sinagutan ang given problem. Ang dali naman nito, andaling ibagsak. Wews. Talagang babagsak ako nito, ikaw ba namang ipasagot nang kararating mo lang diba? Malay ko ba kung paano ito isosolve. At idadahilan pang kesyo late ako, aba't ambobo nyo po sa part na yun.

d--,b

Makalipas ang isang oras at tatlumpung minuto eh sa wakas recess na.
Pababa na ako sa 3rd floor nang may makita akong—

"Ay buak!" Nagulat naman ako sa taong kamuntik ko nang mayakap dahil sa pagkakatapilok ko. Katangahan strikes.

"Hoy! Ikaw yung—"

"Ba't ka ba nangduduro hah? Wala akong pagkakautang sayo uy. Eh ano naman ngayon kung ako yung nauna sa parking space na yun? Paunahan lang yan tol."

"Ganun ba yun?" Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko.

"ARAY! Putik! Ano bang problema mo hah?" Sabay tadyak sa paa nya. Ayun namilipit sa sakit. "Wag ka kasing pumapatol sa babae." Sabay hilot sa noo kong tinuktok nya.

"Peste! At bakit naman kita hindi papatulan?!" singhal nya pa. Lumapit sya sa'kin at humakbang naman ako palapit sa kanya. Akmang sasampalin na nya ako nang

HALIKAN KO SYA.

"Oh...Tulala ka ata. Nabigla ba kita?" naiusal ko nung ako mismo ang kumawala sa pagkahalik ko sa kanya sabay atras ng mga isang metro.

"B-Ba't ka nanghahalik? Putcha!" Sabay pahid sa labi nya na parang nandidiri.

"Don't tell me first time mong mahalikan because that would be unusual for a type of guy who's looks like had an experienced on it."

Sa halip na sagutin nya ako ay dinaklop nya ang kwelyo ko na syang ikinabigla ko.

"Di ko kailanman pinangarap mahalikan ng isang babae at hindi ako yung tipong nanghahalik sa mga babae!" So, bading to?  "Kanina ka pa ah! Tinawag mo kong 'Kuya' kanina dun sa parking lot tapos kung tanungin mo ko kung anong problema ko parang ikaw pa tong naagrabyado?!! Di ka pa nadala inapakan mo pa paa ko?!" Bumitaw na sya sa pagkakahawak sa kwelyo ko. "Ngayon naman 'GUY'?... Mukha ba akong maton sa paningin mo? Kung manghalik ka parang di ka nandidiri ah!" Sinampal nya ako nang pagkalakas- lakas. "Di tayo talo! Gaga ka!"
At nagwalkout na sya. Ako naman ay nanigas sa kinatatayuan ko habang hinahawakan pa ang pisngi kong nasampal nya.

PUNYAWA!

Boses lalaki amp*ta! AHHH

__iifyves —_—
🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧
Fictitious work of mine.

ONE-SHOT STORIES ng DRÌXWhere stories live. Discover now