PROLOGUE

121 6 4
                                    


PROLOGUE

“Narizz, hija? Ikaw na ba iyan?” The woman beside me broke the silence of the whole room when I heard her spoke beside me.

Nakatayo ako sa bukana ng pintuan papasok sa loob ng library. Naghahalong amoy ng mga lumang libro at bagong labas na mga libro sa box ang bubungad sa iyo.

Tumingin ako sa nagsalita, bumungad sa akin si Ma’am Priscilla na siyang librarian dito. Maraming nagbago sakanya. Mas lalong dumami ang dating kakaunti niya lang na wrinkles sa mukha at mas tumingkad ang kulay puti niyang buhok.

“Hello po, kamusta po kayo?” bati ko sakanya sa mahinang boses.

“Okay pa rin naman hija, malapit na akong magritiro, buti at naabutan mo pa ako dito. Hindi kaagad kita nakilala, mas lalo kang gumanda.” Uminit ang pisngi ko sa huli kong narinig na sinabi niya.

Nahihiya akong tumawa sakanya. “Thank you po,” tanging nasabi ko nalang.

“Naku! Hanggang ngayon mahinhin ka pa rin talaga, Narizz.”

Mahinang tawa nalang ang muling naigawad ko sa matanda.

“Bakit bigla kang napadalaw? May hihiramin kang libro? Journalism ang kinuha mong course 'diba?”

Tumango ako bilang pagsagot sa huling tanong niya. “Magtitingin lang po sana ng mga libro, kapag may nakita po ako, baka po hiramin ko nalang. Pwede po ba?”

“Oo naman hija, hanapin mo nalang diyan. Bigay mo nalang ID mo sa akin mamaya.” Ani niya habang itinuturo ang mga books na nasa shelf.

“Salamat po,” tugon ko at ngiti nalang ang iginawad niya sa akin.

Walang gaanong tao ngayon na makikita sa loob, halos mabibilang lang sa daliri ang narito.

Naglakad lakad ako sa mga shelf na nakahilera hanggang mapahinto ako sa tapat ng isang pinto. The inner me keeps screaming that I should go there. Tumingin pa ako sa paligid ko at dahan dahang lumapit sa may pinto. Sa dulong parte na kasi ito ng library kaya medyo madilim rin. I tried to open the door knob at bukas naman ito.

It is not locked, so maybe we can go inside right? Pagpasok ko sa loob, napahinga ako ng malalim ng makitang mga libro pa rin ito na nasa shelf.

Kaya lang napahinto ako sa isang malaking libro na parang tinatawag ako. Among all those books beside it, this one is big. Parang hindi naayon ang laki nito sa iba pa na naroon sa shelf. And it is shining…

Hindi ko alam kung bakit o baka sa pagkakagawa lang ng cover ng book? Baka may ginamit sila na kayang mag reflect nito sa araw? But the weird thing is, there’s no traces of light here. Walang araw na maaring makapasok sa loob dahil wala namang bintana at dahil nga dulong parte na ito, hindi na gaanong maliwanag ang paligid. Kunot noo ko itong inabot at kinuha para mas lalong makita at maanalisa.

Ilang beses kong tinignan ang harap at likod pero hindi nawawala ang pagkinang nito.

“Book of Journey...” mahinang bigkas ko sa nabasang title ng libro. Walang writer or author na nakalagay.

This book is familiar… it is really familiar.

The moment I opened the book, it fell on the floor when I heard a voice. A woman’s voice.

“Help, Help!”

Luminga linga ako sa paligid para hanapin kung may tao ba akong kasama sa loob pero wala naman akong nakita.

“Narizz, help, help me find the way out!”

Nagsisimula ng kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang banggitin ng nagsasalita ang pangalan ko. Kilala niya ako?

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon