#CDM40TumakboPalayo
It felt like I was asleep for a thousand of years when I tried to open my eyes.
Puti.
Puti lahat ng nakikita ko.
Puting kisame, puting dingding, puting pintuan.
Nasa langit na ba ako?
"Ma'am... Ma'am... gising na po siya!"
Agarang lumipat ang tingin ko sa babaeng nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin habang pinipindot niya 'yong tingin ko ay intercom.
I tried to roam my eyes once again. Kumunot ang noo ko nang may makitang stretcher sa gilid. Sa pagkakaalam ko, wala namang ganitong mga gamit sa langit.
Hala...
Nasa hospital ako?!
Napatayo agad ako sa malambot na kamang hinihigaan ko nang mapagtanto iyon. Saka ko lang napansin na ang dami palang apparatus na nakasaksak sa'kin.
Grabe. Feeling ko talaga ang tagal-tagal kong natulog.
"Ate... pahinging tubig, nauuhaw po ako." sabi ko roon sa nurse na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga matang nakatingin sa akin.
She instantly nodded her head. Agad siyang lumapit doon sa side table tapos kita kong nanginig pa yung kamay niya nung hinawakan 'yong pitsel kaya medyo umapaw 'yung tubig.
"Thank you po." sabi ko at agarang inubos 'yong isang baso ng tubig. Inilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid at medyo napaisip kung ano'ng ginagawa ko rito. "Ate, bakit po ako nandito?"
Mas nanlaki ang mga mata niya sa naging tanong ko. "W-Wala ka bang maalala?"
Nagisip-isip ako.
Ang naalala ko lang naman... nag-usap kami ni Ashira sa harapan ng puntod ni Nanay Biring tapos nangako ako sa sarili kong lalayo na ako sakanila... tapos naglakad-lakad ako... tapos... tapos...
"Naaksidente ako."
My mouth went awe by the realization.
"Naaksidente ako?!" I asked, eyes widened in shock. Chineck ko 'yung sarili ko kung may mga sugat ba akong natamo. Wala naman akong makitang bakas ng sugat. Pwera nalang talaga 'yong bandage sa may ulo ko.
"Ma'am, uminahon po kayo." sabi n'ong nurse.
Mas lalo akong nanlumo nang may mapagtanto. "Hala ate... wala po akong pambayad ng hospital huhuhuhu. Sino pong nagdala sa'kin dito?"
Sana hinayaan niya nalang akong papakin ng mga uod doon. At least, bago ako mamatay, may nakinabang sa katawan ko.
"Ma'am, hindi ko po alam kung dapat ko na bang sabihin sainyo ang totoo gayong kagigising niyo lamang po. Ako po si Nurse Jen, ang personal nurse po ninyo." sabi ulit ni ate bago ako dahan-dahang lapitan. "Kamusta po ang pakiramdam niyo? May nararamdaman po ba kayong iba sa katawan ninyo?"
Tinimpla ko ang sarili.
Ayos naman.
Medyo kumikirot lang 'yong bandang ulo ko.
"Ayos lang po ako..." banayad kong sagot. "Ate, sino po ang nagdala sa'kin dito?"
"I-Iyong... nakabangga po sainyo." alinlangang sagot ni ate. "'Wag po kayong mag-alala, siya po ang magbabayad lahat ng gastusin ninyo rito sa hospital."
Magsasalita na sana ako nang biglang bumakas 'yong pintuan. Isang lola na halatang mayaman at isang foreigner na doctor ang iniluwa non.
"How are you feeling, hija?" iyon agad ang tanong sa'kin nung matanda.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreame Monterezzo (Completed)
Novela JuvenilAng istoryang ito ang magpapatunay na ibang klase magmahal ang mga cute.