CHAPTER 2

24 6 3
                                    

UNCONTROLLABLE


ALAS NUWEBE ng umaga nang makarating kami sa parking lot ng condo na inuukupa ni Ach. Condo unit iyon ng pinsan ni Mauryn na si Haneiah, at ipinapahiram n'ya kay Ach.


I call her Ach (Atch) it's because I want a unique nickname for everyone. Ayoko nang may kagaya ako ng tawag sa isang taong malapit sa akin.


Kinapa ko ang bulsa nang suot kong pantalon.


"Shit!" nasapo ko ang ulo ko sa napagtanto ko.


"Hey babe, why're you shouting?" Naalimpungatan ang baliw na si Niel dahil sa ginawa kong pag-sigaw pero wala don ang atensyon ko


Naiirita na naman ako sa pagiging makakalimutin ko!


"Wala ang phone ko! Naiwan ko sa bahay!" pagrereklamo ko kay Niel kahit na ako naman ang may kasalanan.


"So?" walang pake n'yang tanong na lalong dumagdag sa iritasyon ko.


"So? So? So?! Hindi ko ma-cocontact si Eris! Argh!" 


"Edi dumiretso nalang tayo sa unit n'ya" 


"We can't do that!"


"Anyway, why she's living in a condo unit at the age of eighteen? Kasama n'ya ba doon ang pamilya n'ya?" 


"Because, she likes having her own space. Gusto n'ya lagi ng time to bond with herself" kalmado na sagot ko, hindi ko alam kung paano n'ya akong naapakalma agad.


"So, let's go?" muling yaya n'ya sa akin. 


Bumuntong hininga ako saka ngumuso sakan'ya.


"Babe, stop pouting your lips. It's temping!" parang problemado talagang sabi n'ya, pero ako ang mas problemado sa aming dalawa. 


"Shut it, Niel! Uuwi tayo..." pigil ko sa idagdag n'ya na namang kalokohan sa sinabi n'ya.


Dahil alam kong pag nagsimula na s'yang magsalita ng mga ganon, ay susunod-sunurin n'ya na iyon hanggang sa masagad ang pasensya ko. 


"At ikaw na ang magmaneho ng sasakyan, matutulog ako" wika ko sakan'ya. Tumango naman agad s'ya kaya nagpalit na agad kami ng upuan.


Nang makaupo ako sa kinauupuan n'ya kanina ay namutawi ang isang mapaglarong ngisi sa labi n'ya.


"Sleep tight, babe" aniya saka umaambang inilalapit ang kan'yang mukha sa mukha ko kaya mabilis kong iniharang ang mga kamay ko. 


"Hep! Hep!" saway ko sakan'ya.


"Kiss lang e. Damot!" aniya saka ngumuso nang pagkatulis-tulis. 

PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon