CHAPTER 8: Waiting For You

122 10 4
                                    

Isang panibagong araw na naman para sa isang estudyanteng katulad ko. Sa pagkakataong ito, kinagawian ko ng pumunta sa paaralan ng maaga.

Masakit parin sa akin ang paglayo ng bestfriend ko. Nakikita ko sa bawat sulok ang mga alaalang kinukulit at pinapatawa niya ako.
Dala ko parin ang guilt sa aking sarili kung bakit di ko nagawang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko.

Naging duwag ako sa buong pag-aakala na sisirain lang ng pag-ibig na'to ang pagkakaibigan namin.

Wala na kaming komunikasyon ni Justin pero umaasa parin ako na di niya ako matitiis.
Umaasa parin ako na balang araw babalik siya at sa araw na ito, ipinapangako ko na itutuwid ko lahat ng pagkakamali ko.

Na balang araw maaamin ko rin at masasabi ko kung gaano ko kamahal ang bestfriend ko.

Sana nga darating ang araw na iyon
at sana, sana...
Mahal pa rin niya ako.

FRIENDZONED (Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon