CHAPTER 9

1K 24 7
                                    

"NINETH pasensya na pwede bang ikaw nalang ang mag sabi kay Kevin ha?" Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit papunta siya gayo sa ospital ng makatanggap kasi siya ng tawag na isinugod ang kanyang ama. "Sige sige ako ng bahala mag iingat ka!" 

Hindi pa man siya nakakalabas ay nakasalubong na niya si Kevin, Nag-tataka ito sa kanyang aksyon at hinarang siya. "Citi ayos ka lang ba, iniiwas mo ba ako?" Kunot-noong tanong nito. Umiling sa ng maraming beses at pilit itinatanggal ang mga kamay nito sa kanyang balikat, wala siyang oras para makipag kwentuhan pa rito.


"Pasensya na Kevin sa susunod na araw nalang tayo mag-usap nanganganib ang buhay ng tatay ko." Saad niya at hiniklat na ng pag kalakas ang kamay nito matanggal lamang. Hindi niya namalayang sumunod ito sa kanya, hinabol siya. "Halika na ihahatid na kita!" 


Tumingin siya dito, hindi na siya nakatanggi dahil matatagalan pa kung mag-hahanap pa siya nang masasakyan. Sumakay sila sa sasakyan nitong Suzuki, Sinabi niya ang lokasyon ng ospital. "Hindi ba ako nakakaabala sayo? Pwede naman bumaba na ako dito may taxi na dito."

"Citi, kung kelan naman malapit na tayo.. saka hindi ka nakakaabala sa aken, ikaw pa malakas ka sakin." Naka-ngising sabi nito. Pansin niyang wala na pala ang pasa nito sa mukha pero may band aid pa din sa labi. Kung umasta ito tila hindi siya muntikan nirape walang naalala dahil sa sobrang kalasingan. 

 Dali-dali siyang bumaba na hindi man lang nakapag paalam dito tumakbo siya patungo sa nurse station. "Excuse me Nurse, San po ang room ni Rogelio Borromeo?" Tanong niya, Sakto palang ito ang nurse ng ama at sinamahan siya. Nnag makarating siya sa kwarto bumungad sa kanila ang ama niyang nakaratay at tila tulog. 


Hindi niya namalayan nasa likuran pala niya ang doktor na kakarating lang rin. Pumasok siya sa loob at hinawakan ang kamay ng ama, Tumango siya sa pinsan ni Mang Karding dahil binantayan pala nito ang ama. "Doc ano po bang nangyari sa papa ko?"


"Miss Borromeo nag mild stroke po siya naka kinasanhi ng kanyang pag palpitate buti nalang at nasugod siya." Tumingin siya sa kanyang ama, pansin niya nga na medyo na mamayat ito. Hindi man lang niya napansin sa araw araw niya itong nakikita, paano siya din ay busy mag hanap ng trabaho, kadalasan din ay di sila nag aabot.


"I suggest Miss pag-pahingahin muna natin siya ng tatlong buwan marahil napepressure din ang kanyang katawan sa pagtatrabaho bukod pa roon mas need niya ngayon ng fresh air at peaceful mind." Nag-paalam na ang doktor dahil may susunod pa daw itong pasyente. "Pano yan Cynthia, hindi naman sa inaano ko kayo pero may kontratang pinirmahan ang papa mo. Maari siyang makulong kung hindi niya gawin ang trabaho." Sabi naman ng pinsan ni Mang Karding.


Nadagdagan ang kanyang problema, nais niya sanang sumuko kung pwede lang pero alam niyang matatapos din ang lahat ng ito. Sa ngayon ang plano niya ay kumbinsihing pauwiin ang ama sa probinsya para bumuti ang kalagayan nito dahil mas maalalagan ito ng ang kanyang ina.


"Sige na Kuya Rafael ako na pong bahala dito paniguradong may naiwan kayong trabaho maraming salamat muli." Ngumiti ito sa kanya at nag- paalam na. Tinext naman niya si Kevin upang mag pasalamat at humingi ng paumanhin. Naramdaman niya ang dahan dahang pag galaw ng daliri ng papa niya.


"Pa?.." Umungo lang ito at tila may nais sabihin tinuro nito ang tubig kaya dali niyang inabot ang tubig nito. Matapos nito uminom tila nais uli nitong mag pahinga.




MAAGA palang ay pumunta na siya sa kumpanyang pinag tatrabahuhan ng ama, Naka labas na ang ama sa ospital at bukas na luluwas ng probinsya nila. Buti nalang at naintindihan ni Kevin ang sitwasyon niya at hinayaang siyang mag absent ng tatlong araw.


Totoo ngang apaka-laki ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng kanyang hindi niya akalaing ang Malcolm Furniture Inc. pala ang pinag tatrabahuhan ng ama. "Good day Ma'am How may I help you?"


"Uhm hi, Ask ko lang kung saan ang office ni Miss Susana Lopez head ng HR department?" Ngumiti ito sa kanya at may kinontak sa telephono, "What's you're name daw po Ma'am?"


"Cynthia Borromeo, a-anak po ako ni Rogelio Borromeo." Sabi niya dito, ngumiti itong muli at binaba na ang telephono. "Sige po Ma'am wait lang po natin ang mag guguide sainyo." Pinaupo siya nito sa waiting area wala pang isang oras ay nakita niya si Rafael na tila palingga linga. Nang makita siya nito ay lumapit agad ito sa kanya. "Halika ako ang nautasan samahan ka."




CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon