CHAPTER 4: Denial

104 12 0
                                    

"Hoy po! Bakit napapansin Kong lagi kang lutang nitong mga nakaraang araw? May problema ka yata di mo man lang sinabi sa akin?"

Wow, may pa approach pa ang taong to, kung pwede pa nga lang sabihin ko sa kanya na siya yung problema ko ginawa ko na.

"Nagseselos ka ba kasi lately palagi nating kasama si Angel?"

Napalunok ako sa sinabi niya and never ko inexpect na sasabihin niya yun.

"Hoy, kapal mo naman! Anong selos pinagsasabi mo diyan? Bakit naman ako magseselos? Ikaw na lang?Mas gwapo pa kaya sayo si Zach", masyado na yata akong denial sa naging sagot ko sa kanya pero ayoko paring sabihin sa kanya ang lahat.

Tinititigan ako ni Justin at nagpoker face ito. Hindi siya nagsasalita pero di ko maiintindihan ang sarili ko sa mga titig niya. Feeling ko namumula yung mukha ko na wala sa oras.

"Zach? Sabi ko na nga ba may gusto ka sa kanya! Bakit di mo agad sinabi sa akin? Hihingi-hingi  ka pa ng tulong sa akin para tabuyin siya nung nanliligaw pa siya sa'yo dahil sabi mo wala kang gusto sa kanya." Seryoso niyang sabi sa akin matapos akong titigan lang ng ilang segundo.

"Luhh! Anyari sa taong to? Bakit napaka OA pagdating kay Zach?" Sabi ko sa sarili ko habang nagtataka sa mga sinabi niya.

"Ganun ba ka big deal sa kanya si Zach? Mukha yatang siya ang niligawan ni Zach ah" Sambit ko pa rin sa sarili ko.

"Ano ngayon kung gusto ko si Zach? Ano namang paki mo sa amin? Di nga ako nangingialam sa inyo ni Angel ih!" Kabado kung sagot sa kanya.

Oo, nanligaw si Zach sa akin dati pero sa totoo lang, di ko talaga siya mahal at never ako nagkaroon ng pagtingin sa taong yun.

"Sino ba yung mas mahal mo ako o si Zach?" Diretsuhang tanong nito sa akin.

Napaisip ako na baka na notice na niya yung feelings ko sa kanya. Pero takot parin akong aminin yung totoo. For sure magmumukha lang akong ewan kasi I know na si Angel yung gusto niya.

"Seryoso ka ba sa tanong na yan? Syempre mahal kita as bestfriend pero mas mahal ko si Zach kasi crush ko siya" Pagsisinungaling ko pa sa kanya.

"Sino ba ang mas gusto mong makasama, ako o si Zach?" Napakaseryosong tanong nito ulit sa akin.

"Syempre siya! Bakit mo pa tinatanong yan? Bakit di mo ba gustong makasama yung taong mahal mo?"

Di ko na alam ang mga pinagsasabi ko sa kanya sa pagkakataong iyon. Ang alam ko lang ayokong masira ang pagiging magbestfriend namin kaya nagkunwari ako na mas mahal ko si Zach.

Unexpectedly, tumayo siya sa kina uupuan niya katabi ko at di pinansin ang mga sinasabi ko pa sa kanya.

FRIENDZONED (Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon