Chapter 2

67 1 0
                                    

It was already Friday — wash day ng school and, also, the day I meet Nat's friend na UAAP player. Nakaka-curious tuloy!


I wore a black oversized shirt na tinali ko hanggang sa waist so naging cropped top na siya. I partnered this with my favorite khaki cargo pants. I was never the type to wear dresses and skirts kaya konti lang 'yung mga ganon ko. Kumuha nalang ako ng sneakers and went out of the house.


I plugged in my earphones and listened to music while I walked on the way to school. Eto na naman tayo, another day of fun. Geez.


"Gagi, ang hirap ng physics! Pwede bang mag back out nalang ako? Gusto ko na mag-HUMSS," reklamo ko habang palabas ng classroom.


Tinawanan lang ako ni Mich. "Walang susuko! Ginusto mo 'to, e."


"Manahimik ka diyan, porke't ang dali-dali lang niyan para sayo!" I replied.


"Alam mo, mag-proben nalang tayo. Away pa kayo diyan, e. Tara na!" Sabi naman ni Nat habang hinihila kami.


As we made our way to Raymundo (kung saan masarap talaga 'yung proben at suka), Nat reminded us of the inuman sesh we'll be having later.


"Sinong kasama? Sila Jan ba, ininform mo na?" Tanong ni Mich kay Nat.


"Kilala mo naman 'yung mga 'yon. Parang mga kabute — susulpot nalang bigla. Basta we're going, alright? And, of course, 'yung friend ko. Gosh, excited na ako!" Sabi ni Nat. Matagal na talaga siguro silang hindi nagkikita.


Dumating na kami sa probenan at nagorder ako. Nakita ko 'yung barkada nila Jan at parang inaasar nila si Cole, 'yung may gusto raw sakin. Hindi ko naman sure, chinismis lang naman sakin 'yon.


"Hi, Margi!" Sabi ni Jan habang nakangiti. Binati ko naman siya habang nakangiti at tumalikod na.


"Pre, walang ganyanan! May nagseselos, oh," sabi naman ni Vito. Talaga ba namang mga lalaking 'to. Last year na nga as a senior high student pero parang mga seventh graders pa rin.


"May gusto nga kasi si Cole sayo. Ba't ba ayaw mong maniwala?" Ani Mich habang kumakain pa rin ng proben. "I'm just not interested." I shrugged. Totoo naman, e. "Sus, not interested pero kapag si Jordi willing ka na agad. Don't me, sis." Umirap si Nat.


Grabe 'yung attack, ah.


Bumalik na kami sa building namin at naghintay para sa susunod na subject. I felt sleepy all of a sudden. "Gisingin niyo nalang ako 'pag dumating na 'yung prof, ha? Thanks!" Bilin ko kina Mich at Nat.


They woke me up thirty minutes later. Hindi raw dadating 'yung prof namin so awas na kami. Kinuha ko 'yung phone ko at tinignan 'yung orasan. 3:25 palang? Tagal naman bago mag 8:00. I decided to head home at natulog nalang ulit.


I woke up around 6:30 and took a bath. Nagsuot ako ng white na cropped tank top at Adidas na lilac track pants. I partnered this with a pair of chunky shoes and a bucket hat. Kumuha rin ako ng belt bag para sa phone, wallet, alcohol, mints, at lipstick ko.


Chinat ko muna 'yung friends ko sa Messenger bago umalis. Baka mauna pa ako sa kanila, and I didn't really enjoy waiting.


MGA BIBIQUOH
active now

hoy
nasan na keiu

Michiko Elisse Borromeo
andito na mars
punta na u

Natalia Gwyneveere Suarez
Libre mo kami isang pitcher
Late ka e 😋

ah ganon
ge di na pala ako pupunta

FANGIRL (Jordi Gomez de Liaño)Where stories live. Discover now