[ KENJIRO ]"Kuya, sa tingin mo po ba mumultuhin ako ni ate Yesha?" Natatakot na tanong ng batang lalaki na si Aaron.
Agad akong umiling habang nakangiti sa kanya, "Mabait si ate Yesha mo at isa pa, hindi mo naman kasalanan ang pagkamatay nya." Nakanguso pa rin si Aaron kahit 'yun ang sinabi ko.
Naging close na kami ni Aaron ngayon matapos ang dalawang buwan, simula nung araw na nabangga ng kotse si Yesha ay pakiramdam ni Aaron mumultuhin sya nito dahil hindi nya daw hinahawakan ng mahigpit ang tali ng aso nya na si Coco.
Pero para sa akin, walang may kasalanan sa nangyari. Hindi kasalanan ng bata, pati ng aso at maging ang driver ng nakabangggang kotse. Iyon lang talaga ang masaklap na katapusan ng buhay ni Yesha, masakit man pero kailangang tanggapin dahil 'yun naman talaga ang buhay. Hindi natin alam kung kailan at saan matatapos ang buhay natin, kung talagang katapusan na natin ay wala na tayong magagawa pa.
Ang alam ko lang ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko para kay Yesha. Wala man sya sa tabi ko pero mananatili ang nararamdaman ko sa kanya.
1 year later...
Mabagal akong naglakad papunta sa puntod ni Yesha, buhat-buhat ko din ang teddy bear na niregalo ko sa kanya at pinangalanan nyang Lili. Naupo ako sa damo na malinis naman at pinagmasdan ang pangalan ni Yesha.
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na wala na sya. Wala ba ang best friend ko. Wala na ang babaeng gusto ko.
"Happy birthday to you..." Hindi ko na mapigilan ang luha ko habang kinakanta ito dahil ngayon na ang kaarawan ni Yesha. Nauna na ako dito sa sementeryo at mamaya na dadating ang iba pang kakilala ni Yesha, ganoon din ang pamilya nya.
Eighteen na sya ngayon, ito sana ang araw na hinihintay ko para malaman ko ang sagot nya sa matagal kong panliligaw at paghihintay sa kanya. Hindi ko lang inaasahan na wala akong matatanggap na sagot ngayon.
Nakilala ko si Yesha nang mamatay ang aso ko, sya ang pumalit para pasayahin ako ulit. Sya ang dumating nang sobrang lungkot ko, nasa tabi ko sya nang magkaroon ng bagong pamilya ang papa ko. Sya palagi ang kasama ko pero ngayon, iniwan nya na ako.
Kahit ganoon, sobrang saya ko na nakilala ko sya. Hindi ako nagsisi na minahal ko sya at patuloy pa rin syang minamahal ngayon. Nung mga panahon na malungkot ako, binigyan nya ako ng pag-asa at pinagaan ang nararamdaman ko.
The one person who healed my pain... is now a pain that needs healing.
"Miss na kita, Yesha. Miss na miss na kita," patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko at hindi ko na 'yun pinigilan pa.
Naniniwala ako na lahat ng tao ay nawawala dito sa mundo pero ang memorya nila ay naiiwan sa taong nakasama nila ng matagal. Naniniwala ako na kahit matagal ang pinagsamahan ng dalawang tao, mangungulila ka pa rin kung bigla nalang nawala ang isa sa tabi mo.
Nakakagulat na wala na sya sa tabi ko. Wala na akong makakasamang uminom ng alak na ninakaw ko pa sa Papa ko. Wala na akong masasaway sa tuwing iinom ng coke tuwing umaga. Wala na akong masusuyo. Wala na si Yesha.
Nilabas ko lahat ng luha ko, naalala ko pa rin kasi hanggang ngayon kung paano isugod sa ospital si Yesha, kung paano sinabi ng doktor na wala na silang magagawa pa dahil bumitaw at sumuko na ang katawan nya. Naalala ko pa kung gaano kasakit para sa akin ang makita sa mismong mata ko na mawalan sya ng hininga. Naaalala ko pa kung paano sya pumatak ang luha nya bago nya maipikit ang mga mata nya.
Yumuko ako at pinunasan ang luha na nasa pisngi ko na, "Kailangan pa kita e, bakit iniwan mo ako agad?" Sabi ko saka umiyak pa lalo.
Walang tao sa paligid kaya naman hinahayaan ko nalang ang sarili ko na umiyak at ilabas lahat ng lungkot na nararamdaman ko hanggang ngayon dahil sa pagkawala ni Yesha.
Biglang umihip ang malakas na hangin, napapikit ako at napatigil sa pagiyak. Para bang nararamdaman ko ang kamay ni Yesha na pinupunasan ang luha ko.
Gusto kong magreklamo. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko dahil sa pagkawala ni Yesha.
"Bakit si Yesha pa? Bakit sa lahat ng tao si Yesha pa?! Bakit?" Nagsimula na naman akong umiyak matapos kong sabihin 'yun sa langit. Alam ko na mali ang ginagawa ko pero ngayon, wala akong gustong gawin kundi ilabas lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong mawala ang bigat ng nararamdaman ko.
Gusto ko pang makita na masaya si Yesha e, gusto kong masilayan ko pa ang totoo nyang ngiti. Gusto kong mapasaya ko pa sya at makasama. Gusto ko 'yun, pero mukhang lahat ng plano at hiniling ko ay wala na ngayon.
Paano ko matutupad at magagawa lahat ng 'yun kung 'yung taong mahal ko ay wala sa tabi ko? Paano?
Noong una, gusto ko na dapat tapusin ang buhay ko. Gusto ko nang sumuko at magpakamatay nalang. Pero nung mga panahon na plinano ko 'yun, si Yesha ang nagsilbing gamot ko. Gamot para maayos at malinis ang isipan ko, ganoon din sa puso ko. Sya ang nagpakita na hindi dapat sumusuko sa pagsubok sa buhay, dapat nilalabanan 'yun.
Pero aminin na natin... We're all suicidal kids telling each other suicide isn't the answer.
Hindi ko tinuloy ang pagkakamatay ko nun kasi alam ko naman na may mga masasaktan pa rin, lalo na si Yesha, hindi ko dapat sya iwanan. Hindi ko tinuloy kasi alam ko naman na mas magiging malungkot ang buhay ni Yesha, ako nalang kasi ang nakakapitan nya. Nakakapit kami sa isa't isa.
And I believe suicide doesn't take away the pain, it passes to someone else.
Kinuha ko ang teddy bear na pinangalanan ni Yesha na Lili. Inilagay ko 'yun sa gilid ng puntod nya, isang taon na nang iregalo ko sa kanya ang teddy bear na 'yun. Napangiti ako nang maalala ang gabi na 'yun, ang saya ko kasi kahit paano may nagawa akong mabuti kay Yesha at pinaramdam ko kahit papaano na espesyal sya at mahal ko sya.
Pinindot ko ang teddy bear pero hindi ito nagsalita kaya naman nainis ako at kinuha ko ulit 'yun para ayusin ang battery nito.
Nang mapaiyak na naman ako sa nakita, nanginig ang kamay ko dahil 'yun ang hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko ay planado ang lahat pero hindi e, balak bang ibigay sa akin ni Yesha si Lili para ma-basted ako? Ganoon na nga siguro ang plano nya, mukhang sumakto ito sa pagkamatay nya.
Nakatingin lang ako sa papel na nakasuksok sa lagayan ng battery ng teddy bear, nakatupi ito kanina at may nakasulat na nanggagaling kay Yesha.
YES, KENJIRO. IN ANOTHER LIFE, I WOULD BE YOUR GIRL.
Nakita ko nalang na natuluan na ng luha ang papel na hawak ko habang nakangiti ako. Maghihintay ako, Yesha. Hihintayin pa rin kita kahit gaano pa katagal.
I'll just accept that you're not mine in this life, maybe next life. Maybe.
fin.
--
happy Jungkook day!
+ stream ICE CREAM <3