3

9 1 0
                                    

Inis akong napabuntong hininga, hindi na talaga siya tatabi sa'kin. Nandoon pa din ang mga kababaehan panay ang titig sa likuran kung saan naka-upo ng tuwid ang lalaki at walang emosyon na nakatitig sa labas.

Tumayo at tinawag ang lalaking brusko din na panay ang titig sa'kin. Ngumiti ako ng matamis at lumapit sakanya.

" Pwede pa lagay ng upuan ko doon sa likod? " tanong ko ngumiti naman siya. " Ay, i am Asania by the way." Sabi ko habang inilahad ang kamay sakanya. Tinanggap niya naman iyon.

"Matthew" sabi niya at ngumiti. Ang pogi, may dimples. Pero mas pogi pa si Mr. Taga bukid na gwapo.

" Pwede? " tanong ko ulit at ngumiti. Tumango naman siya at itinuro ko kung saan ang upuan ko at kung saan ilalagay.

Napangiti ako dahil napapagitnaan pala nila ako.

Nagbulong-bulongan naman kaagad ang mga kaklase ko. Ang kapatid ko naman nakataas ang kilay sa'kin at ngumingiti. Para bang may nakikita siyang napakagandang pangitain. Ngumiti toloy ako sakanya at nag thumbs up.

Tumawa kami ng sabay at napa-irap din ng sabay dahil panay ang tingin sa 'min ng mga kaklase namin.

"Transferee ka?" Tanong ng lalaking nagngangalang Matthew. Tumango sakanya at ngumiti.

Sinulyapan ko din si Mr. Taga bukid na gwapo. Seryoso pa din ang mukha niya at kitang kita ang matatalim niyang panga.

"Oy! Kilala mo siya? Matthew? Tanong ko habang nakatingin pa din sa lalaking katabi ko na seryosong seryoso sa buhay.

"A, oo... Pinsan ko siya si Vancerlon" sabi niya. Nangunot ang noo ko. Pangalan ba yun? Sure siya?

"Vancerlon? " pag-uulit ko. Para kasing nagbibiro lang siya. Sarkastiko akong tumawa. " Pangalan niya yun? Sure ka?" Tanong ko pero ngumiti lang siya.

" oo" napahalakhak ako. Hindi makapaniwala na iyon ang pangalan ng lalaking to.

" Nag jojoke ka? Sure na talaga yan?" Tanong ko ulit at tumawa ng napakalakas lakas. Nasa akin na ang atensyon ng kaklase ko. Napatikhim ako at tumayo.

" Pangalan mo yun? " tanong ko sa lalaking pinangalanan ng pinsan niya na Vancerlon.

Tinaasan lang ako ng kilay! Attitude!

"Hoi!" Sigaw ko pero di pa din ako pinansin.

Tumingin ako sa pinsan kong nakatitig lang sa'kin na parang may kasalanan akong hindi kanais nais.

"Pangalan niya yun? " tanong ko sa pinsan ko. Ngumiwi siya sa'kin at umirap. Parang hiyang hiya sa kagaguhan ko.

Ngumiti ako at sumigaw ng " VANCERLON!!! ANG POGI MO!" 

Kilig na kilig naman ang kapatid ko at ang mga kaklase ko naman ngumiwi at nagtawanan at chini-cheer pa ako.

" Anong pangalan ng kakambal mo?" Sabi ng isang bakla sa kapatid ko

" Asinia"

Nagsigawan naman ang mga kaklase ko!

" GO ASINIA!!!GO ASINIA!!!! AYEIEEEEE"  sigawan nila sabay sabay habang ako naman patuloy pa din ngumingiti sa kay Vancerlon.

Wala pa din reaksyon ang kanyang mukha. Walang bahid na inis o kahit anong reaksyon. Seryosong seryoso lang siya habang nakatanaw sa labas. Napanguso ako. Wala man lang siyang naging imik sa isinigaw ko.

Umupo ako at ngumiti sa todo cheer na mga kaklase ko.

Madaming nagsitayuan sa harap ko at tinatanong kong gusto ko ba daw si Vancerlon . Syempre pa showbiz ako ngumiti lang ako habang panay sila ang tanong sa'kin.

  Playing with Fire -  PROBINSYA SERIES #1Where stories live. Discover now