Chapter 1

1K 47 10
                                    

S H A Y N E A K I S S A

"Hoy! Buksan mo ang pinto!"the man outside growled which made me almost flinch. Napakagat agad ako ng labi ko bago ko hinawi ang kurtina na nakaharang sa bintana. I rolled my eyes as soon as I saw who it was.

It was the leader of the loan sharks where my parents borrowed tons of money. I already paid the whole amount but they kept insisting that I only paid half of it. Ilang beses ko na silang binayaran pero pataas ng pataas ang interest kaya't mas lalo akong nahihirapan maghanap ng pera. My parents already died and the only thing they left me was this debt. Binenta ko ang bahay namin at halos araw-araw ay iba't ibang klaseng trabaho ang pinapasukan ko para lang makaipon ng pera.

I'm still studying and I don't want to stop just because of this shit. Gusto kong makapagtapos at maabot ang pangarap ko. I'm only 18 years old but here I am, already struggling to live and plus tha fact that these loan sharks kept pestering my life.

Agad kong sinara ang kurtina bago napabuntong hininga. I want to run away and hide but there's no point in doing it anyway. Mahahanap at mahahanap parin nila ako. Naglakad ako patungo sa pintuan pero bago ko pa man mabuksan ito ay bigla nalang bumagsak ang pintuan sa sahig dahilan para mapasigaw ako sa gulat.

"T-Takte? Nababaliw ka na ba?! Ba't mo sinira ang pintuan ko ha?!"inis kong sigaw bago ako napakamot sa ulo ko. For pete's sake! Naghihingalo na nga ang bahay ko tapos sisirain pa nila ang pintuan ko? Aba't di na makatarungan 'to!

"Wala akong pakialam sa pintuan mo, Miss. Bayaran mo na utang mo"wika nito na parang naiinip pa. Imbis na sagutin ko ito ay nanlulumo kong tinayo ang pintuan ko.

"Hoy! Bayaran mo na sabi eh!"nangangaliting sigaw nito dahilan para mapaatras ako ng konti.

Marahan kong ginulo ang buhok ko bago siya hinarap. "Pusangina! Wala pa akong pera! Kakabayad ko palang kahapon ah! Baka nakakalimutan mo, kinuha mo lahat ng pera ko sa wallet ko kaya't wala akong maibibigay sa'yo ngayon!"naiinis kong paliwanag.

Bahagya ko siyang tinulak bago ko ito tinaasan ng kilay.

"Umalis ka na ngayon din kung ayaw mong ihampas ko 'tong pintuan sa pagmumukha mo,"seryoso kong sambit na naging dahilan ng pag rehistro ng galit sa mukha nito.

Inirapan ko lang ito bago ko binuhat ang sira kong pintuan papasok pero bago pa man ako makalakad ay hinila nito ang buhok ko.

"Pusangina mo! Bitawan mo ako!"impit akong napatili ng mas higitin pa nito ang buhok ko. Pakiramdam ko ay hihiwalay nang wala sa oras ang buhok ko mula sa anit ko. Agad kong nabitawan ang pintuan ng dahil sa ginawa nito. Marahas ang pagkakahila nito sa buhok ko kaya't agad akong natumba sa sahig.

"Pokyo kang unggoy ka! Pokyo!"I raised my middle finger up in front of his face but I immediately regretted it as soon as I saw how his nostrils flare in anger. Darnit. I'm screwed.

Agad kong kinurot ang kamay nito na nakahawak sa ulo ko dahilan para mapabitaw ito sa buhok ko kaya't ginamit ko ang oras na 'yun para kumaripas ng takbo.

"Lagot ka sa'king babae ka! Bumalik ka dito!"narinig kong bulyaw nito sa likuran ko. Mas lalo kong binilasan ang takbo ko.

"Ba't naman ako babalik diyan? Ano ako, bobo? Wag mo'kong itulad sa'yo gago!"sigaw ko pabalik. Galit itong sumigaw kaya't agad kong iginala ang tingin ko sa paligid. Walang katao-tao ngayon sa labas ng kalsada lalo na't malalim na ang gabi. Putakte naman. Ang galing naman ng timing eh 'no?

"Lagot ka sa'king p*tangina ka!"

Damn it. Sa galit nito ay tiyak na mapapatay ako nito ng wala sa oras.

Tasting The Devil's Love (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon