CHAPTER 10

826 19 0
                                    


"Sorry Ms. Borromeo as much as a I want to help but I'm just following the management rules, I'm very sorry.." Lungkot na sabi ng HR Department Head. "Uhm, I can't think straight at the moment medyo gulat parin kasi ako sa pangyayari." 


"Its okay Ms. Borromeo I'll give you a week to consider the offer," She keeps saying sorry at me. Napakabait becuase nararamdaman ko yung sincerity sa sorry niya. I want to shout and get mad at her at the same time I know she's just doing her job.


 Umuwi akong nanlulumo sa apartment at kumuha nang damit ko at ni tatay, ang sabi ng doktor ay makakauwi na si tatay matapos siguro ang dalawang araw. Kinapapa salamat ko naman na sagot ng kompanya ang kanyang mga maintenance at hospital bills.


Sumakay ako ng jeep papuntang ospital, Natutulog si tatay nang makarating ako siguro ay naka-kain na siya dahil lagpas ala-una na ng tanghali nang makarating ako. Inaayos ko ang gamit ni tatay nagagamitin dahil maliligo na siya panigurado pag siya'y nagising na.


Naalala ko ang sinabi ni Ms. Susana, halos wala pang 3months nagwowork si tatay at 1 year ang nas kontrata niya at kung hindi niya ito natapos maari siyang pagbayarin ng malaking halaga or else he will get sue. Ms. Susana wants me to take tatay's job ayun ang inooffer niya sakin na matutulong niya saken.


I sarcastically chuckled, andumi nang pamamalakad ng kompanyang yon walang puso sa tao. How can they sue someone na may karamdaman na nga. 


Hinihintay ko si tatay lumabas ng banyo ng dumating si Rafael, "Salamat sa prutas, hindi kana sanaa nag abala." Ngumiti ako sa kanya na siyang sinuklian niya rin ng ngiti. "Gusto ko lang makatulong kahit papaano, ano nang plano mo ngayon Citi?"


"Hindi pa alam ni tatay ang tungkol sa offer at hindi rin alam nila nanay ang nangyari kay tatay, ayaw niya ipaalam baka daw kasi lumuwas dito." Nagawa ko pang tumawa dahil kahit paano di ko pa rin maiwasang isiping kahit sa maliit na bagay nag sasakripisyo si tatay.


"Alam mo kung pwede lang kita tulungan para bayaran nalang ang kontrata kaso pati ako walang wala rin e, sa anim na yon dalawang digit lang sinasahod ko kaya pasensya kana talaga.." Ngumiti uli ako dito nararamdaman kong nais niya talagang tumulong sa amin.


"Pero alam na ba nang tatay mo ang kalagayan mo ngayon? Siguro akong sa oras na nalaman niyang pumunta ka sa kompanya tungkol sa kotrata niya babalik ng trabaho niya yon." Hindi ko na siya nasagot nang biglang lumabas si tatay ng banyo, napatahimik na lamang ak habang sila ay nag uusap at tinext si Nineth para sabing baka hindi muna ako makakapasok at maging substitute ko sa klase. 


Gagawa nalang siguro ako nang letter at ibibigay kay Kevin alam ko namang maiintindihan nila ang sitwasyon ko ngayon, alam ko namang marami na din akong walang pasok dahil nga sa mga kaganapan sa buhay ko. 


Kinagabihan, nakatitig lamang ako sa kisame nag-iisip kung siguro nga ba ako sa aking magiging desisyon. I plan to take the offer and tatay's salary pauuwiin ko nalang muli siya dahil atleast doon maalagaan siya nila mama. He doesn't have any health insurance kasi pending parin siya.


Last day ni tatay ngayon sa ospital at ihahatid ko sila ni Rafael sa terminal ng bus laking pasalamat ko talaga sakanya dahil kahit paano may makakasama si tatay sa byahe at masisigurado kong ligtas siya, saktong-sakto talaga at nag leave siya para umuwi muna sakanila.


"Ano pumayag ba?" Bungad ni Nineth sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa faculty room, matapos kong ihatid sila tatay sa terminal ay dumiretso ako sa pinag-tratrabahuan kong paaralan.


"Oo pero kaldag sa sweldo dahil nga half-day na lang ako, pero okay na ito salamat nalang at pumayag." Gumawa na kasi ako ng report para sa aking mga absents at reasons, laking pasalamat ko lang at tinaggap parin ako ng dean at sa desisyon ko. Half-day na lang lagi ako papasok at naging subject teacher nalang ang dating hawak ko na klase ay nalipat kay Nineth.


"Ikaw pa ba malakas ka kasi don," Natawa nalang kami pareho. Alam ko namang maling gamitin ko ang kakayahan ni Kevin pero no choice na talaga ako kasi kung hindi siguro baka mahihirapan akong mag-turo at mag-trabaho sa kumpanya.


"Pagbutihin mo girl ah, para sa fam mo ito lang ako kung kaylangan mo ng tulong." Ngumiti ako sa kanya.


"Okay, Ms. Borromeo eto ang locker mo nahihiwalay ang locker ng lalake sa babae dun ang shower room niyo. Naka-assign ka sa 25th to 31th floor sina Jeric, Mercy, Leila at Jerome ang makakasama mo nagkakaintindihan ba tayo?"

"Y-yes ma'am." Grabe nakaka-intimidate bigla si Ms. Susana malayo sa ugali niya nung una ko siyang nakilala, siguro seryoso talaga siya pag-dating sa trabaho.


Sumulyap ako sa dalawang babaeng kasama ko, ang isa ay kasing tanda na ni nanay at ang isa naman ay nasa edad ko lang siguro, ngumiti ako ng tumama sa aking ang mga tingin nila lumabas na si Ms. Susana.


"Hi! Cynthia diba? Ako si Leila siya naman ni Manang Mercy matagal na siya dito hindi kagaya kong mag-3years palang." Ngumiti sa akin si Manang Mercy, laking pasalamat ko dahil akala ko wala akong magiging kaybigan dahil nga sa baguhan ako. Nakilala ko si Jerome at Jeric nang kami ay kumain muna sa canteen bago nag-simula ang trabaho.


Hindi namin maiwasan mag kwentuhan habang nag-lilinis, "Alam mo ba ang pinaka-nakakatakot na pinalis nila dito ay yung mga bintana." Sabi ni Leila. "Kaya nga sis nakakaloka hindi ko akalain kasama pala sa trabaho yon nakakatakot.." Natawa ako dahil umakto na tila tinataasan ng balahibo pa si Jeric.


"Oo nakakatakot pero yung iba nag-vovolunteer dahil kahit paano malaki ang binibigay na kapalit." Sabi naman ni Jerome habang nag-momop ng sahig.


Sabagay di nako nag-taka bakit ganon ang reaksyon ni Jeric, ang pag-pupunas kasi ng bintana sa labas ay may safety kapang suot para lang mapunasan mo ang bintana, ang pinupunasan lang naman na glass window ay yung sa mga office ng high positions at meeting rooms.


"Nabalitaan namin ang kalagayan nang tatay mo kaya kaba nag trabaho dine?" Sabi ni Manang Mercy, ang tawag nila sa kanya ay Manang Mercy na siyang pinantawag ko na rin sakanya.


"Opo Manang mas pipiliin ko pang magtrabaho kesa mag-bayad ng napakalaki." Hininto ko ang pag-pupunas at lumapit banda kay Jerome na nag pupunas din ng mga pintuan.


Bumaling ang pansin ni Jerome sa akin, "Pero diba teacher ka?" Tumango ako bilang sagot sakanya.


___________________________________________________________

 mERRY cHRISTMAS  y'ALL 

comment for chapter dedication gbu..





CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon