PROLOGUE

36 7 3
                                    

PLEASE VOTE, FOLLOW AND COMMENT PARA GANAHAN AKO MAG-UPDATE :(

HEAVEN CATALLINE

Everything was fine when my mom and I move from tito Edison's house. Mabait si tito sa akin, he's my mom's new husband. Itinuturing n'ya akong parang tunay na anak, ibinibigay ang mga luho o kahit na ano kahit na hindi ko hingiin.

He's a good father, how I wish he's my real father.

Mayroon s'yang anak na lalaki na sobrang nakakainis dahil lagi ako nitong ginugulo lalo na kapag nakikita n'ya akong tahimik  pero mabait naman s'ya kagaya ng papa n'ya.

Eighteen years old ako, at dalawang taon ang agwat ng edad naming dalawa pero kung itatabi ako sakan'ya ay parang magkaedad lang kami dahil sa tangkad n'ya.

Singkit ang kan'yang mga mata pero kapansin-pansin ang pagkakaiba ng kulay ng mga iyon, parang kagaya sa mata ng pusa.

"Hinay-hinay sa pagtitig, baka saluhin kita" wika n'ya habang seryosong nagtitipa ng kung ano sa laptop n'ya.

"What? Bakit mo naman ako sasaluhin?" takang tanong ko sa batang kaharap ko.

"Mahuhulog ka" sabi n'ya habang abala parin sa kung anong ginagawa n'ya.

"Ano ba yang ginagawa mo? Assignment mo? Gusto mo bang tulungan kita?" tanong ko sakan'ya dahil napansin kong tila nahihirapan s'ya.

Nagsasalubong na rin ang makapal na kilay n'ya.

Para na s'yang bente anyos sa itsura n'ya. Parang ako ang mas bata sa aming dalawa kapag magkadikit kami.

Paanong nangyayari yon?

"Kaya ko naman na to" aniya saka lumingon sa akin.

Sinalubong ako ng kulay asul at tsokolate n'yang mga mata.

Hindi ko masabi kung anong meron sa mga mata n'ya na parang hinihigop ako para makipagtitigan doon.

"Okay? Aakyat na ako sa kwarto ko" sabi ko sakan'ya pero pinigilan n'ya ako.

Nakita ko ang mas malaki pa n'yang palad kaysa sa akin, na nakahawak sa kamay ko. Bakit naman parang mas mukha ko s'yang kuya?

Kainis!

"Yep?" tanong ko

"Kiss muna" wika n'ya sabay turo ng kan'yang pisngi.

"At bakit naman kita i-kikiss?" Nakataas ang kilay na tanong ko sakan'ya.

"Ganon ginagawa ni papa, kapag na-i-stress ako sa schoolworks e" pagpapaliwanag n'ya.

Wala kasi ngayon sina mommy at papa, halos pareho silang abala sa trabaho kaya kami lagi ang naiiwan nitong batang mukhang mas matanda pa sa akin.

Lumapit ako sa kan'ya bago yumuko at pinaunlakan ang hinihingi n'yang simpleng halik sa pisngi.

"Thank you, Cat!" Aniya na ikinataas ng kilay ko.

Cat? Ano ako pusa?

"My name is Heaven , bakit naman Cat ang tawag mo sa akin? " tanong ko sakan'ya habang s'ya ay abala parin sa kung anong ginagawa.

"Your name is Heaven Catalline, nakalimutan mo na ba?" seryosong sagot n'ya.

"Hindi ko naman nakalimutan yon. I was just asking, bakit Cat ang tawag mo sa akin. Heaven ang tawag sa akin ni Mommy at Papa" paliwanag ko sakan'ya.

Napatanong din ako sa sarili ko kung bakit pa ako nagpapaliwanag sa batang to, maiintindihan n'ya ba ako? Tsk.

"Wala kasi akong pusa, so you're my Cat" aniya na ikinakunot lalo ng noo ko.

PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon