Chapter 7

58 5 0
                                    

"Tulala ka na naman diyan, 'te!" Bahagya akong ginulat ni Isaac nang mapaupo siya sa tabi ko.

Nandito ako ngayon kung saan nagpa-practice sila Randy ng volleyball para sa intrams. Nag-effort talaga akong gumising nang maaga para makasama sa kanila at para na rin mapanood sila.

"Sabi ko sa'yo huwag mo 'ko masyadong iniisip dahil hindi ka talaga makakatulog." Nagyayabang na sinabi naman ni Race.

Tumingin ako sa kan'ya at tinaasan siya ng kilay. "Oo, dahil kapag ikaw ang iniisip ko, bangungot ang abot ko!" Sarkastikong sinabi ko sa kan'ya kaya natawa naman yung mga kaibigan ko.

"Ah, talaga? Sa susunod na dadalaw ako sa panaginip mo, hindi ka na magigising." Sarkastiko ring sagot niya sa'kin.

"Bago mangyari 'yon, nakapagdasal na ako!" Singhal ko sa kan'ya.

"Tama na po, please!" Umaarteng sambit naman ni Mark.

"Bakit ka ba kasi nakatulala? Kanina ka pa riyan." Si Jethro. "Iniisip mo ba yung susuotin mo para mamaya?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Para saan?"

"Tsk, tsk, tsk." Si Randy. "Baka nahilo ka? Friday ngayon. Hindi ba sinabi namin na ini-invite tayo ni Justine mamaya sa Night Club?" Parang nauubos ang pasensyang sambit ni Randy.

"Friday na ba ngayon?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo!" Sabay-sabay na sagot nila.

"Huwag mo sabihing hindi ka sasama?" Tanong ni Mark.

"Hindi ko alam." Sambit ko.

"Ano? Hindi mo alam? Kahit kailan, wala ka talagang alam!" Usal ni Isaac.

"Hoy, ang kapal naman ng libag mo!" Sabi ko na bahagya pang hinampas ang balikat niya.

"E, ano nga?"

"Tsk. Oo na." Singhal ko. "Kailangan pa ba magpalit ng damit? Hindi ba puwedeng naka-uniform?"

"Sige 'te, bobohan mo pa." Sabi ni Randy. "Alam mo namang club yung pupuntahan natin tapos naka-uniform ka?" Badtrip na tanong niya.

"Pati ba naman susuotin, po-problemahin ko pa?" Sarkastikong tanong ko. "Wala kaya akong masusuot. Alangan naman pagsuotin niyo 'ko nung ano, ano nga 'yun? Yung sleeveless? Kung gano'n lang, salamat na lang."

"Bakit, pinipilit ka ba naming magsuot ng ganoon? Puwede naman kahit mag shorts ka lang tapos fitted na damit. Ikaw na bahala. Bakit ba kita pino-problema. May sarili naman akong problema." Sunod-sunod na sambit ni Randy.

"Okay." Sagot ko na lang. Bahala na kung ano masuot. At least, may damit.

Nagpaalam muna ako sa kanila na magpapalit muna sa uniform. Pagkatapos ko magpalit ay dumiretso ako sa locker para kuhain yung sapatos ko roon. Lagi ko kasing iniiwan yung pamasok kong sapatos dito sa locker.

Nang maisara ko naman iyong locker ko ay nakita ko si Lei na may hinahanap din sa locker niya kaya nung mapatingin siya sa akin ay bahagya siyang umayos nang tayo.

Halos manlaki iyong mata ko nang makitang kinuha niya iyong isang kaha ng sigarilyo at kumuha roon ng dalawang piraso. Hindi ba siya natatakot na baka mahuli siya? Tsaka, ilang taon na ba siya? Tsaka, bakit ba nangingialam ako?

"Lei, nandoon na ba si Kiyo?" Hindi na ako nag-atubili na tanungin siya. Iyon bang klase nang pagtatanong ko ay casual lang. Iyon bang parang close na close kami? Parang ganoon.

"H-ha? I don't know. Kararating ko lang." Sabi niya habang inaayos iyong gamit sa may locker niya.

Anong oras na, ah? Late siya?

When I Met You Book:1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon