‡JUST TO SAVE U‡
"Magbreak na tayo." deretsong sambit ko kay Kirt.
(●__●)👈Kirt
"Ano!? Nahihibang ka na ba?!!" gulat na tanong niya. "A-Ano bang n-nakainin mo hah?" patawang tanong nya.
(—_—)
Tsk.
"Wala pa akong kain." Kaswal na sagot ko. "At kung tinatanong mong nahihibang ako, tanungin mo muna ang sarili mo kung kailangan ko bang mahibang para lang makipaghiwalay sayo." 'Rektang naiusal ko.
Hutang pushyyyt. Sobrang bilis na nang tibok ng puso ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong niya.
Estupido.
"Wag ako Kirt. Alam ko namang gusto mo rin toh." Tumalikod na k---
"Gusto? Sino namang gunggong ang magnanais na pakawalan ang babaeng pinaghirapan maangkin niya hah?" Nilingon ko naman. "Ilang buwan din kitang niligawan at sinuyo para lang maipakita sayong tunay at dalisay ang ipinapakita kong paghangad sayo."
"Ganun?"
"Hutang galunggong naman Ellyx! Oo inaamin kong minsan na kitang pinagtripan pero di ko inaasahan ang naging reaksyon ko nang may babaeng tititigan ako ng masama na na-mis-interpret ko pala, na sa bawat sulok ng campus ay nakikita ko. Di ko maintindihan kung bakit palaging hinahanap nito **turo niya sa puso niya.** yung presensiya mo. Na minsan hiniling kong sana naging bulag nalang ako para hindi ko makita yang mga mata mo." Nasabi niya habang nagpipigil.
"Ano namang kinalaman ng mata ko sa pagiging alaskador mo? Makita mo lang ako nambabatok ka... sipa, at suntok natamo ko sayo." Kwento ko pa sa mga kahayupan niya noon. "Yung huli nga tinisod mo ko dahilan para matumba ako sa mga dumi ng Kal—"
"Kailangan ba talang ungkatin pa? Tsk! Yung sipa, suntok, at batok masasabi kong pangtitrip lang yun. Yung huli pagpapapansin na ang tawag dun. Nung mga panahong yun, imposible mang mangyari pero dun ko naranasan at naramdaman ang mga kakornihan ni Sensui. At hindi ko inaakalang may totoong Taguro'ng magpapatunay na may taong naisulat para mabuhay at iparamdam ang imposible ay posibleng- posible mangyari...at ikaw yun." Turo niya sa'kin. "Kaya kung makikipaghiwalay ka sa'kin, pasensya na, di ko kayang pakawalan ka para lang sa rasong di ko lubos maunawaan."
Tss.
🙄
Kabadingan nito eh.
"Please... I'm begging you, please stay."
"Kirt tama na. Wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo. Alam kong imposible toh sayo pero...wala na akong maramdaman ni konting pagkagusto sayo." Nabigla siya sa sinabi ko. "Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kusang tumigil sa pagtibok ang puso ko para sayo at nagpatuloy nalang para sa sarili ko mismo." Napayuko na lang siya. "Ngayon ay parang di na ako sabik na makita ka at makasama ka pa...Kaya sana ituring mo nalang akong isang bangungot. Ipagpalagay mo na lang na isang tong mahabang panaginip...Na kailangan mo nang gumising para bumangon at maghandag harapin ang reyalidad."
"Di pa ba to reyalidad? Sa tingin mo ba ganun na lang kadali yun?" Namumula na ang pisngi niya at batid kong galit na siya. "Ganun nalang ba? Wala na bang saysay sayo yung mga masasayang pinagsamahan natin? So, all this time napipilitan ka lang sa relasyon natin?" Sunod na sunod niyang tanong habang titig na titig sa mga mata ko.
"Hindi. Hindi ganun yun." Dali-daling tugon ko. "Masaya ako sa relasyon natin...noon at hindi na ngayon. Sasaktan at papaasahin lang kita pagpinagpipilitan ko pa tong relasyon na to kahit na alam kong wala na talaga akong nararamdaman sayo. Lolokohin ko lang din ang sarili ko sa relasyon ikaw lang ang may ambag." Napatingin nalang ako sa gilid at pinigilan ang nagbabadyang luha na sa ano mang sandali ay tutulo na. "Masaya akong makilala ka." Naiusal ko nang ibinalik ko ang paningin sa kanya. Minsan mo na akong binago at hindi ka nabigo. Malas lang at di sapat ito **turo ko sa dibdib ko** para masuklian ang mga paghihirap mapaamo mo lang ako. Salamat sa lahat. Sana'y makahanap ka ng mamahalin mo magmamahal sayo ng MATAGAL."
Binigyan ko siya nang matamis na ngiti.
(^___^) 👈ako
(—_—) 👈siya
Dali-dali akong tumalikod para umalis na. Tinawag niya ko pero di ako nagpatinag.
Baka magbago pa isip ko.
'Sa ganitong paraan Kirt di mo na ako kailangang lokohin para lang mapasaya mo 'ko kahit ikaw mismo may dinaramdam jan sa puso mo.'
'Pinagtaksilan ko ang tunay na nararamdaman ko para masalba lang ang buhay mo, sana di mo sayangin to.'
Wala akong pake kung kakamuhian mo 'ko pagdating ng panahon.
Ang ipagamot yang puso mo para sa mismong kapakanan mo ay siyang kasiyahang alam kong di ko pagsisisihan sa huli.
__iifyvez —_—
🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧
Fictitious work of mine.
YOU ARE READING
ONE-SHOT STORIES ng DRÌX
Short StoryMga di inaasahang pangyayari ng dahil sa pag-ibig.