Epilogue

18 2 0
                                    

Mildred

"Van, wag ka munang umalis, PLEASE!!! PLEASE!!! PLEA---, Arrraaayyyy!!"






"Gumising ka na kasi!!!, wag ka nang managinip diyan!" pag gising ni mama sabay kurot sakin kanina, my god napapanaginipan ko pa pala yun





It's been a long time, simula nung namatay si van at hanggang ngayon ay di ko pa rin siya nakakalimutan





Ang mga sinabi niya, ang lahat, ay di pa rin nabubura sa aking ala ala, minsan nga iniisip namin bakit namatay si van






bakit kailangan siya pa, sa anong basihan at dahilan, kada may mga achievements kaming tatlo






Ay palagi kaming pumupunta sa puntod ni van para mag mayabang, sayang talaga at di na namin siya nakasama sa pag graduate. 






Kapag nag uusap kaming tatlo tungkol sa mga kabaliwan namin noon ay minsan sa mga kalagitnaan ng masayang kwentuhan namin ay bigla nalang kaming tumatahimik






Dahil siguro hindi kami kumpleto o siguro dahil kapag na iisip namin ang mga ganong ala-ala ay naiisip din namin si van





Ang mga ala-alang kapag nag jo-joke si junfred ay wala lang yun kay van, tapos minsan naman kapag inaasar ni amae si van ay dini-deadma niya lang ito, HAHAHAHA!!.





Ang weird namin no, pero yung mas na aalala ko ay yung pag nag tatampo si van sa magulang niya palaging ako ang na aagrabiyado





Minsan iniisip ko nalang kung pwede bang di na ako mag iisip





Para di ko na ma recall lahat ng masasayang araw ko with van







Nakakapagod rin kasi, pero feeling ko pag ginawa ko yun napaka selfish ko naman ata.





"Hi Van" sabi ko "alam mo ba van dahil sa pag aasaran ng dalawa, naging mag katuloyan tuloy sila






Nakakatawa no, kasi yung aso't pusa sa grupo natin ay mag on na ngayon, how I wish na sana nandito ka ngayon





Para man lang may karamay ako, na aalala mo pa ba yung ginagawa mo kapag umaandar yung pagkamatampuhin mo?






And oo nga van hindi ko pa to naitatanong sa iyo, number kulang ba before ang naka save sa phone mo, HAHAHAHA!!"





After kung dumalaw sa puntod ni van ay pumunta naman ako ng cafe para bumili ng kape malamang ano bang binibili sa cafe di ba kape, ok waley siya, HAHAHAHA!!








"Here's your Mocha Cookie Crumble Frappuccino, ma'am" sabi nung nasa counter "enjoy"






"Thank you" pagpapasalamat ko sabay abot nung order ko, habang papalabas ako sa cafe ay bigla nalang may bumangga sa akin






"Hoi, are you blind?" sabi ko nang naiinis kasi akalain mo naman natapon tuloy yung order ko





HUHUHUHU!! ang saklap, pero nung lumingon siya para mag sorry ay bigla nalang akong natulala.






Nang papaalis na sana siya ay sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay tinawag ko siya dahilan upang magtaka siya.





"Wait!!" pag papahinto ko sa kanya





"Yes Miss?" wika niya "Sorry talaga sa kape mo ah, wag kang mag alala bibilhan nalang kita ng bago"





Ng akmang papasok na sana siya sa cafe para bilhan ako ng bagong kape ay bigla naman akong nagsalita





"Ay hindi, wag na" sabi ko






"Anong wag na?" tanong niya





"Yung kape, wag mo ng palitan" sagot ko naman "teka, may itatanong lang sana ako, kung ok lang?"






"O sige ano yun?"





"Kuya mo ba si Van Santos?" sabi ko ng may ngiti ang mga labi





"Sinong Van Santos?"





"Ah, di mo siya kilala, mag kamukha kasi kayo eh, sorry akala ko kapatid ka niya, by the way what is your name?"







"Ako?..."





"YUP!!!"





"Ahhh!!!, Ako pala si..."








Goodbye, To Whom I CherishWhere stories live. Discover now