CHAPTER 1

38 18 4
                                    

Chapter 1 - Arrived

---

Clarisse's POV

"So how's the model life of your kuya?"

"Nakakasama ka naman ng loob, ako yung nandito tas kuya ko kinakamusta mo" sabi ko at naupo sa bakanteng upuan.

Andito kami ngayon sa isang restaurant dahil may paguusapan kami at para makapagdinner narin.

"Baliw, kase naman fan na fan ako ng kuya mo. Kahit isang picture lang kasama siya ayos na ako. Nasaan ba siya ngayon? Saang next fashion show siya dadalo? Kailan siya uuwi sa bahay niyo?" sunod sunod na tanong ni Akisha.

"Hindi yun mapapapicture sa'yo dahil ambaho mo daw" natawa nalang ako sa sinabi ng isa ko pang kaibigan na si Gaythesca.

"Huwag kang mag-alala Isha, kapag umuwi na si kuya 'di ko sasabihin sa'yo" pagjojoke ko na ikinatawa namin ni Thesca at ikinabusangot ng mukha ni Akisha.

"Nakakabadtrip kayo, waiter!"

Nag-order na kami kaagad dahil gutom na gutom na ata 'tong si Akisha.

Habang hinihintay na dumating ang order ay napapatingin nalang ako sa dalawa kong kaibigan.

Si Akisha na nakakunot ang nuo habang nakatingin sa cellphone niya. Maybe it's her boyfriend, they always fight. I met Akisha sa isang club and napakafriendly niya at doon ko rin nalaman na schoolmate pala kami so nakipagclose ako sakanya and until now we're so solid.

Habang si Gaythesca naman na ngayon ay nagbabasa ng libro ay seatmate ko since first year highschool until we graduated in junior high. She really loves books, halos nabasa niya na nga ata ang lahat ng libro sa isang library eh. She's really a good friend and we promised that we'll not gonna leave eachother and look now, we're still together.

"Diba sabi mo Clarisse may sasabihin ka?" tanong ni Thesca pagkatiklop niya sa librong binabasa niya.

Kaya ko pala sila pinapunta dito dahil may sasabihin ako. Excited na nga akong sabihin sakanila pero parang mas excited pa ata sila dahil mas nauna pa silang dumating.

"Uhm, I think it's nice if we'll gonna study in Seoul" nanlaki naman ang mata nilang dalawa, sabay talaga dapat?

"Pwede naman dito sa Pilipinas magcollege, Risse" Thesca.

"Basta ako sasama ako, sumama ka narin Thesca ang saya kaya nun. Mamemeet at malapit lang tayo sa bts" ani ni Akisha.

"Yeah right, please?" nakatingin lang kaming dalawa kay Thesca, hinihintay ang desisyon nito.

"Okay fine, sasama na ako" napangiti naman ako sa sagot niya.

Sakto namang dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.

"So, when is the day?" tanong ni Thesca habang kumakain kami.

"Next week so that makakapagready tayo sa pasukan at makagala narin habang hindi pa nagsisimula ang klase" pageexplain ko at tumango naman siya.

"I'm so excited" masayang sabi ni Akisha.

"How about your boyfriend? Are you gonna leave him here?" nagbago naman ang ekspresyon niya sa tanong ko. Did I say someting wrong?

"Hala huy, don't cry" binigyan agad ng tissue ni Thesca si Isha.

"Hey, Is there someting wrong between the both of you?"

Hinintay na muna naming tumigil siya sa pagiyak. Fuck that jerk, ang sarap suntukin.

"We're over so I don't care na maiwan siya dito. He's just a piece of shit" ang angas ng kaibigan ko.

"That's the spirit my love"

"And he's not worth crying for, stop crying baka tumulo sipon mo sa plato mo" natawa nalang kaming tatlo sa sinabi ni Thesca at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Did you all bring the stuffs you needed?" tanong ko sa dalawa na ngayon ay napakabongga ng suot, eh sasakay lang naman kami ng eroplano.

"Yes, ofcourse" sagot ni Isha.

"Why bring lots of stuffs when we can buy there in Korea?" sagot naman ni Thesca na mas malaki pa ang dalang bagahe kesa sa amin.

"Very well said" sabi ko habang pinapalakpakan siya.

Pumasok na kami sa eroplano at umupo na sa seats. Ilang minuto ay nagsimula nang umandar ang eroplano.

"Matutulog na muna ako" Thesca.

"Ako ren" Akisha.

Hindi ko nalang sila pinansin at binuksan ko nalang ang facebook app ko. Pinost ko yung mga pictures namin sa airport at madami kaagad ang nagreact at nagcomment.

Kaen Nim commented on your post.
"See you soon, cousin!"

Nanlaki nalang ang mga mata ko.

Mom told me na may tita ako sa Korea but she didn't tell me na may anak pala si titang tagaKorea ko. Mas nakakaexcite pala 'tong pagpunta namin sa Korea dahil may magtotour na samin at 'yun ang cousin ko.

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Incheon International Airport" ginising ko na agad ang mga kaibigan ko na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin. Gosh, It's been 4 hours. "Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you."

May ilan pang sinabi ang flight attendant bago kami pinababang mga pasahero.

"Finally we're here" masayang sabi ko pagkababa.

Korea, here we are.

--

Destined 'N SeoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon