FORGOTTEN LOVE

6 1 0
                                    


-----FORGOTTEN LOVE

"If I am left with the rose in my hand let it die, it's the beauty of forgotten love."

Nag kakilala,
nag mahalan,
napagod,
nag kalimutan. 

Isang paulit-ulit at paikot-ikot na sistema,
'pag sa pag-ibig sarili mo'y ipinusta,
hindi siguradong panalo o talo,
pero ang mahalaga'y sinubukan mo. 

Niligawan, 
pinag bigyan,
nahulog,
lumubog.

Nakalimutang magtira para sa sarili,
saa lahat ng lalaki'y bakit siya pa ang napili?
Natuto kang lumangoy sa sarili mong emosyon,
Pinigilan ang bugsong madalang muli sa kanyang atraksyon. 

Huwag mong patuloy na hanapin,
pag-ibig na hindi kayang patagalin, 
pag-ibig na 'di ka kayang angkinin,
pag-ibig na kaya kang ibitin.

Hayaan mong muli kang mamulaklak,
puso mo'y muling maging busilak,
hindi para sa sino mang hamak, 
kundi para sa sarili mong galak. 

Masakit mang mapag-iwanan,
ngunit sa mga aral mong natutunan,
huwag ng ulitin ang katangahan,
muli mong buhayin ang sarili mong kahalagahan. 

Facebook: Kaàntha Astraios
Watty:@Reprobate19

F A N _ P O E T R Y
Dedicated to/Inspired by,
"Forgotten Love// AURORA Aksnes"
Photonotmine.

AURORA AKSNES SONGS (Poetry Dedication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon