13

4 1 0
                                    

"Kasalanan ni Asinia ang lahat" si tita Anika.

Hindi ko alam kung ano ba ang ibibigay kong reaksyon sa sinabi niya. Gusto kong matawa pero may respeto naman ako sakanya kahit hindi niya kayang ibigay 'yon sa'kin. Gusto ko din umiyak dahil noong bata ako amaze na amaze ako sakanya.

"Ano ba tita! Walang kasalanan ang kapatid ko!" Pagdedepensa ng kapatid ko na ngayon ay umiiyak na sa tabi ko.

I hugged her. Wala naman siyang kasalanan pero umiiyak pa siya. Hindi niya naman 'to problema pero nandito pa din siya patuloy akong denedepensahan.

I felt so numb. Hindi ko na pinansin ang mga sugat ko na nadagdagan. Ayaw ko naman mahimatay ulit kaya pinipilit kong hindi muna pansinin.

"Kasalanan niya ang lahat! Look at my daughter! Kita niyo ba kanina pa siyang iyak ng iyak?" Tita Anika.

"Bakit tita? Pag-umiyak ba ang isang tao siya na 'yong nasasaktan ng lubusan? Tita! Hindi 'yon gano'n! Ang taong nasasaktan ay 'yong hindi palasalita...dahil kung tunay kang nasasaktan hindi ka nang magtatangkang umiyak pa dahil durog na durog ka na loob! Sa puso mo! Hindi ka na maiiyak pa kung nasasaktan ka na ng lubusan dahil parang hindi na kaya ng sarili mong umiyak pa dahil umiiyak na ang puso mo...durog na durog na..." Sabi ng kakambal ko.

"Ano? So sinasabi mo na ang babaw lang ng anak ko!?" Sigaw niya.

"No tita. I'm just saying that hindi basehan ang luha para sabihin na nasasaktan ang isang tao."

"No! So sinasabi mong may mas alam ka pa kesa sa'kin?" She hissed. Parang mananampal na siya pero hindi niya magawa dahil nandito kami sa loob ng principal office.

"No. Why do you keep on defending your daughter? Dapat alam mo na siya ang may kasalanan! Kitang kita naman natin ang pag-uugali ng anak niyo tita! Bakit patuloy niyo pa din dedepensahan?"

"She's my daughter!!" Sigaw ni tita Anika.

"Kaya bias ka? No! Tita! Opo kapatid ko po si Asinia! Pero hindi naman pwedeng depensahan ko siya kapag may ginawa siyang kasalanan! Ang anak niyo po okay! Ang anak niyo po at sinabunutan ang kapatid ko!"

"No! Mommy! I didn't do that!" Nag-hy- hysterical na usal ni Rina nang nakita ang pagpasok ni lola.

Napa-irap ako. Ang panget ng ugali niya.

"What's happening here?" Tanong ni lola na lumukob sa loob ng principal office. "What happened Hija? Bakit dumami ang sugat mo? Hella get the medicine kit on the car!" Sigaw ni lola at umupo sa tabi ko habang tinitignan ang braso kong puno ng sugat. Pinikit ko ang mata ko. Ayaw kong tignan ang sugat ko.

"Rina! I made my decision hindi ka dito mag-aaral! Doon ka mag-aral sa paaralan ni Marjorie! Hindi ako makakapayag na patuloy mong sasaktan ang apo ko!"

"Ma! Apo niyo po din siya!" Si Tita Anika. Hindi makapaniwala sa sinabi ni lola.

"No! She's not! Alam na'tin ang totoo. Hindi ako makakapayag na ganituhin niyo ang apo ko! "

Rinig ko ang paghagulhol ni Rina. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Bakit hindi apo ni lola si Rina.

"Ma! Wag naman ganyan!" Si Tita anika. Nagmamakaawa kay lola.

"No! Dapat diyan mo yan sinasabi sa batang yan! Ang kapal ng mukhang abusuhin ang apo ko! Apo ko 'to Anika! Dapat alam mo 'yan! Itatak mo yan sa isipan mo!" Sigaw ni lola.

Gulong gulo ako. Iniinda ko ang hapdi sa braso ko sa bawat pagdampi ni lola ng bulak. Bakit? Hindi niya ba apo si Rina? Nagkatitigan kami ng kakambal ko. Gulong gulo ako pero siya parang expected niya na na sasabihin 'yon ni lola. Kumunit ang noo ko habang patuloy pa din nakikipagtitigan sa kapatid  ko.

  Playing with Fire -  PROBINSYA SERIES #1Where stories live. Discover now