Chapter 2

35 4 10
                                    


[ KENJIRO ]

Hindi ako makatulog dahil maya't maya ang pagbagsak ko mula sa hinihigaan kong sofa dito sa salas. Sa kwarto ko kasi natutulog si Yesha kasi alangan naman na sya ang pahigain ko dito sa sofa, ang tanga ko naman kung ganoon.

Mayamaya, narinig ko na naman ang pagiyak nya. Natigilan ako, hindi ko na kasi mabilang kung ilang beses syang umiiyak tuwing hating gabi para sigurado syang hindi ko maririnig dahil tulog na ako.

Gusto ko syang puntahan at patahanin pero alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi nya aaminin na umiyak sya. Ayaw nya na nakikita ko syang umiyak dahil sa palagay nya, mahina sya at pabigat lang sya sa akin.

Pero sana balang araw, makita ko si Yesha na sobrang saya at walang iniisip na problema. Sana.

Kinabukasan, nadatnan ko si Yesha na nagpunta sa cr. Pagkalabas nya naman ay ngumiti lang sya sa akin na parang walang nangyari, na parang hindi man lang sya umiyak. Nakita ko pa ang mata nito na namumula saka sya umiwas ng tingin.

"Anong almusal?" Tanong ni Yesha saka tiningnan ang niluluto kong sunny side up. Nagluto din ako ng hotdog at ng sinangag, konti pa nga ito para naman mabusog si Yesha.

Sabi kasi nila nakakagaan din daw sa pakiramdam kapag kumakain lalo na kung masarap ang pagkain. Galing pa naman sa pagiyak si Yesha kaya dapat marami ang kainin nya dahil alam kong napagod sya.

Ngumiti si Yesha nang makita ang mga pagkain na nakahain na sa lamesa. Ngiti na hindi ko alam kung peke ba o tunay.

Madalas syang ngumingiti kahit na nasasaktan at nahihirapan sya. At dahil nasanay na ako sa mga pekeng ngiti na 'yun, hindi ko na alam kung alin doon ang totoo. Hindi ko na alam kung kailan ko nakita ang tunay na ngiti ni Yesha.

Agad na nanlaki ang mata ko sa nakita at lumapit kay Yesha para pigilan na inumin nito ang Coke na kinuha nya sa ref.

"Yesha, ang aga-aga, coke agad?" Hindi ko mapigilang sabihin 'yun sa kanya. Iinumin nya na sana 'yun pero mabuti nalang at napigilan ko pa sya at kinuha agad ang coke mula sa kanya.

Nakita ko ang pagnguso nya, "Paanong hindi ko iinumin, eh, nilagay mo sa ref." Pa-cute nyang sabi.

Alam ko na 'to. Nagpapa-cute sya para hayaan ko sya at ibigay sa kanya kung ano ang gusto nya. Oo na! May gusto ako sa kanya pero mali pa rin ang ginagawa nya. Napaka-walang kwenta ko naman kung hahayaan ko syang ubusin ang coke lalo na't alas syete palang ng umaga.

Ibinalik ko ang coke sa ref at agad na isinara 'to, hindi naman umimik si Yesha at nakita lang itong nakanguso pa ring nakatingin sa akin.

Aaminin ko, ang cute nya, sobra pero hindi ako marupok.

"Kumain nalang tayo," sabi ko sya hinila sya sa braso. Pinaupo ko sya pero wala pa rin akong naririnig mula sa kanya, hanggang ngayon tahimik pa rin sya.

Nilagyan ko ng kanin ang plato nya, pinuno ko din 'yun ng ulam pero seryoso pa rin syang nakatingin sa akin at parang nagtatampo kaya napatigil ako.

Tangina naman, Yesha. Hwag kang ganyan, baka bilhan pa kita ng isang box ng coke kapag pinagpatuloy mo pa 'yan.

Pinilit ko ang sarili na hwag maging marupok, "Kain na." Pagaaya ko sa kanya pero wala pa rin syang kibo at nakatingin pa rin sa akin ng seryoso. Siguro kung may laser sa mata nya, kanina pa ako namatay at naging abo dito.

"Ayaw mong kumain?" Tanong ko pa kay Yesha.

Agad naman syang umiling at halatang nagpapa-cute pa rin, gusto ko sanang sabihin na hindi bagay sa kanya 'yun kaso ang sinungaling ko naman kung ganoon ang sasabihin ko.

Ngumisi ako sa kanya kaya nakita ko ang ekspresyon nya na mukhang nagtataka. Kinuha ko ang kutsara at tinidor nya saka nilagyan 'yun ng kanin at ulam na nasa plato nya.

"Ahh." Nakangiting sabi ko habang sya naman ay natigilan.

Siguro dahil sa kagwapuhan ko kaya hindi nya nagawang makagalaw. Napansin ko din ang pawis na nasa pisngi nya kaya pinunasan ko 'yun gamit ang kaliwang kamay ko, nakita ko naman na mas nanlaki ang mas nya dahil doon.

Ginaya ko din ang pagnguso na ginawa nya kanina, "Yesha, nangangawit na ako. Hmp." Pa-cute na sabi ko kaya nakita ko ang mahinang magtawa nya.

Nakahawak pa rin ako sa kutsara para isubo sa kanya, nangangawit na talaga ako sa totoo lang.

Nakita ko ang paglunok nya saka nya ibinuka ang bibig nya. "Good girl." Pang-aasar ko pa sa kanya.

Sinamaan nya naman ako ng tingin at inagaw ang kutsara nya na hawak ko kanina. Nakita ko pa ang pagiwas nya ng tingin sa akin. Nahihiya ba sya?

Sinimulan ko na ring kumain hanggang sa mapatingin ako kay Yesha at napansin na namumula ang pisngi nya kaya napatigil ako sa pagkain. Dahil ba sa paginom nya ng alak kagabi? O iba ang dahilan?

Napatigil sya nang hawakan ko ang noo nya para tingnan kung may sakit ba sya.

"B-bakit?" Umiiwas pa rin sya ng tingin nang sabihin nya 'yun kaya mas lalong nagtataka ako. Naiilang ba sya?

Napangiti ako nang magtama ang tingin naming dalawa ni Yesha, "Namumula kasi 'yung pisngi mo." Sagot ko pero hindi ko maintindihan dahil mas lalo pang namula ang pisngi ni Yesha.

Agad na tinanggal nya ang kamay ko at sumubo ulit ng kanin, mukha syang natataranta na hindi ko maintindihan.

"A-ayos lang a-ako, kumain ka n-na." Nauutal na sabi nya kaya kinunot ko lang ang noo ko at kumain na rin tulad ng sabi nya.

Normal lang ba mamula ang pisngi, mailang at mataranta kapag hinawakan ang noo ng isang tao? Mukhang hindi naman.

Habang kumakain, narinig namin na tumunog ang cellphone ko kaya napatayo ako. Ngumiti ako kay Yesha at sinabing titingnan ko muna 'yung cellphone ko bago bumalik sa pagkain, tumango naman sya at nagpatuloy sa pagubos ng pagkain nya.

Naglakad ako papunta sa sala kung nasaan ang cellphone ko, binuksan ko 'yun at natigilan nang makita ang text galing sa isang tao.

"Sino 'yan?" Nagtatakang tanong ni Yesha habang puno ang bibig ng pagkain.

Napansin nya yata na nakatitig lang ako sa cellphone ko. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot, "Ah, wala. Wrong send." Tumango naman si Yesha at itinuon nalang ang pansin sa pagkain.

Nang makatalikod sya ay napahinga ako ng malalim. Tiningnan ko ulit ang text at agad na dinelete ito.

In Another LifeWhere stories live. Discover now