Chapter 3: Old friend

208 8 0
                                    

Pumasok ako sa shaolin high. As usual maaga ako kahit na de-dorm ang school na ito. Gusto ko sa bahay parin ako na natuloy or maybe baka soon maisipan kong mag-stay sa shaolin high.

"Cameron, bakit hindi mo kasama si Alexander?" pagtatanong sa akin ni Daniel Lim.

Isa din siya sa mga kaibigan namin ni Alexander kasali din siya sa organization.

"Kasi may gagawin—"

"For sure hindi na naman, umuwi ang lalaki na iyon." sabay naming nilingon ang lalaking nagsalita.

>_<

Wala iba kundi ang pinsan ko na si Matthew Lee na naka-upo narin sa harap namin ngayon ni Daniel.

Napaiwas ako ng tingin, Yan ang pinsan ko na kahit noon at ngayon pa man tutol na sa relasyon namin ni Alexander.

"Tama ako diba? hindi siya umuwi?" nang-aasar na sabi nito, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Tsk, namumula 'yang mata mo, pinaiyak kaniya kagabi no?" suspetsya ng pinsan ko.

"Oh Cameron, bakit may sugat 'yang kamay mo?" tanong naman ni Daniel.

Naiilang ko silang tinignan.

"Sinaktan ka ba—"

"Hindi," madiing sabi ko. Ayokong pag-isipan nila ng masama si Alexander at isa pa ako naman may dahil bakit ako may sugat.

"Tsk humanda sa'kin yang asawa mo, hindi porket kaibigan kami ay pwede ka na niyang saktan." nagagalit na sabi ni Matthew. Pilit ko siyang pinakalma.

"Magsabi ka lang sa amin Cameron ha, kung may ginagawang masama sayo si Alexander—"

"Don't worry I can handle him." paniniguro ko sa kanila. Bago pa sila magtanong ng kung ano-ano, nagsalita na ako.

"Mauna na ako, may pinapadala sa akin si Sir Sandiego." pagpapalusot ko.

Mabilis akong umalis sa harap nila at naglakad palayo.

I sighed.

Sa wakas malayo na ako sa dalawang 'yon.

"Miss pwedeng magtanong?"

0_0

Agad kong nilingon ang nagsabi non at parehas pa kaming nanlaki ang mata ng makilala namin ang isa't-isa.

"Cameron?"

"James!"

We both laughed.

James hilson, my best friend, apat kasi kami ako, si Kuya, Alexander and him.

"Teka how? diba nasa states ka?" naguguluhang tanong ko kasi hindi ako makapaniwala na makita siya. Sobrang tangkad niya na eh dati ako ang matangkad sa kaniya, ang laki din ng pangangatawan niys eh dati ang payat-payat niya.

"I decided to visit here. Babalik naman ako sa states."

"Pero kahit na dapat nagsabi ka man lang!" giit ko.

"I'm sorry Cameron pero hindi ba sinabi sayo ni Alexander na babalik ako ng pinas?"

0_0

Si Alexander.

"Hindi eh..."

"Lagi ko siyang kausap, he always tell me din na lagi kang busy."

0_0

Ako laging busy? arghh Alexander...anong karapatan niya na pagbawalan akong kausapin ang kaibigan namin.

He's so selfish and arrogant.

"Maybe gusto ka niyang surpresahin."

"Siguro nga," pagsakay ko sa sinabi niya.

Pero hindi ko parin maiwasan mainis.

"Shaolin high still good, naalala ko dati napasyal tayo dito mga bata pa tayo noon. Maraming pinagbago dito." kita ko ang paglibot ng tingin sa paligid.

Yes, still good.

Mamaya lang nasa akin na ang tingin niya.

"Want to be my tour guide?" biro na tanong niya na kinatawa ko. Tour guide daw tsk.

"Magkano bayad?"

Umakto siyang nag-iisip ngayon. "Well sagot ko na breakfast, lunch and dinner mo."

0_0

Wow.

"Okay I will be your tour guide!" masayang sabi ko.

Buong maghapon kong nilibot si James sa Shaolin high, pinakilala ko din siya kali Daniel at syempre kilala siya ng pinsan ko. Kumain kami sa canteen, pinakita lahat ng clubs at pati sa office dinala ko siya at doon ko sa kaniya pinakilala si Leeron.

Sobrang saya ng araw na iyon. Dinala ko siya sa bahay ko total malaki ito at alangan naman gumastos pa siya ng hotel.

"Nandito si Alexander?" tanong niya nandito kami sa sala ngayon. Kakababa ko lang ng juice na tinimpla ko.

"H—Hindi ko alam." naiilang na sagot ko.

"Okay, salamat sa pagpapatuloy sa'kin dito ha."

"Ano ka ba, wala yon!"

"Are you guys okay? I mean iba kasi nababalita ko."

Kinabahan ako sa tanong niya. Pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Y—Yes were okay." I said in calm tone.

Pinatuloy siya sa guest room. Nag-iwan din ako ng message kay Alexander tungkol sa pagpapatuloy ko kay James dito sa bahay pero ni-text wala akong nareceive sa kaniya.

Umaga na nang magising ako, nagmamadali akong magbihis baka malate ako sa klase ko.

Bumaba ako ng hagdan at dumeretso sa sala at nakita ko don si James.

Were both shocked. I mean nagulat ako nang makitang gulat na gulat siya sa pagkakita sa akin.

"James?"

Bumaba ang tingin ko sa hawak niya.

0_0

The annulment paper.

Mabilis kong hinablot 'yon sa kamay niya.

Alam niya na...

"You and Alexander are not okay."

-----------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----------------------------------------------------------

To be continued. ❤

I AM CASANOVA'S WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon