9

6 1 0
                                    

Hindi ako nakatulog dahil sa sinabi niya kanina. Nasa iisang kwarto lang kami. Ako ay nasa kama niya habang siya naman ay na sa sahig.

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata pero bigo ako dahil hindi talaga ako nakakatulog ng tuluyan. Ginawa ko na lahat ng posisyon na alam ko para makatulog pero hindi talaga ako makatulog.

Inis akong tumihaya at inayos ang nagusot kong kumot. Sumulyap ako sa bandang kanan kung saan si Vancerlon nakahiga.

Umisog ako doon at sinilip siya. Ganun na lang ang gulat ko ng nagkasalubong ang aming tingin. Gising na gising pa din pa la siya.

Nagkunwari akong napagawi lang ang mata ko sakanya. Ramdam ko naman ang matatalim niyang titig kaya napatahimik na lang ako dahil may plano akong ka-usapin siya.

Nagtatalo pa ang isipan ko kung kaka-usapin ko ba siya o hindi. Napatikhim ako.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot sakanya. Napanguso ako. Wala ba talaga siyang planong sagutin ang tanong ko? As in? Kailangan ko pa ba talaga gumawa ng mahabang steps para makapagsalita siya ng isang word? Tsss.

"I'm not. You're the one who keep on ignoring me." Sabi niya na ikinatawa ko ng sarkastiko. Napasulyap ako sakanya at itinnaas ang kilay ko. Ganun din ang ginawa niya. Nakataas din ang kilay niya at nangungunot ang noo sa bawat pagtawa ko ng sarkastiko.

" me? Ako? Ako? Sure ka? Ikaw! Sabihin mo ikaw! Ilang beses na akong nagpapapansin sa'yo wala pa din. Ang sungit mo. Ang hirap mong pangitiin..." Sabi ko habang humihina ang boses sa huling pangungusap na binanggit.

Nahihiya man ay hindi na ako nagsisi dahil nasabi ko na.

Hindi siya sumagot kaya napabuntong hininga ako ulit. Napapikit ako dahil hindi ko alam kung bakit naghuhurmentado ako sa presensya niya. Kagaya ngayon sobrang lapit niya rinig na rinig ko ang pagtambol ng aking dibdib. Bakit ganito ang epekto niya sa'kin? Napaka unfair naman. Ako dito parang mamamatay na dahil nawawalan na ako ng hininga sa bawat pagtambol ng puso ko dahil sa presensya niya habang siya naman ay wala man lang kibo at hindi na aapektuhan sa presensya ko.

Kailangan ba na'tin magka gusto sa taong walang gusto sa'tin? Pwede bang diktahan na lang ang puso ng napupusuan na'tin? Sabihin na tayo na lang ang mahalin? Bakit kailangan pa natin manglimos ng atensyon sa taong napupusuan natin? Bakit kailangan pang kapalan ang ating pagmumukha para mapansin? Wala na bang mas madaling paraan para magustuhan tayo pabalik?

Napatawa ako. Hindi naman kasi lahat ng tao ay may kakayahang ibalik sa'yo ang gusto mong pagmamahal. May tinatawag ngang friend zone diba? Dahil hindi nila kayang pantayan ang iyong nararamdaman. Dahil kaibigan lang talaga ang turing nila sayo at hindi na hihigit pa doon.

Ang saklap naman ng lovelife ko. Ilang buwan pa lang nakakaloka na. Minsan lang akong pinapansin. Minsan lang pero worth it naman diba? Diba?

"Why are doing this?" Tanong niya. Napa-iling ako.

Required ba talaga ang tanong mo ay sasagutin ng isang tanong? Tsss

"Tss. Obvious naman diba. " i hissed as i wiped my tears.

Bakit ba ako naiiyak! Parang tanga!

"Obvious, what?" Tanong niya.

Amazed na amazed ako dahil ngayon lang siya nagsalita kasunod ng sinabi ko.

"Na may... Ano-- alam mo na yan." Sabi ko at tinalikuran siya. Nahihiya sa mukha kong namumula na ngayon.

"What?" Tanong niya naman. Baritong baritono ang boses niya. Napaka gandang pakinggan.

  Playing with Fire -  PROBINSYA SERIES #1Where stories live. Discover now