2. Elderberry champagne

2 0 0
                                    

Gabi na pero heto pa din ako sa sentro ng bayan ni lola kasama sila kanor. Nag-iinoman kami ng lambanog. Todo kwento sila tungkol sa mga turistang chicks habang ako nakikinig lang sakanila.

"Eh ikaw tol? Kamusta buhay may syota?" Natawa ako.

Siguro kung sa ibanh panahon to, tinama ko na ang sinabi nya. Ayaw na ayaw ko tawagin si Peacg na syota ko. Pero ngayon wala na kami. Gago man pero ganon na din yun.

"Hiwalay na kami." Natatawa kong sabi. Natahimik sila lahat.

"Okay lang sayo?" Tanong ni Adonis, kainoman namin.

"Pinagpalit ako 'tol." Sabi ko sabay lagok ng lambanog.

"Kanino tol? resbakan ba natin?" Sabat ni kanor.

Nagtawanan kami lahat. "Gago wag na. Di nila deserve." Pinagbangga namin ang mga baso namin at lumagok uli.

"Ibahin ang usapan!" Sigaw ni Alex na ka-akbay na babae. Girlfriend nya ata yun.

"Alam nyo ba, may narinig akong usap-usapan." Seryosong sabi ni Adong para maiba ang usapan.

"Ano?!" Tanong namin lahat.

"May serina daw na nagpakita." Natawa kaming lahat ng malakas.

"Hahahahahaha! Tangina 'tol!" Sigaw ko habang naiiyak na kaka tawa pero hindi sya natawa.

"May tumawag daw sa serina." Natawa pa din kami pero si Kanor natahimik na. Tumingin sya saakin at nag-iwas uli.

"Gago-hahaha-san ka bang comedy show nag apply?" Sabi ni Alex.

"Pero totoo, may nagpakita daw na dalaga sa dalampasigan. Puti ang buhok." Ngayon naman ako na ang natahimik. Puti ang buhok?

"Dalawang lalaki lang daw ang pinakitaan ng dalaga, posibleng isa sakanila ang kukunin." Dagdag pa nya.

"Makinang na puting buhok?" Sabi ko na mahina ang boses. Tumingin sila lahat sakin.

"Ahh-kasi ganon ang napapa-noud ko sa TV."  mukha naman silang naniwala kasi napatango tango pa sila.

Tangina, ayaw kong maniwala pero bat pakiramdam ko totoo? Lalo na yung kaninang umaga na may babae sa dalampasigan pero wala namang nakita si kanor.

Naubos na namin ang lambanog, nakayayaan na din ang iba at lasing na na maka-uwi pero ako hilo pa lang nararamdaman ko. Naglakad na ako pauwi saamin. Medyo kalayuan ang bahay ni lola pero kaya lang lakarin.

Habang binabaybay ko ang tahimik na daan papunta sa bahay ni lola nakarinig ako ng musika. Ang sarap sa tenga. Parang hinahatak ako para matulog o magtampisaw sa dagat. Pero di ko ginawa, gabi na at baka malunod pa ako lalo na at lasing ako. Mahirap nang iuwi ako ni lola kay mama na bangkay na.

Tumingin ako sa mga bahay bahay na nadadaanan ko, may isang bahay na hindi napapatay ang ilaw. Baka sakanila galing ang musikam matanong nga anong title ng musix na yan bukas. Naglalakad lang ako, medyo natutumba din kasi hilo na sa lambanog.

May naapakan akong bato kaya nadulas ako at nadapa patihaya. Bilog na bilog ang buwan ngayon ah? Bumangon ako kahit hilo pa din at nakuha ng cliff ang atensyon ko. Mukhang maganda panourin ang buwan doon.

Makapunta nga don.

Nilakad ko ang pwesto ng cliff kahit halos gumapang na ako. Nung nandoon na ako ay nakatingin lang ako sa buwan.

Naalala ko, isang selenophile si Peach. Napakahilig nya sa buwan. Halos memorise nya ang lahat ng bagay tungkol sa buwan, nag-iipon din sya ng pera para makapunta sa mga lugar kung saan maganda ang view ng buwan.

Pera.

Yun kaya ang dahilan kaya ako pinagpalit ni Peach? Tangina, baka nga. Kung bakit kasi kapos na kapos kami sa pera. Tangina ang sakit.

Parang hinihiwa ang puso ko sa sakit. May invisible ata na karayom ang tumatagos dito kaya ang sakit.

Tangina, pag nakabalik ako sa pag-aaral hahanap ako ng magandang trabaho, yung di kami kakapusin sa pera. Yung trabahong marangal at maayos at aalisin ko sa isla na 'to ang lola ko. pangako yan.

Tumayo na ako sa pagkakahiga sa bato at dahil sa hilo ko ay napa atras ako papunta sa may edge nun. Aapak na sana ako para balansehin ang sarili ko pero nadulas ako.

Parang nagslow-motion lahat. Ang pagkahilo ko, ang pag-atras at pagkadulas lalo na ang parte na sumanib na sa tubig ang katawan ko.

Nabasa na ako, tangina talaga.

Lumangoy ako pataas pero parang bumigat ata ang katawan ko kaya di ako makalangoy pataas.

Pataas pa din ng pataas ang langoy ko, naoubusan na ako ng hangin. Nang malapit na ako pumataas may humawak sa paa ko at hinila ako pababa. Napapikit ako dahil sa tubig asin na pumapasok sa mata ko.

Naramdaman kong may dumamping labi sa noo ko kaya nung imulat ko yun napasigaw ako kahit nasa tubig ako. Isang babae!

Lasing ako kanina pero hindi na ngayon at alam ko na totoo to kasi nakakaramdam ako ng sakit.

May kaliskis ng isda ang left side ng noo nya, hindi ko maaninag ang mukha nya ng maayos dahil madilim ang tubig at masikip na ang dibdib ko dahil walang hangin. Tumingin ako pababa at nakita ko na may buntot sya kaya lumangoy ako palayo sakanya pero hinampas nya lang ako ng buntot nya.

Masakit yun, lalo na at may pwersa ng tubig. Nakaramdam ako ng hilo at huli kong maalala ay hinila nya ako papunta sa madilim na parte ng dagat. Katapusan ko na ata to. Bangkay nga ata akong iuuwi ng lola ko.

✔️ | Endless days in the summer Where stories live. Discover now