CHAPTER 5: Missing Him

102 13 0
                                    

Nakakapanibago, pero wala ng nakangiting Justin ang sumalubong sa 'kin sa may entrance. Wala na din siyang mga texts at ni tawag wala man lang.

Di na rin siya nag-oonline para iseen yung mga chat ko sa kanya.

Wala ng Justin na nanghihila ng bag ko at wala ng taong aakbay sa akin papunta sa room namin.

Mga ilang araw na din siyang absent at walang nakakaalam Kung ano na ang nangyayari sa kanya.
Ang mas malala pa, inactivate niya ang mga accounts niya.

Palaging kong pinagmamasdan ang upuan niya at sinariwa sa aking isipan ang masasayang alaala naming dalawa.
Namimiss ko na siya ng sobra. Nagsisisi tuloy ako bakit di ko nalang inamin sa kanya ang lahat. Kung pwede nga lang...

"Girl! Nandito si Justin sa school!" Sabik na sabi sa akin ni Heart na mukhang galing pa sa kunting takbuhan.

"Talaga? Nasaan siya? Thank you naman at di na siya aabsent! Teka, umalis ka diyan sa upuan niya!" Sabay pabirong tulak kay Heart na nakaupo sa tabi ko.

"Haysss... Nandun lang naman siya sa administrative office e, mukhang di naman siya papasok dito" Agad namang sabi nito sa akin.

"Ang mabuti pa puntahan na lang natin siya dun" At hinila ako ni Heart patungo sa kinaroroonan ni Justin.

FRIENDZONED (Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon