Title: WATSON SERIES #1: Love LetterDedicated to: Baklang Yeonkimin and Dooly Park
Genre: Romance, Comedy, Lampo
" GO KIM! GO KIM! GO KIM! " malalakas at sabay sabay na sigaw ng supporters ni Kim, karamihan sa kanila ay mga babae na obvious namang may gusto sa kanya
At isa ako sa kanila, pero imbes na sumigaw sigaw at tumalon talon nandito lang ako sa isang tabi nakangiting pinagmamasdan ang lalaking matagal ko ng pinapangarap since elementary
Nakakalungkot nga lang na sa tagal na panahong pagkakagusto ko sa kanya, di niya ako kahit kailan napansin
Pano nga naman niya ako mapapansin?
Isa lamang akong ordinaryong estudyante habang siya, sikat na heartthrob at basketball player ng varsity dito sa University" Woaahhh!! The 3 points shot is given by No.93 YEONKIMIN WATSON " naghiyawan naman ang paligid dahil tambak na ang kalaban at ilang minuto nalang tapos na ang game
Tulad ng inaasahan, panalo ang koponan nina Kim, nagsilapitan sa grupo nila ang mga estudyante pati nadin ang cheer leading squad (malalandi) na may dala dalang towel, energy drinks et cetera et cetera
" Hoy tara na! " tawag ko sa kaibigan ko na nilalantakan parin ang mga pagkain na nilibre ko sa kanya kanina
" teka teka, hintayin moko bebe dolly " habol nito habang may kagat kagat na burger at coke sa magkabilaang kamay
Matakaw na nga kuripot pa ☺
" Uyyyy! Si Kim yun devaaa? " agad naman ako napatingin sa tinuturo niya, si Kim nga!
" Hiii Lods Ki- - - " tinakpan ko kaagad ang bibig ni Yuu, ipapahamak pa ako
" Manahimik ka nga dyan Yuu, pag ako nabuking pepektusan talaga kita "
" Para nga kahit once in a life time nga lang mapansin ka niya eh "
" Ayos nako dito "
" Tss na ano? Ganyan lang? Di ka talaga mapapansin kasi di ka dumadamoves " sambit niya kaya napakunot noo ako
" Di pa naman ako ganun kadesperada para mapansin lang Yuu, babae parin ako lalaki parin dapat ang gumawa ng first move " babae ako kaya dapat irespeto ko ang sarili ko
" Lalaki magpeperst move!? Olol! Di nayan uso ngayon, pag gusto mo gusto mo, walang hiya hiya " sabi niya habang kumakain parin, walang manners, nasigaw pa, hiyang hiya naman ako sa tumatalsik niyang laway na may kasama pang burger
" kahit na ayoko nun, ako magfifirst move? Never! "
" Yawang pride kasi yan eh, so kelan ka gagalaw? Kung kelan huli na? Kung kelan may nagmamay ari na sa puso ng pinakamamahal mong Kim? "
Napaisip naman ako, may point si Yuu, siguradong pagsisihan ko yun, pero ano daw? Mahal? Di pa naman siguro, papunta palang hehe
" eh ano bang move gagawin ko? Liligawan ko siya? Ganun? " binigyan naman niya ako ng ' bahala-ka-na-sa-buhay-mo look '
" Tara sa Library, dun tayo magmemeeting hahahahahhaaha!!! "
Takas mental talaga ang baliw ☺
A/N: Pasensya na kung panget, piniga ko lang utak ko para marewrite the stars to (つд⊂)
BINABASA MO ANG
Watson Series
RandomDedicated to all of the members of Watson Sisterbrotherhood I love you mga hangal at depungal 😺🔪🔪🔪