Alexander's POVLumabas ako ng kwarto, ma's gugustuhin ko pa matulog na lang sa labas, kahit saan kaysa na makasama siya.
Pumunta ako sa sala at natulog doon. I close my eyes to sleep.
•
•
•
•
•
•
•"Cameron!" tawag ko sa kaniya. Masaya siyang lumapit sa'kin. Ayokong nakikihalo-bilo sa ibang lalaki.
"Bakit Alexander?"
"Wala lang, gusto lang kitang tawagin." pagbibiro ko sa kaniya.
"Eh? ganon? naglalaro kami doon nila brent at si James." exited na sabi niya at hindi ko nagustuhan 'yon.
"Just play with me." imik ko at para mapa-Oo siya nagpacute ako kahit na labag sa loob ko.
"Ang cute cute mo naman Alexander." papuri niya sa'kin. "Sige na nga dito na lang ako sa tabi mo, ano bang lalaruin na'tin?"
>_<
Laro....
"Paunahan na lang sa pagtakbo."
"Sali ako!"
>_<
pangingisali ni Matthew kasunod nito si Clintthon ang panganay na kapatid ni Cameron.
"Tagu-taguan na lang tayo?" ako ang taya.
"Eh ma's gusto ko taya-tayaan."
Tsk. Ang balak ko kami lang ni Cameron maglalaro pero halos lahat ata ng kaklase namin kasali na.
>_<
"Okay taya-tayaan na lang," imik ni Clintthon hindi nalalayo edad namin sa isa't-isa. "Magbibilang ako ng sampo ihanda niyo ang sarili niyo."
The countdown start halos lahat aligaga kung saan susuot o magtatago.
Hindi ko akalain na 'yon na ang huling bilang ng buhay niya.
"Three, two, one!" sigaw niya.
Hindi ako umalis sa pwesto dahil binalak ko talaga magpahabol sa kaniya, hinabol niya ako na tila kaming dalawa lang ang naglalaro.
Naisipan kong lumabas ng school para pahirapan siya sa paghabol sa'kin pero dahil bata pa ako non at walang kamuwang-paligid, hindi ko alam na nasa kalsada na pala ako.
"Tigil! Alexander!" saway niya sa'kin pero patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko nakita ang paparating na four wheeler truck sa harap ko.
Isang maliwanag na ilaw ang nagpasilaw sa mata ko, rinig na rinig ko ang sigawan at ilang mga hiyawan sa paligid.
"Alexander!"
"Clintthon!"
Someone push me aside na kinabagsak ko sa tabi ng kalsada. Nakita ko lahat, Kung paano ako niligtas ni Clintthon kung paano tumalsik ang katawan at nagpagulong-gulong sa daan dahil sa truck na dumaan.
"Kuya! Kuya! Gising Kuya!" umiiyak na wika ni Cameron.
Nakaramdam ako ng takot nang makitang duguan siya at walang malay. Isa pang nagbigay pangamba sa'kin ang malakas na hagulgol ni Cameron dahil sa sinapit ng kapatid niya.
•
•
•
•
•
•
•Napabangon ako bigla at doon ko napagtanto na umaga dahil sa sinag ng araw.
BINABASA MO ANG
I AM CASANOVA'S WIFE (COMPLETED)
Novela JuvenilGaya nang lahat, Ang gusto lang ni Cameron Lee ay maging masaya at makasama ang taong mahal niya. Nagawa niya ito ngunit sa kabila ng lahat ang inaakala niyang fairytale na love story kung saan sa huli ay may happy ending ay magsisimula nang bangung...