Chapter 41

626 23 12
                                    

#CDM41Chase


Ilang beses akong nagpaliwanag kay Lola Nora kung bakit ako tumakbo nung makita ko na 'yung apo na tinutukoy niya.

Sabi ko, natatae na talaga ako nun kaya kailangan ko mag-cr. Pumunta naman talaga ako dun. Actually, hindi talaga ako lumabas hangga't 'di ko nakukumpirmang umalis na sina Dreame.

Grabe lang 'yung bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganun?

Parang... parang mas lalo lang siyang gumwapo.

"Sayang at hindi mo nakilala 'yong apo ko." dismayadong sabi ulit ni Lola Nora habang umuupo na sa couch kung saan nakaupo 'yung taong dahilan nang pagtakbo ko.

Hindi ko suka't akalain na all this time, 'yong apo na tinutukoy niya ay 'yong mismong taong naging dahilan kung bakit nawala ako sa direksyon noon.

"May next time pa naman, Lola..." at sa next time na 'yun, siguradong makakagawa na ako ng mas magandang palusot.

Huhuhuhu. Sorry, Lola.

Ayoko na kasi talagang magkaroon ng interaksyon sa kahit isa sakanila. Kontento't masaya na ako sa buhay ko ngayon.

At ayoko nang bumalik pa sa nakaraan ko.

"Anyway, I already hired someone to guide you in preparation to your board exam."

Napakunot ang noo ko sa biglaang hinayag ni Lola. Wala naman kasi sa usapan namin ang bagay na 'yun. "Pwede naman kahit sa review center nalang, La."

"No. It's better to have someone who can review you anytime. Malapit na ang boards. By next week, I'll ask him to stay here for good so he can review you all the time."

"Him?" sa lahat ng sinabi ni lola, ayun lang ang tanging nag-proseso sa utak ko.

"Oo, hija. Lalaki."

"Hindi po... uh... binabae?"

Her brows arched in confusion. "What do you mean by binabae?"

Nilagay ko yung iilang hibla ng buhok ko sa tenga at saka inakto 'yon nang paulit-ulit. "Shokla po. 50/50. 'Yong may titi pero pusong babae—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang humalagapak bigla sa tawa si lola. Lumabi ako at napakurap-kurap nalang habang pinagmamasdan siya roon na halos atakihin na sa kakatawa.

"Aebee, you're really something. I never doubt how he managed to build a strong affection towards you." tapos tumawa ulit si Lola at iniwan na akong mag-isa sa sala nila.

Ano raw? Naman, e.

Ibig sabihin, lalaki talaga 'yong magtu-tutor sa'kin? Ang awkward naman nun. Parang allergic na kasi ako sa mga lalaki ngayon. Hindi niyo naman siguro ako masisisi, diba? Pati nga kaibigan sa America, wala ako e.

Ang hirap na kasi talagang magtiwala sa panahon ngayon.

Sa mga sumunod na araw, kinailangan kong samahan si Lola sa hospital nila dahil kailangan daw niya nang kaantabay sa paglakakad. It's getting weirder and weirder.

Ang dami namang kasambahay ni Lola, tapos bakit sa'kin pa siya nagpapasama? Hindi naman sa ayaw ko pero...

Weird talaga, e.

May kakaiba sa kinikilos ni Lola.

"Bilhan mo nga ako ng tubig sa canteen."

I stared at Lola Nora for a quite time. Nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya ay saka siya napaiwas ng tingin. "Lola... may tubig po doon sa water dispenser niyo, bakit kailangan sa canteen pa bibili?"

Chasing Dreame Monterezzo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon