CHAPTER 8

963 17 3
                                    

hii, y'all sorry for sloOw update pero now i tatapos ko na siya hehez.

Sorry if may gulo-gulo sa story kase katamad pala mag revise pag tapos nalang hehez.

"SORRY Ms. Cynthia Borromeo, Boss will expect your resignation letter tomorrow daw sa ngayon daw pack your things." Nanluluma na sabi ni Jane, Ang secretary ng boss sa kanilang tourist agency. Napalapit na kasi siya dito, sa tagal ba naman ni'yang 4 years e hinde paba nya ito makakasundo.
"Ha? Jane pano nangyari?" Ang akala niya ay lahat ay nakontrol ni Theus ngunit hindi pala eto siya tinatanggal ngayon sa isa sa kanyang trabaho.

"Hinde daw po kasi inapproved ni boss ang leave n'yo di parin daw po kayo pumasok." May galang na tugon nito, Mas matanda kasi siya rito ng tatlong taon.

"Ah sige ganon ba hindi ko ba siya pwede makausap? Please lang oh." Hinawakan niya ang mga kamay nito. "Sorry talaga Miss Cynthia full sched si boss at may nahanap nang kapalit agad sayo e, kahit gustohin ko man baka ako ang mapangalitan." Nanlumo siya sa narinig, grabe paano na ngayon.

Lumabas siya ng building bitbit ang kanyang mga gamit, Ang pagiging tourguide ang isa sa mga pangarap niya kaya nga siya lumuwas ng maynila.

Tumunog ang kanyang telephono hudya na may tumawag rito, saktong tumatawag ang bunso ni'yang kapatid. "Hello? Napatawag ka Justin?"

"Hello ate! Gusto lang daw mag pasalamat ni mama't papa sa pinadala mong pera masyado daw malaki kaya nakabili pa kami ng bago kong rubber, salamat ate!"

"Ha? Talaga magkano nga uli ang pinadalha ko?" Napatuop siya sa kanyang bibig, hindi niya akalaing pati iyon ay nagawa pa ni Theus.

"70k ate, salamat talaga ate sabi din si Cindy thank you daw at mag iingat ka."

"Walang anuman basta mag aral kayo ng mabuti at laging mag-iingat ha."

"Opo naman ate! Sige na ate baka maubos na ang load ko e hehe."  Nag-paalam na rin siya dito gusto niya sanang sabihing ibigay ang telepono sa magulang at sabihing nawalan siya ng isang trabaho pero alam niyang baka mag-alala lang ito sa kanya.

"TARA lunch? Treat kita sumama ka lang." sabi ni Nineth, "Nako wag na sige sasama nalang ako tutal hinde pa ako kumakain."

May sariling cafeteria ang faculty ng school nila, Matagal na rin siyang nag-tuturo dito mag-tatatlong taon na. "Kamusta estudyante mo ngayong araw?" Tanong nito sa kanya.

"Okay naman ang kaso umabsent na naman si Joseph, ewan ko ba sa batang yon binalaan na." Pinili n'yang kumain ng burger at RC dahil ayon nalang ata ang kakasya sa budget niya ngayong araw, kaylangan niyang mag-tipid.

Tumango-tango si Nineth sakanya habang kumakain pa rin. "May alam ka bang pwede kong pasukan?" Tanong niya dito.

"Bakit? Anong nangyari sa tourguide mo?" Saad nito. "Ayon wala na tinanggal ako dahil sa pag leave ko."

"Ang KJ naman nila! Ang tagal mo na dun e." Napabuntong hininga siya, hindi niya akalain talagang matatanggal siya sa trabahong pangarap niya. "Wala e hayaan mo pag may nakita ako."

Tumunog ang kanyang telephono, "Hello pa! Kamusta?" Maligayang sagot niya dito. "Anak, totoo bang natanggal ka sa trabaho mo?"

"Kanino niyo nalaman pa?" Rinig niya ang ubo ng ama na tila may nararamdaman na namang sakit. "Kay Jane binalita lang ni Aling Fely sa amin, kung hindi pa nakwento hinde pa namin malalaman.." May himig na tila lungkot ang nasa boses ng ama.

"Pa naman.. di ko sinabi kasi makakahanap din naman ako ng trabaho uli mag tiwala lang kayo." Aniya.

"Citi anak, pabigat na kami sayo sobra sobra na ang sakripisyo mo nakapag isip-isip na ako.. luluwas ako jan sa susunod na araw." Kinagulat niya ang sinabi nito, nais nitong mag trabaho sa maynila. "Pa! Mahina na ang resistensya nyo di pwedeng napapagod kayo at lalong hindi kayo pabigay."

"Anak naman.. kasing lakas ko ang baka ni Mang Karding."

"Wag nang matigas ang ulo Pa, pano sila mama pag naiwan sila dyan." Napakamot siya ng ulo.

"Susubukan ko lang naman anak gusto ko lang makatulong, sige na buo na ang desisyon ko mag iingat ka jan." Nag-paalam na rin siya.

Kaylangan niyang makahanap ng trabaho agad, kinuha niya ang dyaryo sa kanyang bag at nag simula mag-hanap ng trabaho na pwede niyang pasukan.

Kaylangan niyang mag-hanap agad para hindi na magpumilit ang ama na lumuwas ng maynila, halos ni isa walang trabahong nababagay sa kanya lahat ang hanap ay cook o ano pa man.

"ANAK, maganda pala ang tinitirhan mo dito e," saad ng kanyang ama. Bitbit niya ang ibang bag na dala nito at nilagay sa gilid ng sofa. "Maliit Pa pero safe naman dito."

Kasamang palad ay wala talaga siyang nahanap na trabaho kaya heto ang kanyang ama natuloy ang pag-luwas. "Ano ng plano mo ngayon pa?"

Naupo ito sa kanyang tabi at kinuha ang remote ng tv. "Si Mang Karding yung pinsan n'ya nag tatrabaho daw sa isang malaking kumpanya baka bukas mag-pasa na ako don sana palarin."

"Malaking kumpanya? Siguro ba kayo diyan pa." Tanong niya rito, "Oo naman wala ka bang tiwala sa aken?" Huminga siya ng malalim at tumayo upang mag handa ng kakainin.

CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon