Lunes ng umaga at nagmamadali akong pumunta sa paaralan. Nilakad takbo ko yung sidewalk at di alintana ang mga nakaharang ng mga taong nagsisilakaran din. Malapit na kasi ang 7:30, ang first subject namin at ayokong mahuli rito. Napakatigre pa naman ng guro namin. Palibhasa kaka break up pa lang ng boyfriend niya. Kaya kaming mga estudyante niya ang pinabubuntungan niya ng galit.
Nagmamadali akong umakyat papuntang 3rd floor ng sa di inaasahan ay may humila sa aking bag.
"Hoy, ano ba? Bweset to ah!" Inis kong pagkakasabi sabay tingin sa nanghihila sa akin."Hoy po! Bakit di mo ako hinintay? Alam mo bang kanina pa ako sunod ng sunod sayo galing entrance?"
"Aba! Bakit naman kita hihintayin?" Agad ko namang isinagot sa sinabi ni Justin na kitang hingal na hingal sa kakatakbo.
"Grabe ka naman. Nagtext pa ako sayo uh na sabay tayong papasok. Tsss mang iiwan ka lang din naman pala. Parang di mo 'ko bestfriend"
Yumuko ito na kunwari nagtatampo pa.Talaga? Nagtext pala siya sa akin. Tiningnan ko yung phone ko at nakita ko ang 5 messages at 3 missed calls niya.
"Nag text ka nga pala. Sorry na kasi. Nagmamadali talaga ako kaya di ko na napansin mga text mo. Hindi na nga ako naka pagsuklay uh." Kunwari finingercomb ko yung buhok ko at hinintay na tumingin ito sa akin.
"Hoy sorry na kasi. Andali mo namang magtampo. Hoy!" Sabay tapik sa balikat nito na sa pagkakataong 'to ay pilit na iniwas ang mga chinito nitong tingin sa akin.
"Bahala ka nga! Kung ayaw mo akong pansinin, e di bahala ka sa buhay mo. Late na nga ako ng 15 minutes dahil sa'yo!"
Agad akong tumalikod at binilisan ang paglalakad. Humabol naman at inakbayan ako pagkaabot niya sa akin.
"Oy nagtatampo ka ba bestfriend? Joke lang yung ginawa ko kanina. Ikaw naman di mabiro sa mga paiwas-iwas tingin. Ganito na lang may joke ako para sayo para mawala yang galit mo sa akin" Nagpapacute pa ito habang sinisilip ang mukha kong haggard na haggard na.
"Tigil-tigilan mo nga ako. For sure corny na naman yan. Tsaka, alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko. Ambigat di ako makalakad ng maayos!"
Binilisan ko ang paghakbang na siya ring nagpatanggal sa kamay niyang nakaakbay sa akin.
Nakarating kami sa room namin at nakita ko si Heart, isa sa mga kaklase namin na panay cellphone sa may hallway.
"Ganda naman ng timing niyo noh? Late na kayo!" Seryosong bungad nito sa amin.

BINABASA MO ANG
FRIENDZONED (Completed)✔️
FanfictionA short story about a friendship falling into a deeper feeling. Hanggang kailan nila itatago ang feelings nila sa isa't isa? Hanggang kailan nila sasabihin sa isa't isa na ang nararamdaman nila ay more than friends na? Hanggang saan sila dadalhin...