Chapter 1

101 4 21
                                    


[ KENJIRO ]

"Oh! Tagay pa!" Lasing na sabi ni Yesha kaya napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang baso nya na may laman na alak.

"Yesha, baka nakakalimutan mo na seventeen years old ka palang." Nanlaki naman ang mata nya nang marinig 'yun na parang hindi sya makapaniwala na seventeen palang sya.

Natahimik muna sya bago nagsalita ulit, "Totoo? Seventeen palang ako ngayon?" Natawa ako sa tinanong nya, mukha kasi syang seryoso talaga. Sarili nyang edad, hindi nya alam.

"Alam mo na birthday mo ngayon pero hindi mo alam kung ilang taon ka na?" Ininom ko ang alak na dapat iinumin nya kanina.

Napahiga sya sa hita ko. Nandito kami ngayon sa rooftop ng building na malapit lang sa bahay namin, inabandona na ito kaya dito kami madalas tumatambay lalo na kapag naglalayas kami sa mga bahay namin at gustong magsabi ng problema sa isa't isa. Ngayon naman ay kaarawan nya, alam naming parehas na uuwi ang mga magulang nya sa bahay nya kaya agad nya akong tinawagan para taguan sila dahil alam naman namin na hindi maganda ang mangyayari sa tuwing nagkikita silang pamilya.

Nakatingin si Yesha sa langit na puno ng mga bituin, mukhang malalim na naman ang nasa isip nya. "Bakit ko pa kailangang tandaan ang kaarawan at edad ko? Eh, ordinaryong araw lang naman para sa akin 'yun."

Tumingala din ako para makita ang langit, bigla nalang akong nagtanong. "Yesha, will you be my girl?" Bumalik ulit ang tingin ko sa kanya, natahimik naman sya at seryoso ding nakatingin sa akin.

Mayamaya, naupo sya ulit at tinignan ako sa mata. "Di ba sabi ko sasagutin ko 'yang tanong mo kapag eighteen years old na ako, sabi mo kanina seventeen palang ako e." Napakamot naman ako sa batok ko.

Sana pala sinabi ko na eighteen na sya ngayong araw.

"Sa eighteenth birthday mo, ako ang huling sayaw mo ah?" Pagbibiro ko sa kanya pero inirapan nya lang ako.

Nilagyan nya ng alak ang baso nya at ininom 'yun ng daretso saka nagsalita, "Sus, kahit ikaw pa ang una hanggang huli kong sayaw. Wala naman akong ibang lalaki na kilala kundi ikaw lang." Tumawa ito pagkatapos sabihin 'yun habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

Sa totoo nyan, may tatay pa naman si Yesha pero tulad ng ibang pamilya ay hindi sila perpekto. Palaging wala sa bahay ang mga magulang nito kaya naiiwan sya, kapag bumalik naman ito ay palagi lang naririnig ni Yesha ang pagaaway ng magulang nya dahil sa pagloloko ng isa't isa. Halata naman kasi na gusto na nilang maghiwalay pero pinagtitiisan nila ang relasyon para kay Yesha-- bagay na kinaiinisan nya mismo.

"Yun na nga e! Ako lang ang kilala mong lalaki pero hanggang ngayon parang hindi ka sigurado kung tatanggapin mo ang love ko." Pagbibiro ko para magiba ang topic, baka kasi umiyak pa si Yesha.

Nilagyan ni Yesha ng alak ang baso ko bago sumagot, "Confident ka talaga na ikaw ang makakatuluyan ko, 'no? Duh. Hindi natin alam kung may lalaking eepal sa buhay ko bago ako mag-eighteen." Maarteng sabi nito.

Napahawak ako sa dibdib ko at umaktong nasaktan dahil sa sinabi nya, natawa naman sya dahil doon.

Alam ni Yesha na may gusto ako sa kanya, dati pa. Pero tulad ng maraming babae, gusto muna nya na makatungtong sa legal age bago sumugal sa tinatawag na pag-ibig. Balak nya pa ngang bigyan ako ng sagot sa mismong araw ng debut nya para daw sosyal. At nirerespeto ko 'yun, nirerespeto ko si Yesha at ang mga desisyon nya.

Ang sakit lang isipin na kahit ang gwapo ko, natitiis pa rin ni Yesha na hwag pa akong sagutin. Aray.

Bago nya pa inumin ang bagong lagay na alak sa baso nya ay kinuha ko na 'yun at ininom. Sinamaan nya naman ako ng tingin, "Wow! Pinipigilan mo akong uminom, ikaw nga 'tong nagnakaw ng alak ng papa mo."

"Ba't parang kasalanan ko pa?" Natawa naman sya sa reaksyon ko.

Nasa malayo naman kasi si Papa, nagta-trabaho at tulad ni Yesha, hindi din kami nasa maayos na sitwasyon kaya hindi magawang umuwi dito ni Papa. Dahil birthday naman ni Yesha ngayon ay kinuha ko na ang alak sa bahay namin, matagal ko nang gustong kunin at inumin 'yun pero pinipigilan ko ang sarili ko at ngayon ay may dahilan na ako para inumin 'yun. Kawawa din naman kasi si Yesha, wala syang handa at kahit pilitin ko syang magluto kami ng pagkain o bumili ay magagalit lang sya dahil gastos lang daw.

"Saglit lang." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Yesha at tumayo na ko para kunin ang regalo nya. 

Binigay ko sa kanya ang teddy bear na binili ko nung isang araw, may kalakihan ito at kulay yellow na paboritong kulay ni Yesha. Naisip kong regaluhan sya ng ganitong bagay dahil alam ko na madalas sya kung umiyak sa gabi, bago sya matulog ay hindi nya mapigilang magisip muna ng mga bagay na nagpapaiyak lalo sa kanya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi nya ako kaya naisipan ko ang regaluhan sya ng teddy bear para mayakap nya.

Nang makita nya 'yun ay nagulat sya, nainis pa sya sa akin dahil gumastos pa daw ako para bumili ng ganito pero alam ko na-appreciate nya naman ito kahit paano.

"Ito na 'yun?" Pagtataray nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Binuhat nya 'yun habang nakangiti.

Sinabi ko kay Yesha na pindutin nya sa tiyan ang teddy bear at nanlaki ang mata nya nang nagsalita ito, pwede kasing mag-record dito kaya ginawa ko 'yun para kapag malungkot sya, maririnig nya ang boses ko. Hindi man mawawala ang problema nya pero alam ko na mababawasan 'yun kahit paano.

"Tomorrow will be easier. The next day will be even easier. And so on…" Paulit-ulit na pinindot ni Yesha ang teddy bear, lumuha sya pero agad nya namang pinunasan para hindi ko makita.

Hindi nagsalita si Yesha pero alam ko na sobrang saya nya na nakatanggap sya ng ganoong regalo. Regalo kung saan ako ang maaalala nya.

Hindi ko namalayan na matagal na pala ang pagtitig ko sa kanya hanggang sa nagsalita na ulit sya. "Kenji, doon ako ulit sa bahay mo matutulog ha?" Sabi nya habang nakatingin pa rin sa teddy bear.

"Yesha." Seryosong tawag ko sa kanya kaya napatingin sya sa akin, "Kapag doon ka sa bahay ko natulog, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

Hindi ko naman talaga gustong sabihin 'yun pero gusto ko syang takutin para hindi na sya matulog sa bahay ko. Gusto ko kasing umuwi sya sa bahay nila, kahit kasi naiintindihan ko ang sitwasyon nila ng mga magulang nya, mas mabuti siguro kung magusap pa rin sila para maayos na nila ang problema nila.

Nakita ko pang natahimik si Yesha at sinubukang intindihin kung ano ang gusto kong iparating nang biglang, "Wala namang pumipigil sa'yo." Napangising sabi nya.

Natigilan ako dahil doon, may gusto ako kay Yesha pero hindi sumagi sa isip ko na gawin sa kanya ang bagay na 'yun, nagpapasalamat pa rin ako sa sarili ko dahil doon.

"Joke lang!" Tumawa ito pagkatapos at tuluyang inubos ang alak sa baso nya. Hindi ko na sya nagawang pigilan pa dahil 'yun na naman ang huling inom nya.

Pinilit pa ako ni Yesha na tumuloy muna sa bahay ko, sanay na ako na nandun sya pero parang ako ang nagiging katulong nya kapag kasama ko sya. Sa huli, ako naman ang talo dahil sinabi nya pa na birthday nya naman daw ngayon kaya pagbigyan ko na daw sya. Sinasamantala nya na siguro ang pagkakagusto ko sa kanya.

"Gusto ko nang matulog." Pagod na sabi ni Yesha at inihiga ang ulo nya sa balikat ko.

Hindi ako kumibo. Alam ko naman kasi na iba ang ibig nyang sabihin, alam ko na gusto nya lang mapagisa para umiyak. Nahalata nya siguro ang seryoso kong pagtingin sa kanya kaya tumawa sya ng mahina.

Umiwas sya ng tingin sa akin bago nagsalita, "Sleep isn't just sleep anymore... It's an escape from reality."

"Am I the only one who's so tired of crying but still cry every night?" Dagdag pa nya habang nakangiti. Pero alam ko na kahit nakangiti sya, sobrang lalim ng iniisip nya at malungkot ang pinagdadaanan nya.

'Yung tipong gusto nya nang umiyak pero wala nang mailabas na luha ang mga mata nya kasi palagi syang naiyak. Naubos na nga siguro ang mga luha nya.

All I have to say is, I also hate myself but I'm scared to die, but also sick of being alive.

In Another LifeWhere stories live. Discover now