Chapter 42

615 21 11
                                    

#CDM42Baby


Sobrang kinakabahan ako habang nakaupo sa harapan ng vanity mirror. Alam kong hindi dapat ako mag-isip ng iba, pero sa mga kinikilos ni Lola Nora nitong mga nakaraang araw... nakakakuha na ako ng mga ideya kung para saan ang araw na ito.

"Ma'am Aebee, pinapatawag na po kayo ni Senyora sa baba."

Tumingin ako sa bukana ng pintuan. Nakapasok doon ang ulo ni Aling Rosie, isa sa mga katiwala nina Lola rito sa mansyon.

Humigit ako nang malalim na buntong hininga bago tumango. For the last time, I stared at my reflection. I'm wearing a white halter dress and my lips were tinted in pink. Mahaba na talaga ang buhok ko... mukhang kailangan ko ng magpagupit.

Para mas cute ako tignan.

Sumunod ako kay Aling Rosie sa baba pagkatapos non kahit kabado pa rin ako. Hindi ko maintindihan. Bakit ko ba 'to nararamdaman sa tuwing naiisip ko siya?

E... isang linggo na nga kaming hindi nagkikita dahil todo iwas talaga ako sakanya. Pero ayun... araw-araw, pinapadalhan niya ako ng bouquet ng bulaklak... 'tsaka sulat. Ngayon nga lang siya pumalya.

Bakit kaya?

Lumipad agad ang mga umiikot sa isip ko dahil nasa kalagitnaan pa lamang kami ng hagdan ni Aling Rosie, kitang-kita ko na ang hubog ng katawan ng isang lalaking kausap ngayon si Lola sa sala.

God. I knew it.

Pumikit ako nang mariin at napahinto. Napatingin sa akin si Aling Rosie dahil doon pero awkward ko lang siyang nginitian at kunwari'y sumakit ang tiyan ko. Aatras na sana ako para hindi na ulit magkrus ang mga landas namin... pero umangat na ang tingin ni Lola Nora sa akin. His stares automatically followed.

Kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang paningin naming dalawa.

"Hija, come here." utos iyon ni Lola Nora na alam kong hindi ko pwedeng baliin.

Napalunok ako. Come on, Ae. You got this.

I gathered my strength before nodding at her. Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang. Hindi ko siya matignan sa mga mata niya... dahil alam kong hindi nawawala sa akin ang kanyang mga tingin.

Ano ba talagang balak mo, Dreame?

"Lola... good morning po." I greeted her and planted a kiss on her cheek.

Ramdam kong bawat galaw ko ay hindi niya pinalalampas. Saglit ko siyang tinignan at nang makita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya para humulma ng isang ngiti ay agad akong napaiwas.

I'd die to have that perfect dimples!

"Your board exam is coming near, hija."

Ayun pa lang sinasabi ni Lola pero parang pinagsuklaban na ng langit at lupa ang mukha ko.

"La... p-pwede naman pong sa review center na lang ako."

"Hindi ka matututukan doon, hija. Mas mabuti ng may magtutor sa'yo nang masinsinan." Lola Nora smiled at me, and then shifted her glance at the man sitting in front of us. "At iyong apo ko iyon."

Laglag ang panga ko nang sabihin niya iyon ng walang kahit anong mababakas na pag-aalinlangan. Mi hindi man nga siya nagulat noong nalaman niyang ako 'yong ex na tinutukoy ng apo niya, e!

"S-Siya po?" para akong tanga roon na kinukumpirma ang isang bagay na halata naman na 'yong sagot.

Si Dreame na ang tumango para sa tanong ko. "Ako nga."

Chasing Dreame Monterezzo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon