‡CHEATED ON, PROOVW YB SVI LDM‡
[DRICK'S POV]
"Di mo kasalanan Drick! Ni nino man sa atin." Singhal ni Pierce sa'kin.
"I know, bu—"
"Then don't blame yourself." Sabat naman ni Venn.
"Sino ba naman ang mag-aakalang mangyayari yun." Sabi pa ni Kid.
"No one expected it." Tugon naman ni Mayselle habang nagpunas ng luha.
"Kahapon lang masaya tayong nag-eenjoy magscuba diving the whole day, inuman at asaran the rest of the night hanggang sa abutan tayo ng antok. Nang mag-umaga, nagulat na lang ako nang makita ko si Cally na nakahandusay sa kama at naliligo sa sarili niyang dugo." Kwento pa ni Morris.
[FLASHBACK]
"Beh! Dito!" Sigaw ni Cally nang makapasok sa resto habang kumakaway-kaway pa. Kinawayan ko naman siya pabalik bilang tugon.
Di pa man ako tuluyang nakakalapit kay Cally ay natanaw ko naman sina Mayselle at Venn sa di kalayuan na papunta rin sa table kung saan nakaupo si Cally.
"Nice shade Drick." Bungad ni Mayselle. "How's your trip?"
"Same as usua—"
"Ako dapat nagtatanong nyan eh." Sabat naman ni Cally nang makalapit kami sa table.
"Edi sana tinanong mo na kanina yan. Ayan tuloy naunahan ka pa." Sagot naman ni Mayselle at naupo sa tabi ni Venn.
"Eh sa ngayon ko pa nakausap ang boyfriend ko eh." pagdiing tugon niya pa.
"Edi ulitin mo na lang yung tanong ko kanina." irita nitong pahayag at paismid na tumingin kay Venn. "Oh, anong tingin yan?" Tanong niya pa nang makitang masama ang tingin nito sa kanya.
"Tss." Naiusal nito.
"Let's just eat. I've been craving an hour ago." Pag-aaya ko.
"Are you done eating?" Tanong ko sa kanya nang bigla siyang tumayo.
"Yes, I've had all I can eat." Sagot niya pa habang hinihimas ang tiyan. "Balik muna ako sa Hotel at mag-iimpake lang. Magpapahinga na rin pagkatapos. Dalhin ko na to Beh. " Pagtutukoy niya sa dala kong backpack.
"Sasama ako. Ako na lang ang magd—"
"Ako na. Dito ka muna at di ka pa tapos sa pagkain mo. Tapos sumama ka kila Venn. Magsaya ka muna dito at alam kong stress ka sa work mo. Pinilit pa kitang pumunta rito kung sasamahan mo lang naman ako buong araw diba. Puntahan mo na lang ako pagkainan na." Hinalikan niya ako sa pisngi bilang paalam at pumihit palabas ng resto habang bitbit ang bag ko.
Di ko na lang siya kinulit at baka mag-away pa kami. Pagkatapos naming kumain ay gumala kami at nagscuba diving. I've been very busy with my work stuff back in Manila but now I've decided to take a new step for a change and try something that is fun and interesting. Sunset arrives when we head back to the hotel where we're staying for three days and two nights.
YOU ARE READING
ONE-SHOT STORIES ng DRÌX
Short StoryMga di inaasahang pangyayari ng dahil sa pag-ibig.