"Late na nga kayo!" Bungad sa amin ni Heart na parang nagpipigil pa ng tawa.
"Talaga? Late na kami? Bakit hindi nakabukas yung room natin and where our classmates are?" Sunod-sunod Kong tanong Kay Heart habang naghahalo na yung kaba at hingal ko.
"Joke lang! Wala talaga si ma'am kasi may seminar siya. Wala din siyang ibinilin na mga activities kaya magiging free tayo this period"
Pangiti-ngiti pa nitong sabi habang ako naman ay parang nabunutan na ng tinik sa sinabi niya.
"Hayan! May pataboy-taboy ka pa sa akin kasi nagmamadali ka tas sinisi mo pa ako dahil late ka na. Kitam, wala nga si ma'am di ba."
"Oo na, ikaw na yung tama." Tanging naisagot ko kay Justin matapos kong mapagtanto ang paninisi ko sa kanya.
"Ano ka ba, syempre kahit nakukulitan ka na sa akin, lalapitan at lalapitan parin kita at hihintayin ka kahit napakaaga ko at napakalate mo na. That's what friends are for kaya." May pakindat pa ito habang nakangiti sa akin.
"Okay thank you na nga. Teka lang, di ba vacant tayo next period? Di ka ba sasama sa akin sa mall? May bibilhin lang ako saglit dun"
"Napaka lakwatsera mo talaga! Syempre sasamahan kita noh", sagot nito sa akin.
Naglakad na kami palabas ngunit...
"Hi Justin! Where are you two going?"
"Hayssss napakaepal naman uh", nasambit ko na lang sa sarili ko ng makita si Angel, ang matagal ng crush ni Justin. Napakaganda ni Angel at kahit sinong babae ay maiinsecure sa kanya. Rich kid din to kaya nagiging ideal girl na yata siya ng mga kalalakihan sa room namin.
"Hi Angel! Sasamahan ko lang tong bestfriend ko sa mall." Agad namang sagot ni Justin na kita kong abot tainga yung ngiti at namumula na tila kinilig sa nakasalubong namin.
Tiningnan ko siyang maigi at parang may naramdaman akong di ko maintindihan sa mga naging reaksiyon niya kay Angel. Matagal ko namang alam na crush niya ito pero bakit parang hindi pa ako nasanay?
Hindi ko na napansin pa ang mga sinasabi nila dahil mas napagtuonan ko na ng pansin yung kakaibang nararamdaman ko sa pagkakataong iyon.
"Hoy bestfriend! Bakit parang lutang ka? Ayos lang ba sa'yo na sasama si angel sa atin?"
"Ano sasama siya sa amin?" Bulong ko sa sarili ko. Pero bakit ko naman hihindian di ba? Besides classmate din namin siya.
"Ha? Ano kasi nakalimutan ko kanina na nabili ko na pala yung bibilhin ko. Ngayon ko lang naalala."
Palusot kung tugon dulot ng kakaibang mood ko."Ano? Oy, mabuti na lang pala nakasalubong natin si Angel at least na nagkaroon ka ng time na alalahanin yun. Paano yan di ka na tutuloy dun?", Sabi sa akin ni Justin na ewan ko ba kung ano ang nasa isip bakit pangiti-ngiti parin ito.
"Di na talaga! Tara, dun tayo sa library. Magrereview na lang tayo." Hinila ko si Justin pero napatigil ako ng...
"Justin, di mo ba ako sasamahan sa mall?", sabi ni Angel sa kanya.
"Aba, syempre sasamahan kita! Okay lang yun sayo?", naeexcite na sagot ni Justin sa kanya.
Oo, bestfriend niya ako at napakaspoiled ko sa kanya pero pagdating kay Angel, nababaliwala na ako.
"Okay, maylakad naman pala kayo, tuloy na ako", at agad akong naglakad papuntang library kahit sa totoo naman ay ayaw na ayaw kong pumunta doon. Sino ba kasing napakabait na estudyante ang magrereview ng walang paparating na exam.
BINABASA MO ANG
FRIENDZONED (Completed)✔️
FanficA short story about a friendship falling into a deeper feeling. Hanggang kailan nila itatago ang feelings nila sa isa't isa? Hanggang kailan nila sasabihin sa isa't isa na ang nararamdaman nila ay more than friends na? Hanggang saan sila dadalhin...