This is it! Pancit! Kapeng mainit! ( yawa 😃 )
8 AM pa ang pasok sa school pero 6 palang gising na ako, syempre ayaw ko malate
Pagkatapos maghanda sa pagpasok ay nagcommute na ako papuntang University, tulog pa sina mommy at daddy kaya di nila ako maihahatid ngayon pero ayos lang
" Yawa aga natin ah! " bungad sakin ni Yuu na nakaupo sa desk ng teacher habang nagccp
Napakabait na estudyante 😃
Siya ang may hawak ng susi ng classroom kaya lagi siyang maaga pumasok, sanaol
" Ayieeeh excited na excited ah " panunukso pa nito pero pinalagpas ko muna good mood ako ngayon
" manlilibre nayan ayieeeh " 😒
" oo na oo na pasalamat ka at good mood ako ngayon dahil kung hindi mapepektusan talaga kitang kutong lupa ka " biro ko dito at binatukan siya
" yayyyyyy!!! ALABYU BEBE!! " parang baliw na sigaw nito at tumayo pa sa table
" MS. YUUSHANE WATSON CREST!? WHAT ARE YOU DOING!?"
0.o Oh noes
Nandito ako ngayon sa Locker ng Girls na kaharap lang din ng Locker ng Boys, hinihintay ko si Yuu, dahil sa kabaliwan niya nahuli siya ng Prof namin at ayun Guidance ang bagsak
Minsan napapaisip ako kung paano ko naging kaibigan yun?
" BEBE DOLLYYYY!!! " speaking of the devil, nandito na siya
" Pinayagan ka na umalis? " tanong ko, nag inhale exhale muna to at humawak pa sa dibdib, sanaol may dibdib
" Syempre...hindi! " sabi na eh
" Bumalik ka na dun, gaga ka talaga pag ikaw nakick dito sa University "
" Awts? talaga? ghe ikaw na maglagay ng love letter mo sa locker ni Kim bakla " sabi nito at umaktong tatalikod na, agad ko naman siyang hinila pabalik
" Di ka naman mabiro, sabi ko nga eh oo na "
Di ko talaga kayang pumasok sa locker ng boys bukod sa bawal may sabi sabi din na pinagtritripan daw ng isang di kilala na grupo ang ilang lalaki dun, dati daw may babae na naglakas loob na pumasok,narape daw patay, ewan ko lang dito kay Yuu na ang lakas ng trip sa buhay, nasobrahan na talaga
" Asan na yung susi sa love life mo? " agad ko naman kinuha sa bag ko yung kulay pink na envelope pero bago ko ibigay kay Yuu na kumikinang kinang pa ang mata
" Pag to pinakialaman mo, tandaan mo,.isusumpab kita " banta ko
" Oo na Oo na di na " nakapout niyang tugon,mukhang bibe HAHAHA
" Babayuu~ " paalam niya at pumasok na sa locker ng boys
Nawa'y makabalik ka pa ng buhay bebe Yuyu
...
Abot langit ang ngiti ko ngayon, kinakabahan ako dahil baka di na ako pansinin ni Kim kahit di niya talaga ako pinapansin, di nga ako kilala eh
Pero tiwala lang kay God, think positive
Dahil good mood ako, napagtripan kong magsulat sa Diary, lumapit ako sa table ko at kinuha ang Diary ko pero pagkahawak ko nun may nahulog na envelope
Ahh yung letter ko para kay Yuu, nakalimutan ko ibigay sa kanya, pasasalamat ko to para sa kanya kahit na napakakuripot niyang animal
Nakangiti ko tong pinagmasdan pero agad yun napawi ng makita ko ang card na nakadikit dito
To: Yeonkimin Watson
From: Dooly ParkO.0 YAWAAAAAAAAAAA!!!!!
[ END ]
Sabi senyo eh LAMPO! 😃
BINABASA MO ANG
Watson Series
RandomDedicated to all of the members of Watson Sisterbrotherhood I love you mga hangal at depungal 😺🔪🔪🔪