3. Nowhere sunset

2 0 0
                                    

Nakaramdam ako ng init sa katawan ko, parang pinapaso. Unti-unti ay dinilat ko ang mata ko at nasinag ako sa tirik ng araw.

May mga ibon din na lumilipad lipad sa ibabaw ko kaya napabangon ako ng marahas. Umuga ang sinasakyan ko kaya doon ko lang narealize na nasa bangka ako.

Tangina? Nahulog lang naman ako sa dagat kagabi at na. . . lunod.

Nakaramdam ako ng saya ng kapain ko ang sarili ko at totoo nga, "Buhay pa ako!" Sigaw ko na may tuwa sa boses.

"Oo nga, buhay ka pa." Boses ng babae. Nagulat ako ng marinig yun kaya luminga linga ako sa paligid ng bangka pero ako lang ang tao.

May narinig akong hampas ng tubig kaya tumingin ako doon at halos lumabas sa lalagyan ang mata ko. May babaeng nakalutang ng patihaya sa tubig!

Puti ang buhok nya at kumikinang, may kaliskis sya sa kanan ng noo nya at ang tenga nya parang hasang ng isda. Tumingin ako sa pang-ibaba nya at napa-atras ako ng makita ko na buntot yun.

Kulay silver na kaliskis gaya ng nasa noo nya.

Ano ba tong pinasok ko? Totoo ba talaga to o nagha-hallucinate lang ako? Baka hinahanap na ako ni lola.

"Si-sino ka?" Utal kong tanong sakanya. Lumingon ito sakin gamit ang mata nya na kagaya sa pusa.

"Ako ang bantay sa dagat na 'to." sabi nya at lumangoy palapit sa bangka.

Bilang depensa kinuha ko ang paddle at ihahampas sana sakanya kung may gagawin sya sakin pero inangat nya lang ang sarili nya at naupo sa bangka.

"Bakit ako andito?" Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang isla at ang mga kabahayan doon.

Ngumis ang sirena. "Kasi ibinigay ka ng lalaking mahaba ang buhok kapalit ng kapatid nya."

Lalaking mahaba ang buhok? Sin—si kanor? Impossible!

"May pinabasa sya sayo hindi ba?" Dagdag na sabi ng serina, naalala ko naman ang tula na nabasa ko. Tungkol yun sa serina.

"Kalokohan." Natatawang sabi ko at naupo pero mahigpit pa din ang kapit sa paddle.

Umayos ng upo ang serina at kumanta, naalog ang bangka at nakita ko na may mga pating na paparating. Nakaramdam ako ng takot. Bumilis ang tibok ng puso ko at siguro ay namumutla na ako.

Akala ko aatakihin na ako ng pating pero nasa harap ng ito ng bangka. Mukhang nabighani ito sa boses ng babae.

At ang kanta nya, yun ang naririnig kong kanta kagabi. Posible kaya na sya ang nagtawag saakin?

Kalokohan talaga ito. Tinanaw ko ang isla, malapit lang yun kung magsisimula akong magsagwan.

Kahit tirik ang araw sa gitna ng dagat ay hindi ako nakaramdam ng gutom o uhaw.

Nagsagwan na ako gamit ang paddle at wala namang imik ang serina, patuloy lang syang kumakanta habang nakasunod ang mga isda saamin.

Halos isang oras ata akong nagsagwan pero hindi ko pa din nalalapitan ang isla. Para akong nagsasagwan sa gitna ng kawalan habang may tinatanaw.

Humarap ako sa serina, pero wala na sya. Hindi ko namalayan na wala na pala sya dyan, naririnig ko pa din kasi ang kanta nya.

Humiga ako sa lapag ng bangka, papalubog na ang araw pero di ko pa din nararating ang isla. Ano bang nangyayare? Bakit hindi ako makarating sa dalampasigan?

Bumangon ako at nagsagwan ulit, hindi ako nakakaramdam ng pagod, uhaw o gutom kahit alam ko sa sarili ko na kahapon pa ako huling kumain.

Nagiging orange-blue-pink na ang kulay ng langit, lumulubog na talaga ang araw pero heto ako at nagsasagwan pa din. Tumigil ako sa pagsagwan at sumandal para panourin ang paglubog ng araw.

Pano kung hindi ako makaalis dito dahil sa bangka? Tama, lalangoyin ko nalang.

Sumikat na ang buwan, bilog na bilog gaya kahapon. Naghubad ako ng Tshirt at tumalon sa dagat, nagsimula akong lumangoy papunta sa direksyon ng isla pero may sumpa ata ang dagat.

Malayo na sana ako sa bangka pero naramdaman kong may humila sa paa ko paibaba. At gaya ng kahapon ay lumubog ako sa tubig habang lumalangoy ako paitaas.

May humawak sa paa ko kaya nilingon ko yun, isang serina pero ngayon iba na. Hindi na yung serina kaning umaga. Serina pula na ang buhok ang humila sakin ngayon. Nagpumiglas ako sa kapit nya, nainis ata sya sakin kaya hinampas nya ako ng buntot nya at nahilo ako.

. . .

Nakaramdam ako ng init sa katawan ko, parang pinapaso. Dinilat ko agad ang mata ko at nasinag ako sa tirik ng araw. Lumingon ako sa paligid at parang naulit yung kahapon, nasa bangka uli ako.

Tanaw ko ang Isla, may naririnig akong kumanta. Nilingon lingon ko ang paligid pero wala. Bakas ng boses lang ang naririnig ko.

Desidido na ako, lalangoyin ko ang isla!

Tumalon ako sa dagat. May Humila sa katawan ko pababa, at gaya kahapon may serina na hawak ako, nagpumiglas ako at hinampas ako nito kaya nahilo ako.

. . .

Nakaramdam ako ng init sa likod ko, parang pinapaso ng araw. Unti-unti ay dinilat ko ang mata ko at una kong nakita ay buntot.

Tumayo ako agad at nakita ko ang isang serina na nanlilisik na nakatingin saakin.

"Hindi ka na makaka-alis sa oras na 'to." Sabi nya at tumalon sa tubig.

Bwesit, ano ng ba tong pinasok ko? Tanginang lambanog kasi yun. Baka hinahanap na ako ng lola ko, ng mama ko.

Baka ano nang nangyare kay mama sa pag-aalala. Kailangan kong maka-alis rito at bumalik sa bahay ni lola. Iaalis ko si lola sa isla nato at di na kami babalik. Aalis ako rito!

Tumalom ako sa tubig at may humila saakin pababa.

✔️ | Endless days in the summer Where stories live. Discover now