"Goodluck on your trip, arsehole." Bati sakin ng kapatid kong si Malakai. Blangko ang mukha nya at malamig ang boses. May black eye sya at putok na putok ang labi. Napa away kasi sya dahil sakin.
Matalim ang titig saakin ng Mama ko. Malaki ang kasalanan ko kaya ipapadala nya ako sa bahay ng lola ko as punishment. Sobrang boring sa bahay ni lola, tanging radyo at ingay ng alon lang maririnig mo kahit tirik ang araw.
Nasa isang isolated town ng maliit na island kasi ang bahay ni lola, bilang lang ang kapitbahay kaya pati pag dayo talagang dapat kilala mo lahat upang iwasan ang ilangan. Haaaaay! Ano ba tong pinasok mo Kayjie?
Binuhat ko na ang black adidas na travelling bag ko at akmang hahalik sa pisngi ni mama pero umiwas sya. Galit pa din sya ng sobra.
Ganito kasi ang nangyare:
Kahapon birthday ng kapatid ko, syempre nagka-ayaan na mag-iinoman tas punta ng bar, di ko inasahan na makita doon ang girlfriend kong si Peachy kasama ang bestfriend kong si Andrew.
Kaya pala nanlalamig na sakin si Peachy, sinusulot na pala ng gago. Tapos ayun dahil lasing ako, napa-away. Nung inawat kami ng bouncer at kasama namin, aksidente kong nasuntok ang kapatid ko kaya ayun kami ang nagka away.
Tangina ko talaga pag nalalasing.
Umalis na ako ng bahay at sumakay ng bus. Tahimik lang ako, kahapon ako mismo ang nakipag-break kay Peachy. Umiyak pa sya nun at nagmaka-awa na wag daw, gago ba sya? Anong gusto nya? Dalawahan?
Pero kahit pala ako ang nakipag-hiwalay maskait pa din pala, sobra ko syang mahal at gusto ko sya mula highschool pa tas malalaman ko lang na namangka din pala sya sa ilog— ng kaibigan ko pa talaga.
Tumigil na ang bus sa terminal kaya bumaba na ako, ang terminal na 'to ay nasa tabing dagat. Madami kasi ang tumatawid ng dagat lalo na pag bakasyon kasi maganda ang isla nina Lola, pero kahit ganon ayaw ko dun. Walabg signal, walang chicks, walang maayos na alak—puro sila lambanog don at ang panget pa ng lasa.
Nakita ko mula sa kinatatayuan ko ang bangka na pag-aari ni lola, pinaparenta nya 'to sa mga tao na tumatawid ng isla, katabi ng bangka ay si Kanor na kumakaway saakin, lumapit ako sakanya at nakita ko an sugatan ang kamay nya, malaking sugat, parang nahiwa ng isang matalim na bagay. Tinago yun ni kanor mula sakin. Halos ka-edad ko lang to si kanor eh.
Sumakay na ako sa bangka, kasunod naman si Kanor, nagsimula sya magpa andar ng motor ng bangka. May kinuha din syang maliit na papel mula sa bulsa nya at pinabinasa yun sakin.
"Para san 'to Tol?" Tumingin si Kanor sa papel.
"Sulat na napulot ko sa dagat, nakakapagtaka nga eh. Hindi nabasa ng tubig kahit papel yan." Di nababasa? Ako ba niloloko nito? Ulol pala eh.
Hindi nalang ako kumibo at binasa ko.
"Pa explain sakin yan tol ha?" Sabi nya, Oo nga pala. Dahil nga isolated ang island ay maliit lang ang eskwelahan nila at minsan lang may teacher na dumadayo kasi nga magastos tumawid ng isla.
150 kasi ang back and forth na pamasahe.
Pinukos ko ang tingin ko sa papel. Isang poem na ang title ay sparkling beach.
Bumuntong hininga ako at nagsimulabg basahin ng malakas.
Through the sand that glistens
The untamed waves that crash madly
And the full blue moons that sings
Fall down, drown and swim
They shall save you, bargain something.
And with sympathy, they will bring you back sadly.
Hail, the ruler of the sea.
Half Human with a bottom of a fish.
They live in the middle of the ocean.
Strolls in the sparkling Beach.
Gago tula ba 'to? tsaka ano bang ibig sabihin ng tulang to?
Half human with a bottom of a fish? They live in the midde of the ocean? Teka. . . Gago pala talaga to eh.
"Tungkol to sa isang serina, kanor." Sabi ko kay kanor na nakikinig lang sakin.
Tumango si kanor, malapit na kami sa isla pero kita ko na ang kabouan nito. May babaeng nakatayo sa pampang. Seemed that her hair is bathed with glitters. Kahit sa malayo kumikinang.
Kinalabit ko si Kanor. "May turista sa isla?" Tanong ko. Hindi kasi summer ngayon kaya wala dapat turista sa isla.
Summer na pero di na ako nag-aaral ng summer class. Tumigil ako ngayong semester para si Malakai naman ang makapag-aral. Wala na kasi si papa, si mama lang ang kumakayod sa bahay kaya kailangan ko tumulong.
Isa akong barista sa isang coffee shop na pag-aari ng kaibigan ni mama. Pabor na din yun, ang makapag trabaho kahit kaka-desi-nuebe ko lang.
"Ha? Wala, sarado ang isla ngayon diba?" Takang paalala ni kanor sakin. Tumingin uli ako sa pampang.
Kung hindi yan turista, kaninong anak yan? niliguan ata ng pampakinang ang buhok nyang nililipad ng hangin eh. Kakulay din ng buhangin na puti ang buhok ng babae sa pampang kaya nakakapagtaka kung kaninong anak yan.
"May lumipat ng bahay sa isla?" Gusto ko talaga malaman sino yang babaeng nasa pampang na yan, may umu-usig saakin na alamin ang tungkol sa babaeng yan.
"Wala. Ano ka ba, kapag bakasyon lang tumatanggap ng lilipat sa isla at sarado ang isla ngayong taon" Sabi ni kanor na tutok na tutok sa children's story book na hawak nya. Beauty and the beast nga ata anh story book na yan eh.
Ang hirap ng buhay nila kanor lalo na sa iba na kapag nasa maliit na isla lang lumaki, minamaliit din ang kakayahan. Minamaliit ang kaya sa buhay. Nilalayuan na para bang may sakit na dala. Kaya sa abot ng nakakaya ko, tinuturuan ko ang ibang bata dito kapag napupunta ako sa isla.
"Eh di sino yang babaeng nasa pampang?" Tanong ko ulo kay kanor. Tumingin sya na nagtataka sa pampang.
"Tol, ano ka ba kahit malayo pa tayo sa pampang wala akong makitang tao."
"Meron nga kasi, kumikinang pa nga ang buhok ng babae eh." Humarap ng marahas si kanor saakin kaya umuga ng konti ang bangka.
Hinawakan nya ang noo ko, sinipat ata kung may lagnat ba ako. Inalis ko ang kamay nya.
"Tol, nakikita mo?" Tanong nya na nababahala. Kumunot ang noo ko.
"Ang alin?" Ngumiti ng hilaw si kanor saakin.
"Wala." Tumawa sya ng malakas, may pahampas pa sa tyan nya.
Sya ata ang nababaliw samin dalawa. Tumingin ako uli sa pampang pero wala na akong nakita. Purong mga bangka na pinarada at punong kahoy na nagsasayawan sa hangin lang.
I'm pretty sure I saw someone on that sparkling beach.