prologo
Maraming pagkakataon sa mundo ang walang kasiguraduhan. Mga bagay na hindi natin ninanais. Mga bagay na gusto natin ngunit, bawal.
Sa aking buhay, maraming mga pagkakataon na ninais ko ang mga bagay na alam kong hindi para sakin. Dahil gusto ko ito.
Maraming pagkakataon na sumubok ako na baka sakali, makamit ko ang mga iyon.
Pero sa bawat pagkumpas ko ng aking mga pakpak, tila lumalakas ang hangin at tinatangay ako pabalik hanggang sa wala na akong ibang magawa kung hindi ang bumagsak.
Akala ko, para sa akin na.
Dahil akala ko, umaayon na si Bathala.
Dahil akala ko, para na talaga siya sakin.
Dahil akala ko, iisa na rin ang pintig ng aming puso.
Dahil akala ko, kami na ang para sa isa't isa.
Madalas akong balisa, patuloy na iniisip kung sa paanong paraan magtatagpo muli ang aming landas.
Ngunit bakit ba tila sa bawat pagyapak ko ng aking mga paa tungo sa daang walang kasiguraduhan, tila ba parang lalo ko lang nararamdaman na palayo ako nang palayo sa kaniya.
Na hindi ko alam, sa magkabilang landasin pala ang amin nang tinatahak.
Kadalasa'y mapagbiro talaga ang tadhana.
Pangingitiin ka.
Ipararamdam sa iyo kung paano sumaya.
At sa huli, doon mo lang mapagtatanto na kayong dalawa ay hindi parehas ng landasin tinatahak.
Nandito ka. At siya?
Doon, sa kabilang dako.
* * *
BINABASA MO ANG
Sa Kabilang Dako [ON-GOING]
Historická literaturaSa isang paraisong akala nati'y napakaganda at busilak, hindi natin alam na mayroong mga nakatagong mga tinik sa buhangin na maaaring makasugat sa atin. Na akala natin magiging maganda at masaya na ang lahat, ngunit parang inilalayo ka lamang rin pa...